19

22.2K 852 131
                                    


CHAPTER NINETEEN

"'OY, Asul." Humarap naman agad si Blue sa akin.

"Oh, bakit? Naguwapuhan ka na naman sa akin," natatawang sabi niya.

"Iyon lang. Mahangin. Char! Salamat kanina, ah? Anyway, libre kitang lunch ngayon tutal naman pinakopya mo ako kanina."

Nag-isip naman siya saglit at saka siya natawa.

"Na-miss mo lang ako, eh."

Oo nga. May parte sa akin na na-miss ko siya kasi siyempre, malalim pinagsamahan namin niyan, 'no. Partners in crime kami 'tapos parang mag-best friend na rin. Kung hindi niya lang sana ako niligawan, baka best friends pa rin kami.

Since elementarykasi ako, kaklase ko na si Asul. Buti na lang maganda na ang panahon, maaraw na at hindin a umuulan.

Nakarating din agad kami ni Asul sa cafeteria at siya na'yong um-order para sa aming dalawa. Pero siyempre, pera ko'yong ginamit kasi libre ko nga, 'di ba? Ayaw nga sana ni Asul magpalibre pero makulit ako kaya ako ang nanalo.

Napalingon naman ako sa paligid ko at nakita ko ang The Pastel na nakaupo sa 'di kalayuan kasama si Tulog. Si Tulog, kinukulit ni Pula. Sina Itim at Tatsulok naman, hinihigop 'yong carbonara. Dumating na agad si Asul kaya naman inalis ko ang tingin ko sa kanila.

Nagkuwentuhan lang kami ni Asul hanggang sa matapos kaming kumain at naghiwalay na kami pagkatapos. Nag-CR ako para dumumi at pagkalabas ko ng CR ay halos mapatalon ako sa gulat.

Si Tulog kasi, nakasandal na naman sapader! Jusko naman, bisyo niya ba'ng sumandal?

"Ano na naman?" inis na tanong ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sa akin at—at . . . p*cha! Sobrang lapit!

"Bakit iniiwasan mo ako?" tanong niya sa akin nang mata sa mata kaya napalunok ako nang sunod-sunod.

"Magtigil ka, ah. Feeling mo lang 'yon, Tulog. Tabi nga, babalik na ako sa classroom."

Nilagpasan ko siya at maglalakad na sana ako paalis kaso bigla niyang hinila ang kamay ko kaya napaharap ako ulit sa kanya.

"Do you still like him?"

"Ha?" Nagtaka ako sa tanong niya. Napakagat naman siya bigla sa labi niya at napakamot sa ulo.

"Wala. 'Ge, una na ako," wala sa mood na sabi niya at saka niya ako binitiwan. Naglakad siya paalis habang ako, nakatayo rito at hindi ma-gets kung ano 'yong tinanong niya.

P*cha, magtatanong-tanong siya 'tapos iiwan niya ako rito? Hanep talaga!

***

"STEP forward, Aljane, Shaira, Blossom, Patricia, Jielord, Raffie and Alexandra. Oorasan ko ang langoy n'yo. Kung sino ang pinakamabagal lumangoy, may parusa pagkatapos ngtraining," cool na sabi ni Rade.

Ang guwapo ng trainor namin,eh. Nai-inspire lumangoy mga teammate ko! Nagpapasikat sila masyado kay Rade. Akala mo naman talaga.

"Fly, free, back, breast," simpleng instruction ni Rade.

Prrrtttt!

Agad akong nag-dive pagkarinig ko ng pito ni Rade. Anim kaming nag-dive dahil kami ang first batch ng magda-dive.

Paunahan 'to kahit training lang. At ayoko maparusahan mamaya kaya binilisan ko ang langoy ko. Hukay sa tubig, dolphin kick, balik sa harap ng kamay. Butterfly ang tawag sa langoy na 'to o mas kilala ng mga swimmer bilang fly.

Favorite na langoy ko 'to. Fly ang pinakamahirap na langoy dahil ito ang pinakanakakapagod na langoy. Dolphin kick kasi ang gamit dito, hindi tulad ng back stroke at freestyle na flatter kick ang ginagamit sa paa.

Wake Up Or SleepOù les histoires vivent. Découvrez maintenant