16

20.6K 753 36
                                    


CHAPTER SIXTEEN


ANG lakas ng hangin habang naglalakad kami, pati 'yong ulan mas lalong lumalakas.

Malapit nang bumaliktad ang payong ni Tulog pero buti na lang at nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Salamat," sabi ko kay Tulog at pumasok na ako sa gate ng bahay namin. Kumatok ako sa pinto pero walang nagbubukas. Kumatok ulit ako nang kumatok. P*cha naman! Nasaan na si Manang?

"Manang Asseng! Pakibuksan mo po!" inis na sigaw ko. Sino'ng hindi maiinis, eh basang-basa na ako ng ulan!

Maya-maya lang ay bumukas na rin sa wakas ang pinto.

Nagulat ako nang makita kong umiiyak si Manang. "Hala, Manang, bakit?"

"Ang mommy mo kasi Blossom . . ."

"Po? Ano po ang nangyari? Nasaan nga pala si Mommy?"

"Nasa Samar siya ngayon. May booksigning siya, pero na-cancel dahil sa bagyo."

"Eh, ano po'ng nakakaiyak doon?"

"Hindi raw makakauwi ang mommy mo rito dahil pati ang flight sa airport ay na-cancel din. Signal number 3 na kasi sa Samar." Nanlambot ako nang marinig ko ang sinabi ni Manang. Nagaalala ako para kay Momsie.

"Si Dade? Nasaan po?"

"Nasa kwarto niya, kino-contact niya ang mommy mo dahil biglang namatay ang linya ng tawag kaninang kausap ko ang mommy mo." Hindi ko maiwasang mag-alala kaya pumunta agad ako sa kwarto nina Dade at nakita ko siyang hindi mapakali.

Tinabihan ko si Dade at saka ako bumanat. "Ano'ng tawag kay Hello Kitty kapag malikot?" Napatingin sa 'kin si Dade.

"Ano?"

"Eh 'di Kitty-Kitty!" Tipid na ngiti ang binigay sa 'kin ni Dade. Hay, mahal niya talaga si Momsie.

"Dade, huwag ka na masyadong ma-paranoid d'yan. Uuwirin si Momsie dito nang ligtas."

***

PAGKAGISING ko, 1 p.m. na pala. Lumabas ako ng kwarto at may nakita akong sticky note na nakadikit sa tabi ng pintuan ng labas ng kwarto ko.

Blossom, sinamahan ko ang daddy mo. Balak niya kasing pumunta mag-isa sa airport kaya sinundan ko siya. Ayaw ko namang mag-isa ang daddy mo doon kaya sumama na lang ako sa kanya. Mag-iingat ka d'yan nak, ah? Ipapahanap namin ang Mommy mo.

-Manang

Napasimangot agad ako at talagang nag-alala. Bakit sila umalis, eh sobrang sama ng panahon? Ugh.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko at sumilip sa bintana para tingnan kung gaano pa kalakas ang ulan. Pero may nakita akong hindi inaasahan sa harapan ng gate namin.

Si Rade? Ano'ng ginagawa niya roon? Nasagot naman agadang tanong ko dahil nakita kong lumabas si Sleep sa gate nila at nag-usap sila ni Rade. Nakita ko ring tumawa si Rade dahil may kung anong sinabi si Tulog.

Close pala sila?

Nagulat naman ako nang marinig kong nag-do-doorbell sila sa gate namin.

What the?

Bumaba na lang agad ako at kumuha ng payong saka lumabas ng bahay at binuksan ang gate.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito? Jusko naman, bumabagyo kaya!"

"Pinuntahan ako kanina ng daddy mo sa bahay namin. Sabi niya, samahan daw kita hangga't hindi pa raw sila nakakabalik."

"Eh, bakit nandito rin si Rade?"

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now