25

20.4K 885 163
                                    


CHAPTER TWENTY-FIVE

Sleep

PAGPASOK na pagpasok ko sa bahay, nakaabang na pala si Ziehl sa 'kin habang nanonood ng TV.

Pinatay niya 'yong TV at tumingin siya sa akin.

"Seryoso ka kay Blossom?" kunot-noong tanong niya kaya kumunot din ang noo ko.

"Mukha ba akong hindi seryoso?" pabalang kong sagot sa kanya at umakyat na ako sa kwarto ko.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame.

Naalala ko 'yong unang pagkikita namin ni Prim sa bus terminal. That was the very first time that I met her personally. Dati kasi, nakikita ko lang siya sa picture.

Yes, I have pictures of her, even before meeting her at the bus terminal.


Two years ago . . .

"I REALLY miss her," malungkot na sabi ni Rade habang hawak hawak ang picture ng kapatid niya.

"Go back to the Philippines, mate. Bakit ba kasi nandito ka sa London kasama ko?" tanong ko sa kanya.

"Uuwi rin naman akong Pilipinas, nagpapahinga lang ako rito saglit dahil paniguradong ipapabugbog na naman ako ni Boss sa mga tauhan niya."

"Umuwi ka na lang."

"Saka na lang. And besides, binabantayan naman siya ni Ziehl doon kaya hindi na dapat ako mag-alala," nakangiting sabi ni Rade.Umupo na lang ako sa tabi ni Rade at naglaro na lang ako ngPSP pero napatingin ako sa litratong hawak niya at namangha ako sa nakita ko.

Isang picture ng babaeng napakaganda ng ngiti. "Kapatid mo?"

"Oo, pero bata pa siya d'yan sa picture na 'yan. Dalaga na 'yon ngayon."

"Ano ba'ng pangalan?"

"Blossom Prim Sasaki."

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Binuksan ko 'yong laptop ko at nag-online sa Facebook. I searched her name and nakita ko ang itsura niya.

She's pretty and cute.

I was about to send her a friend request pero hindi ko ginawa. Baka hindi niya i-accept ang friend request ko, huwag na lang.

Nag-scroll na lang ako at tiningnan ang mga post niya. Natawa na lang ako dahil ang corny pala niya. Puro jokes ang karamihan sa mga post niya at kadalasang wacky ang picture niya.


DATI, gabi-gabi kong tinitingnan ang Facebook niya.

I'm stalking her account secretly. Sinave ko nga sa gallery ko lahat ng pictures niya, eh. Ilang beses akong nagtangkang mag-send sa kanya ng friend request pero naduduwag ako.

No'ng nakita ko siya sa bus terminal, para akong tanga na nagpapanggap na kunwari hindi ko siya kilala. Pero ang totoo, stalker niya ako sa FB. Baduy ko.

God knows how happy I was when I got to finally see her. At mas nakatutuwa pa, siya ang unang kumausap sa akin. At talagang binanatan pa niya ako ng joke no'ng unang beses niya akong kausapin.

Gustuhin ko mang tawanan lahat ng jokes niya, hindi ko magawa kasi natotorpe ako. Gusto ko siyang sungitan dahil masungit naman talaga ako. Pero deep inside, I want to tell her that I like her the first time I saw her picture.

At hindi ako nagsisisi na pumayag ako sa request sa akin ni Rade na umuwi rito para bantayan ang kapatid niya. Kasi mas nakilala ko si Prim and I liked her even more.

Ang torpe ko, 'no? I always make an excuse para mapalapit sa kanya.

Napangiti na lang ako bigla.

Dati, picture mo lang, sapat na. Pero ngayon, gusto ko lagi kitang kasama.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now