22

20.3K 840 173
                                    


CHAPTER TWENTY-TWO


SUMAKAY ako ng jeep at iniabot ang bayad ko sa katabi ko.

"Pakiabot po, sana tanggapin n'yo. Palagi na lang po kasi akong nare-reject," paghugot ko at napailing na lang 'yong matandang babae na inabutan ko ng pamasahe ko.

Mga 15 minutes ang naging biyahe ko papuntang bayan. "Manong, para po!" sigaw ko pero si Manong, may malaking butil 'ata ng tutuli sa tainga.

"Manong, para po!" sigaw ko ulit. Lintek na, bingi 'ata si Manong!

"Manong, sige, patunayan natin ang forever! Huwag n'yo na akong ibaba!" inis na sigaw ko.

"Manong, eh kung sa Manila mo na lang kaya ako ibaba?!" malakas na sigaw ko kaya biglang prumeno si Manong.

Padabog akong bumaba ng jeep. Daming tao. Kaya bihira lang ako rito sa bayan, eh. Nakakatamad kasi.

Pumasok ako sa Pasta Boulevard, isang pasta shop, at umorder ng meaty spaghetti, crema, iced tea at chicken lollipop. Gutom ako kahit kakakain ko lang ng tanghalian.

Umupo na ako sa bakanteng table at hinintay ang orderko.

Napatingin ako sa bagong customer na kapapasok lang at napanganga agad ako.Si Tulog, nandito rin! Naglakad siya papunta sa—papunta sa puwesto ko! Pero sa katabing table ko siya umupo at hindi sa table ko. Ano ba 'yan?

"Hoy," tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin.

"Oh?"

"Sinusundan mo ba 'ko?" taas-kilay kong sabi sa kanya.

"Asa. Bakit kita susundan?" masungit na sabi niya saka siya tumayo at um-order doon sa counter.

Bumalik din siya agad sa table niya at hinintay din ang order niya. Maya-maya lang ay dumating na ang order namin pareho.

Kumain agad ako at nilantakan ang crema dahil paborito ko 'yon. 'Di ko nililingon si Tulog dahil ayaw ko siyang isipin.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na agad ako ng Pasta Boulevard at pumunta ako sa plaza. Gusto ko lang tumambay dahil bored talaga ako. Sina Ulan kasi, wala, eh.


Sleep

NAGMAMADALI kong inubos ang pagkain ko at lumabas nang Pasta Boulevard.

Sinundan ko si Prim at nakita ko siyang naglalakad sa bargain shops. Nagtitingin siya ng kung ano-anong kuwintas at bracelet. Bigla siyang lumingon sa akin kaya agad kong hinawakan 'yong nakasabit na imahe ng birhen na itinitinda ng babae rito.

"Magkano 'to?" tanong ko sa babae.

Baka mahuli ako ni Prim na sinusundan ko siya. Tiningnan ko naman ulit si Prim at nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nakatalikod na ulit siya at bumibili ng kung ano.

"Four hundred pesos po 'yan, koooyaaa. Bibilhin mo?" tanong sa akin ng tindera.

"Hindi," maikling sagot ko at saka ako naglakad ulit para sundan si Prim pero lumingon ulit siya kaya dinampot ko 'yong shades na tinitinda ni Manong sa gilid.

"Tirik na tirik 'yong araw, 'no, Manong? Magkano 'to?" tanong ko kay Manong habang hawak 'yong shades.

"Jusko, bata. Anong tirik na tirik ang araw? Makulimlim nga at parang uulan."

Napatingin tuloy ako sa langit, hindi nakatirik ang araw at mukhang uulan nga.

"Hoy, Tulog, sinusundan mo ba ako?" tanong sa akin ni Prim nang makalapit siya sa akin.

"Ha? Hindi, ah. Asa ka," pagtanggi ko.

"Wushu, asa raw. Pinapahirapan mo pa sarili mong magtago d'yan, eh. Halika na nga," natatawang sabi niya at saka niya ako biglang hinila papunta sa kung saan.

"Sinabi nang hindi kita sinusundan, eh," pilit kong pinagmumukhang naiinis ang tono ng boses ko pero hindi ako nagtagumpay dahil may kung anong tuwa akong nararamdaman dahil hinila niya 'ko.

"Huwag mo nang i-deny, Tulog. Huli na kita, eh. Birhen at shades pa talaga balak mo bilhin, ah?" pang-aasar niya sa akin atsaka siya tumawa.

Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Habang naglalakad kami, lahat ng madadaanan niyang tao, binabanatan niya ng knock-knock jokes niya at ng mga walang kuwenta niyang jokes.

"'Oy," tawag ko sa kanya.

"Problema mo?"

"Ano'ng ginawa n'yo ni Blue sa bahay niya no'ng isang gabi?" tanong ko.

"Hinatid niya ako sa bahay namin, hindi niya ako dinala sabahay nila."

"Sinungaling," kunot-noong sabi ko.

"Hoy, totoo kaya! Saka bakit mo ba tinatanong? Paki mo ba?"

Bakit ko nga ba kasi tinatanong?


Blossom

"ANO'NG gagawin natin dito?" bored na tanong ni Tulog.

"Baka magsisimba, Tulog. Malamang maggo-grocery!"

Kumuha na lang ako ng basket at nagsimula nang maggrocery. Kailangan ko ng mga pagkaing itatambak ko sa kwartoko.

"Sa 'yo lahat 'yan?" tanong sa akin ni Tulog habang bitbit niya 'yong basket na pinaglagyan ko ng lahat ng binili ko.

"Oo. Angal ka?"

"Tss."

***

TAHIMIK lang kaming naglalakad hanggang sa makarating nakami sa tapat ng bahay namin.

"Bye."

Akmang papasok na ako ng gate pero natigilan ako.

"Teka. May sasabihin ako," pigil niya sa akin. Muli akong napalingon sa kanya at hinintay ang sasabihin niya.

Haharap sana ako sa kanya para itanong kung ano'ng sasabihin niya pero pinigilan niya akong humarap.

"Huwag kang haharap. Talikod ka lang," reklamo niya.

"Oh, ano? Sabihin mo na! Para makauwi na ko!" sabi ko at hinintay siyang magsalita.

"Seryoso ako sa sinabi ko kagabi. Baka lang nakalimutan mong may sinabi ako. Pinaalala ko lang."

Natigilan tuloy ako at parang ayaw nang gumalaw ng kamay ko para buksan ang gate. Narinig kong tumawa nang mahina si Tulog dahil napansin niyang nanigas ang kamay ko doon sa hawakan ng gate.

Naramdaman kong lumapit siya at siya na mismo ang nagbukas ng gate namin.

"Pasok ka na," nakangiting sabi pa niya at dali-dali akong tumakbo papasok ng gate saka sinarado agad ang gate.

P*cha, Tulog! Bakit ibang klase ka magpakilig?


Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now