51

16.4K 631 163
                                    


CHAPTER FIFTY-ONE


BUMISITA ako sa restaurant ni Kuya. At tama nga ako, nandoon si Wake at magsisimula pa lang tumugtog.

Umupo ako sa mesang palagi kong pinupuwestuhan at pinanood kong kumanta at tumugtog ng gitara si Wake.

He reminds me of Blue.

The way he plays the guitar is similar to how Blue played when he was still alive. Siguro sinadya ng tadhana na pagtagpuin kami ni Wake para ayusin ang buhay ko. Feeling ko, may rason kung bakit nakilala ko si Wake.

Pagkatapos kumanta ni Wake ay napatingin siya sa direksyon ko kaya automatic siyang napangiti.

Lumapit siya sa akin atumupo sa tabi ko. "What brought you here? Napapadalas na yata 'yong pagpunta mo rito, ah."

"Well, gano'n talaga. Nandito kuya ko, eh."

"Kuya mo ba talaga? O ako?"

"Feeling mo naman. Anyway, gusto mo ba 'ko samahan next week? May reunion kasi kami ng batchmates ko no'ng highschool."

"Next week? Sayang. Gusto kitang samahan but I can't. May OJT na ako next week."

"A-Ay. Sayang."

"Bawi na lang ako next time, girlfriend," nakangiting sabi niya sabay hawak sa pisngi ko at pinilit niya akong ngumiti. Nilukotlukot niya 'yong mukha ko kaya tiningnan ko siya nang masama.

***

SUMIMANGOT si Ulan nang makita niyang si Rade ang tumatawag sa phone niya. "What?" mataray na sagot ni Ulan sa phone.

"Duh?! Puwede namang si Bloss na lang ang tawagan mo kung siya 'yong pakay mo. Bakit sa akin ka pa tumatawag? Papansin," iritang sabi ni Ulan sabay patay no'ng phone.

Nandito kami ngayon sa beach resort na pagmamay-ari ni Triangle. Nanatili kaming nakatayo rito sa may entrance dahil hindi pa kami kompleto. May kulang pa raw kasi.

"Sino pa ba'ng kulang? Kumpleto na kaya tayo!" reklamo ko.

"Wait, guys. Sina Ziehl at Sleep daw, padating na," sabi ni Jessan kaya agad akong natigilan.

Saktong may dumating na Mercedes Benz na white. Huminto ito sa harap namin at mula sa kotseng iyon ay lumabas si Ziehl.

"OMG! Ziehl!" sigaw naming tatlo nina Jessan at Ulan sabay takbo papalapit kay Ziehl saka siya niyakap.

"Na-miss ka namin!" sigaw ni Ulan.

"Okay," bored na sabi ni Ziehl kaya sinabunutan siya ni Ulan. "Bruha ka! Tipid ka pa rin magsalita?!"

"Joke lang. Na-miss ko rin kayo," nakangiting sabi ni Ziehl atsaka niya kami inakbayan.

Biglang may dumating pa ulit na isa pang Mercedes Benzpero kulay black naman.

Mula roon ay lumabas si Sleep.

"OMG! Lalong gumuwapo si Sleep! Fangirl here. Oh, myGod!" kinikilig na sabi ni Ulan.Oo, lalo nga siyang gumuwapo.

Hindi ko lang napansin 'yonno'ng nagkita kami sa mall last week. Pero tama si Ulan, maslalong gumuwapo si Sleep. Akala ko, pupunta na rito sa amin si Sleep pero umikot pa siya sa kabilang side ng kotse niya at binuksan niya 'yong pinto. Mula roon ay lumabas si Sofia.

Ngumiti si Sofia at kinawayan kami. Ngumiti na lang din ako nang pilit. Hindi ako plastik, pero ayaw ko lang itapon lahat ng pinagsamahan namin nang maraming taon.

Tanga na kung tanga, pero hindi ko magagawang magalit kay Sofia.

Pagdating kasi kay Sofia, mas nangingibabaw 'yong pagiging magkaibigan namin at 'yong pagturing ko sa kanya na parang kapatid ko na. May kung ano sa loob ko na ayaw magalit sa kanya.

"How can she f*ckin' smile like that after what she did?" iritang sabi ni Ulan na tinutukoy si Sofia.

"Rain, don't say that. Hindi mo alam kung ano'ng pinagdaanan niya," maikling sabi ni Ziehl.

"What the hell? Ako pa talaga? Ziehl, huwag mong sabihing kumakampi ka sa kanya?" inis na sabi ni Ulan.

"Wala akong kinakampihan. Ang akin lang, kaibigan pa rin natin siya."

Muli akong napatingin kina Sleep at Sofia na naglalakad papalapit sa 'min. Kada hakbang nila, nag-i-slow motion sa paningin ko.

Unti-unting nawawasak ang puso ko habang papalapit sila nang papalapit sa amin.

Mas lalo akong nanlumo nang makita kong hinawakan ni Sleep ang kamay ni Sofia.

Napangiti na lang ako bigla nang mapakla.

Hanggang ngayon, talent mo pa rin ang saktan ako, Sleep Kaiser Topaz.



Wake Up Or SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon