14

27.1K 791 113
                                    



CHAPTER FOURTEEN

Sleep

PAGKAPASOK ni Prim sa bahay nila, nanatili akong nasa tapat ng bahay namin at tinawagan ko ang kapatid ko.

Hindi niya sinasagot ang tawag matapos ang ilang ring pero maya-maya ay sinagot niya na rin ito.

"Nasaan ka?" tanong ko.

"Pauwi na r'yan."

"Ano ba'ng ginawa mo kanina?"

"Tiningnan ko lang kung may sumusunod sa atin kanina, and wala naman pala."

Binaba ko na ang tawag at pumasok na ako sa bahay.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Ziehl. Nag-ring ang phone ko kaya tiningnan ko agad kung sino ang tumatawag.

Si Psyche.

"Yo, mate. Napatawag ka? May bagong target na naman ba?"

"Oo. Papunta na kami d'yan sa bahay n'yo. Kanina pa kami bumiyahe mula Manila. Layo ng Bataan, ha."

"Sino ang panibagong target?"

"Mamaya ko na lang ie-explain sa 'yo. Mag-ready na kayo ni Ziehl." Binaba niya na ang tawag. Tiningnan ko si Ziehl at alam niya na ang ibig sabihin ng tingin ko kaya tumayo siya at nagbihis sa taas.

Nagpunta rin ako sa kwarto ko at nagbihis. Maya-maya lang ay lumabas na kami ng bahay ni Ziehl at dumating ang itim na van na pagmamay-ari nina Psyche. Mabilis nilang binuksan ang van at mabilis din kaming sumakay ni Ziehl sa loob.

Pagkasakay namin ay bumungad sa akin ang iba't ibang machine sa loob at maraming laptop na animo'y nagsisilbing CCTV monitor sa lugar na pupuntahan namin. Inabot sa akin ni Psyche ang isang maliit na bagay na kinakabit sa tainga na halos hindi halata dahil transparent ito. Ginagamit ko 'to para makausap ko si Psyche at ang iba pa kapag magkakahiwalay kami ng lugar. It's also an ear monitor.

Inabotan niya rin ng isa si Ziehl, sabay-sabay naming sinaksak 'yon sa tainga namin.

"Buti at dito ka na sa Pilipinas gagawa ng trabaho mo?" tanong sa akin ni Psyche.

"Pinakiusapan ko si Veer na dito na lang ako sa Pilipinasi-assign kasama ang kapatid ko para mas mapadali ang trabaho," pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, pinakiusapan ko si Veer na dito na lang ako sa Pilipinas gumawa ng trabaho dahilmay iba pa akong aasikasuhin. At 'yon ay si Prim. Sa London kasi ako in-assign sa loob ng maraming taon at si Ziehl naman ay dito sa Pilipinas naka-assign na magtrabaho kaya hindi ako basta-basta nakauwi rito sa Pilipinas.

Normal lang naman akong estudyante dati sa London kung saan kasama ko si Papa. Doon kasi nagtatrabaho si Papa bilang civil engineer. Pero noong malaman ko ang kalagayan ni Rade, naglakas-loob akong humanap ng paraan para maging malakas ako at magkaroon ng sapat na kakayahan para iligtas siya. Saktong nakilala ko sina Veer at Psyche sa London. Naging kaibigan ko sila at nalaman ko ang grupong kinabibilangan nila.

Kaya naisip kong sumali sa kanila, nag-training ako. Tinuruan din ako ng martial arts, mental tricks when having a fight, and they also taught me that I should think like a criminal. I should think the way they think para mabasa ko ang isip nila. They also taught me how to use guns and knives. 'Yon ang dahilan kung bakit naging ganito ako kalakas at kautak.

Inabot sa 'kin ni Psyche ang isang transparent na bilog na ikinakabit naman sa mata ko. Tracker 'yon. Kapag nakalagay sa mata ko ang tracker, mata-track ako nina Psyche kung nasaan ako.

Wake Up Or SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon