10

26.7K 1K 200
                                    



CHAPTER TEN

Blossom

MABUTI na lang at mabagal maglakad si Tulog. Nasabayan ko siya sa paglalakad sa hallway.

Wala nang gaanong taosa mga classroom dahil kanina pa nag-uwian, 6 p.m. na rin kasi.

"Hoy, Tulog, ang galing mo kanina, ah. Congrats."

"Salamat."

"Libre ka naman. Nagugutom ako, eh."

"Katamad. Doon ka na lang sa bahay n'yo kumain."

"Grabe ka talaga kahit kailan," reklamo ko. Pagkalabas namin ng campus, bumungad sa amin si Mang August.

"Gabi na, Blossom, ah. Ginabi ka yata?"

"Mang August, atupagin mo 'yong pangalan mo kung paano magiging June, huwag mong atupagin ang oras ng pag-uwi ko," tatawa-tawang sabi ko.

"Hay nako kang bata ka."

Nakalabas na kami ng gate ng campus ni Tulog at hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin, pero kating-kati talaga ako purihin siya sa performance niya kanina.

"Pero Tulog, 'di talaga ako maka-move on sa ginawa mo kanina. Ikaw na yata ang pinakamagaling na gitaristang nakilalako."

"Huwag kang masyadong mabilib sa 'kin."

"Humble! 'Di ba 'yon 'yong pinupukpok? Tambol!"

"Tss. Araw-araw yata, 'di ka nauubusan ng joke."

Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Pero sana hindi na lang agad kami dumating dahil . . . Sh*t. Lagot.

"Blossom? Boyfriend mo ba 'yan at lagi mong kasama?" tanong sa akin ni Dade. Nakataas ang kilay niya habang nakatayo sa harapan ng gate ng bahay namin.

"H-Ha? Hindi, ah! Dade naman! Kaklase ko lang 'yan."

"Bakit ginabi kayo ng uwi? Ano ang ginawa n'yo?" kunotnoong tanong sa 'kin ni Dade. Umiiral na naman ang pagkaoverprotective niya.

Nagulat ako nang biglang magsalita si Tulog. Hindi ko inaasahan 'yon dahil akala ko tulog siya! Joke. Waley!

"Ginabi ho kami ng uwi kasi pinanood ako ni Prim kanina sa audition ko. Supportive classmate," nakangising nilingon ako ni Tulog kaya lalo akong napasimangot. Letse, supportive classmate niya mukha niya. Feeling niya talaga kahit kailan!

"Prim? Sino si Pr—ay, oo nga pala, Blossom Prim 'yon. Tsk. Pero talaga? Pinanood ka niya kanina? Saan ka ba nag audition?" tanong ni Dade pero mukhang alam niya na dahil napatingin siya sa gitara na nakasukbit sa likod ni Tulog.

"Ah, gitarista ka pala? Ano nga pala'ng pangalan mo?"

"Sleep po." Aba, kahit lumaki siya sa London, he still have this Filipino values tulad ng pagsasabi ng 'po'.

"Sleep? As in Tulog?" nanlalaking matang tanong ni Dade. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang humagalpak ng tawa si Dade. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kapag may kasama akong lalaki. What the?

"Naghapunan ka na ba, Sleep?"

"Hindi pa po, eh."

"Sakto. Pumasok kayong dalawa sa loob, nagluto ang mommy ni Blossom ng hapunan. Sa amin ka na lang muna kumain dahil nagustuhan ko ang pangalan mo," tatawa-tawang sabi ni Dade sabay pasok sa gate namin. What the hell was that?

"Hoy, Tulog, doon ka na lang sa bahay n'yo kumain. Sige na, bye na."

"Nah, gutom na ako. Paniguradong mamaya pang 8 p.m. magluluto si Mama." Napanganga ako dahil cool siyang naglakad papasok ng bahay namin. Wala akong choice kung hindi ang sumunod.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now