15

22.1K 760 79
                                    


CHAPTER FIFTEEN

Blue

SAKIT. T*ngina. Pero okay lang, hindi ko naman kayang magalit kay Blossom, eh. Kahit papaano, malalim 'yong friendship na nabuo sa aming dalawa sa loob ng maraming taon.

Parang wala akong buhay habang naglalakad ngayon papunta sa studio. Nang makarating ako sa studio, naabutan ko ang band members ko na maingay na nagkukuwentuhan pero wala akong maintindihan sa mga pinagkukuwentuhan nila.

Ganito pala masaktan, 'no? Saklap. Ito 'yong joke na hindi nakakatawa, eh.

Ibinigay ko na sa kanila ang chords at notes ng kantang na-compose ko. Nag-practice kami at tinugtog namin 'yong kanta. Pero napahinto na lang ako bigla sa paggigitara.

"Brad, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Black. Napansin niya agad na may iba sa akin.

Tumingin ako kay Sleep na nakatingin din sa 'kin.

"Bukas na lang tayo mag-practice. Masama pakiramdam ko," walang gana kong sabi.

Alam kong naninibago sina Triangle sa inaasta ko, pero pagbigyan n'yo na lang ako. Minsan lang ako magkaganito. Minsan lang ako mawala sa sarili.

Hinubad ko na ang nakasabit sa akin na gitara at iniwan 'yon sa may lamesa.

"Puntahan mo si Blossom sa pool area, pakihatid na rin pauwi. Salamat," bilin ko kay Sleep bago ako umalis ng studio.

Kahit hindi ko binanggit ang pangalan ni Sleep, alam kong alam niya na siya ang sinabihan ko na puntahan si Blossom. Well, kung iniisip n'yo na galit ako kay Sleep, nagkakamali kayo. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ko para magalit sa isang taong wala namang ginawang masama sa akin. At mas lalong wala akong karapatang magalit dahil hindi naman sa akin si Blossom.

That's the most painful part, 'yong wala kang karapatan kaya wala kang laban.


Blossom

UUWI na sana ako pero pagkatayong-pagkatayo ko ay natigilan ako nang makita ko si Sleep na papunta rito.

Ano'ng ginagawa niya rito sa pool area? May practice sila, ah. Habang naglalakad siya papalapit sa akin, parang natatae ako na ewan. P*cha, ang weird.

"Bakit nandito ka pa? Anong oras na. Hanggang 6 p.m. lang training mo, 'di ba?" Huminto si Sleep sa harap ko. Oh? Paano niya nalaman schedule ko? Tsk.

"May kinausap lang ako kaya natagalan ako rito. Pauwi na nga ako, eh. Ikaw, bakit ka nandito? May practice kayo, ah?"

"Cancelled 'yong practice namin. Bukas na lang daw."

"Bakit?" Parang tanga lang, alam ko naman 'yong sagot sa tanong ko pero nagtanong pa rin ako. Tch.

"Wala yata kasi sa mood si Blue," sagot ni Tulog kaya mas natahimik tuloy ako. Kasalanan ko 'to, eh.

"Nag-away ba kayo?" tanong niya bigla sa 'kin. Napansin niya siguro ang biglaang pagtahimik ko.

"Pinatigil ko na siya, eh."

"Saan?"

"Sa panliligaw."

"Ah, bakit?"

"Hindi ko alam. Wala nang spark, eh. Ang sama ko. Hindi ko man lang naisip na masasaktan siya sa mga sinabi ko."

"Huwag kang tumawa kung hindi ka naman talaga masaya."

"Ha? Masaya kaya ako. Hindi marunong malungkot ang isang Blossom, 'no! Ako pa. Kaya nga ako si Blossom, eh! I'm awesome!" saka ako pilit na tumawa.

"You look stupid." Ano raw?! Putspa.

"Hoy, manahimik ka! Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon, ah!"

"See? Ikaw na mismo nagsabi, wala ka sa mood. It means hindi ka okay."

"Manahimik ka, Tulog." Naglakad na ako paalis ng pool area pero sinabayan niya naman ako sa paglalakad.

"If you're not happy, why did you let him go?" tanong niyahabang naglalakad kami palabas ng campus.

"Iyon na nga, eh. I'm no longer happy, that's why I had to let him go," pangangatuwiran ko. Nakuha niya naman ang point ko kaya hindi na siya nagsalita hanggang sa makalabas kami ng campus.

"Okay ka lang?" bigla niyang tanong. Humarap ako sa kanya at sasagot na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Akala mo ba astig ka kapag pinapakita mong masaya ka kahit hindi naman talaga?"

"A-Astig naman talaga ako."

"Hindi ka astig hangga't hindi ka nagpapakatotoo."

"Nagpapakatotoo ako. Kaya nga diniretso ko na siya kaninana tigilan na ang paghabol sa walang kuwentang tulad ko."

***

PAGMULAT ko ng mga mata ko, napatingin agad ako sa bintana at nagtaka naman ako kung bakit blurred at parang nag-moist 'yon.

Tumayo ako at binuksan ang kurtina. Kaya naman pala, eh. Umuulan pala. Panahon na ni Ulan ngayon. Lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa sala. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Tulog na nakaupo at kausap si Dade. Pareho silang napatingin sa 'kin.

"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko.

"Blossom, baby, sinusundo ka ni Sleep. Kanina pa siyanag hihintay sa labas kaso umulan bigla. Ang tagal mo naman kasi magising, baby! Alam mo bang 7:45 na? 8:00 ang pasok n'yo. Jusko. Nag-alarm ka ba?"

Nanlaki naman ang mga mata ko. 7:45 na?! Letse. Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo. Kahit sobrang bagal ko maligo at umaabot ng twenty minutes ang paliligo ko araw-araw, ginawa ko lahat ng makakaya ko para maging 5 minutes lang ang pagligo ko ngayon.

Pagkatapos komaligo, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagsuot ng uniform. As in 2 minutes ko lang ginawa lahat ng 'yon dahil sa taranta ko na baka ma-late ako. Pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina at nag-toothbrush saka ko hinila si Tulog palabas ng bahay.

Ay, p*tek. Teka, nababasa kami ng ulan! Wala nga pala akong dalang payong.

Naglabas ng payong si Sleep galing sa bag niya at binuksan'yon saka kami sumilong pareho sa payong niya.

Aba, prepared.

"Hey," pagtawag niya sa akin.

"Oh? Problema mo, Tulog?"

"Harap ka sa 'kin."

"Ha?"Ano na namang trip niya? Psh.

"Harap ka kako sa 'kin."

"At bakit naman, aber?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang pumunta sa harap ko at halos mapamura ako dahil 'yong— 'yong ano. Sh*t.

"'Yong dalawang butones ng blouse mo, bukas. Sinara kolang," bored na sabi niya at saka siya tumalikod para maunang maglakad.

Putspa! Sinara niya lang naman 'yong unang dalawang butones ng blouse ko dahil nakabukas at nakalabas ang . . . ang hindi dapat makita. 'Yong dibdib ko.

P*cha. Sa pagmamadali ko, hindi ko naisara kanina! Nakakahiya talaga.

Mabagal akong naglakad papunta ng school. Sinadya ko talagang bagalan kahit late na ako dahil ayaw kong magpakita kay Tulog kasi nahihiya ako.

Pagpasok ko ng classroom ay kulang na lang manakit ako dahil sa sobrang gigil ko. 'Yong nagmadali kang pumasok 'tapos— "Guys, suspended ang klase ngayon dahil signal number 2 na raw ang Bataan. You may now go home. And please, be safe."



Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now