33

17.3K 687 140
                                    


CHAPTER THIRTY-THREE

Unknown

"PABALIK na ba si Rade rito?" tanong ko sa mga tauhan ko.

"Opo, boss. Papunta na po siya rito."

"Sigurado ka bang nabantayan n'yo siyang mabuti no'ng nandoon siya sa Mariveles?"

"Opo. Nakakasigurado po kami. Wala naman po siyang maling ikinikilos na labag sa plano."

"Mabuti kung gan'on. Masyadong mabagal ang oras. Naiinip na ako."

"Bakit po ba 'yong magkapatid ang pinupuntirya n'yo? Bakit hindi na lang 'yong mismong may atraso sa 'yo?" Tumaas ang kilay ko at napangisi.

"Masyadong madali kung ang may atraso ang uunahin ko. Si Rade ang proyekto natin sa plano na 'to. Si Rade at ang kapatid niya."

Umupo ako nang maayos sa office chair ko at tinitigan ang hourglass sa table ko. Napangiti ako habang tinititigan ang unti unting pagbuhos ng buhangin sa ibaba ng hourglass.

Maramipang natitirang buhangin sa taas ng hourglass.

Marami ka pang oras para sulitin ang natitirang mga buwan ng buhay mo, Blossom Prim Sasaki.

Nilingon ko ang picture frame sa tabi ng hourglass at napangisi ako. Complete Sasaki family.

Ano kaya'ng mararamdaman n'yo kapag nawala si Blossom sa inyo?

"Blossom, you'll be the payment for your father's f*ckin' sins and debt," nakangising sabi ko.

"Shut up, Barbie." Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Rade na galit na nakatingin sa akin.

"Oh, so you're here, Rade. Welcome back. Did you enjoy your vacation?"

"F*ck you," galit na sabi niya. Ang mga mata niya, punong puno talaga ng galit.

"Aren't you f*ckin' happy? Kinuha mo na ako sa kanila. Pinagkait mo sa kanila na makasama ako. Bakit kailangang pati si Blossom, idamay mo pa?"

"Paulit-ulit ko nang sinagot ang tanong mo na 'yan, Rade. Hindi ko dinadamay si Blossom. Dahil si Blossom mismo ang subject dito. And you, project ka lang," nakangising sabi ko at akmang susuntukin niya ako pero tinutok ko sa kanya ang baril ko.

"Isang pagkakamali mo lang, Rade. Tapos ang buhay mo," seryosong sabi ko pero ngumisi lang siya.

"Go on, kill me. T*ngina. Patayin mo na lang ako. Tutal naman matagal na akong patay, 'di ba? Matagal nang walang silbi ang buhay ko. Just f*ckin' kill me, Barbie."

Binaba ko ang baril ko at sinampal ko siya nang malakas. "You're really stupid. Manang-mana ka sa magulang mo. Tingin mo ba, kung papatayin kita ngayon, magtatagumpay ako sa plano ko? Bobo!" iritang sigaw ko.

"Dalhin n'yo 'yan sa ground floor. Kuryentehin n'yo hanggang sa manghina," utos ko sa mga tauhan ko at marahas nilang hinila si Rade palabas ng opisina ko.

Hindi pa ako nagsisimula, Rade. Huwag kang mag-alala.

Sa tamang panahon, kapag nagsimula ako, makakawala ka na sa 'kin, Rade Ames Savedra Anderson.


Blossom

NAG-RING 'yong phone ko at nakita kong unregistered number.

Sino naman kaya 'to?

"Hello?" sagot ko.

"H-Hi," sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Sino 'to?"

"If I tell you, can you promise me that you won't tell anyone?"

Kinabahan ako dahil parang may kutob ako kung sino angkausap ko.

"I promise. Now tell me, sino ka?"

"I'm Kian."

Agad akong natigilan. Bakit ganito? Parang . . . parang bumigat ang puso ko. Ilang taon kong hiniling na sana makita ko siya. Na sana malaman ko kung buhay pa ba siya o patay na. Pero ngayong nalaman ko na, bakit parang ang bigat sa puso? Parang mas nangibabaw 'yong sama ng loob ko?

"K-Kuya . . ." ang natatanging lumabas sa bibig ko.

"I miss you. No matter what happens, always remember that I love you, little sister."

He ended the call at naiwan akong nakatulala.

No matter what happens? Bakit? Ano ba'ng mangyayari?

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now