40

17.6K 654 66
                                    


CHAPTER FORTY

Rade

"I SAID you're not f*ckin' allowed to hurt her! I said you're not f*ckin' allowed to lay your hands on her!" sigaw ko sa kanila habang tinitingnan ang kapatid ko na wala pa ring malay at puro sugat sa buong katawan.

Halos punit-punit ang school uniformniya at mapulang dugo ang bumabalot sa puti niyang blouse at palda.Irita kong sinipa nang malakas ang mga upuan sa paligid ko.

Wala silang karapatan para saktan ang kapatid ko! F*ck themall!

"Oh, shut up, Rade. Imbes na nagwawala ka d'yan, mas mabuting i-ready mo na lang ang sarili mo sa madugong eksena mamaya. Anyway, nasa basement sina Franzen at Kiara. Mamaya ay mapapanood nila kung paano mo papatayin ang sarili mong kapatid," Barbie said with her demon voice.

I can't do anything. Pati sina Mommy at Daddy, nakuha na rin nila. For all of my life, pinagkaitan ako ng pamilya dahil kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ni Daddy.

They kidnapped me when I was a little kid. They f*ckin' took me away from my family.

"Get ready, Rade, because tonight, makakalaya ka na. Papakawalan na kita at hindi ko na kayo guguluhin ng pamilyamo. 'Yon nga lang, buhay ni Blossom ang kabayaran sa buhay ng kapatid ko," nakangising sabi ni Barbie.Kaunting tiis na lang, matatapos na ang lahat ng 'to.


Blossom

MINULAT ko ang mga mata ko at ramdam ko ang sakit sa mukha at katawan ko.

Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin 'yong latay sa akin ng kadena. Napansin kong nakatali ang mga kamay at paa ko at nasa loob ako ng isang laboratory. What the?

Nasaan ba ako? Bakit ba nila ako kinuha? Ano'ng kailangan nila sa akin?

Walang tao sa loob ng laboratory na 'to at natatanging ako lang ang nandito sa loob. Kahit sumigaw ako nang sumigaw dito ay walang makaririnig sa akin dahil nasa loob ako ng malawak na laboratory.

Iniinda ko pa rin ang sakit ng mga latay sa katawan ko pero wala akong magawa dahil nanghihina talaga ako.

Napabalikwasako nang biglang bumukas ang malaking pinto at laking gulat ko nang makita ko si Tulog na dali-daling pumasok sa loob at tumakbo papalapit sa akin.

Hindi ko na napigilan at kusa nangnag-unahang lumabas ang mga luha mula sa mga mata ko. Niyakap niya ako at bahagya siyang humiwalay sa akin para matingnan ang kabuuan ko.

"Ano'ng ginawa nila sa 'yo? Tell me, Prim," seryosong saadniya.

"Paano ka nakapasok dito? B-Bakit ka nandito?" nahihiyang tanong ko.Hindi ko kasi ine-expect na darating siya sa oras na ganito, lalo na't ilang araw na kaming hindi nag-uusap.

"I guess malaking tulong 'to sa 'kin," sabi niya at ipinakita niya sa akin ang hawak niyang ballpen.

"Eh?!" hindi makapaniwalang saad ko.

"Mahirap i-explain. Basta importante, matakas kita ngayon dito."

"Pero paano mo nalamang nandito ako?"

"Tracker, babe. May tracker na nakakabit kay Rade lagi, so na-track ko kung nasaan siya. I know that this will happen kaya planado na lahat."

"Naguguluhan ako. Ano'ng kinalaman ni Rade dito? Bakit si Rade? Ano ba talaga? Anong tracker? Bakit may tracker? Ah, sh*t. Nahihilo na ako."

"We should get out of here first before telling you the wholestory."

"No. Sabihin mo na ngayon sa akin, Tulog! Bakit?! Ano'ng alam mo na hindi ko alam? Ha? Sabihin mo sa akin! Ano'ng alam mo na hindi ko alam?"

Napahawak siya sa sentido niya at napabuntonghininga siya. "Rade is your missing brother, Prim. He's Kian."

Natigilan ako sa narinig ko. Magre-react pa sana ako peronakita ko si Ziehl na pumasok din dito sa loob ng lab.

"Magkukuwentuhan pa ba kayo rito? Nauubos na ang oras. Baka gusto n'yo na munang lumabas?" masungit na sabi ni Ziehl.Agad na kinalas sa 'kin ni Tulog ang lahat ng nakatali sa mga paa at kamay ko.

Inalalayan niya akong maglakad palabas dahil sobrang sakit ng buong katawan ko.

Nang makalabas kami sa laboratory ay napasinghap ako dahil sa pagkamangha sa nakikita ko. Isang malawak na lugar ang natatanaw ko ngayon dito.

Kakaibang lugar 'to. Nasaan ako?

"You're in the mafia's territory," sabi ni Tulog na parang nabasa niya ang tanong sa isip ko.

Ang daming tanong sa isip ko. Sobrang daming tanong. Anong klaseng mafia ang kumuha sa akin? At bakit nila ako kinuha? Anoang kinalaman ko sa kanila?

"Blossom, medyo naiinis na ako. Baka puwedeng mamayaka na magpakuwento kapag nakatakas na tayo? Pare-pareho tayong mapapahamak kung mag-i-story telling tayo rito," walang ganang sabi ni Ziehl kaya hindi na lang ako nagsalita at hinayaan sila sa kung saan kami dumadaan para makalabas.

Ang lawak ng tinahak namin para makababa sa ground floor. At nang makarating kami sa basement ay pare-pareho kaming natigilan nang makita ko sina Momsie at Dade na hawak-hawak ng mga lalaking may malalaking baril at armas.

Hindi lang 'yon ang nakita ko. Mas lalo akong nakaramdamng takot nang mapagtanto kong mahigit 60 na tao ang lalaking nandito sa basement at pare-parehong armado.

Sabi ni Sleep, teritoryo ito ng mafia. Hindi ko maiwasang mabilib dahil kakaiba ang mafia.

Napahinto ako lalo nang makita ko si Rade na biglang tinutukanng baril ng isang magandang babae na parang kasing-edad lang ng magulang ko.

"You'll stick with the plan or I'll kill you?" anas ng babae habang nakatutok ang baril niya kay Rade.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now