07

28.7K 1K 147
                                    


CHAPTER SEVEN


"HI, Mang August!" bati ko sa guard namin.

"Oh, Blossom! Naks, laki mo na, ah."

"Ang OA mo po, two months lang tayo 'di nagkita, lumaki na agad ako? Pero Mang August, June na ngayon, ah? Bakit August ka pa rin? Dapat every month, magpalit ka ng pangalan para astig!"

"Jusko kang bata ka, 'di ka pa rin nagbabago. Inaalaska mo pa rin ang pangalan ko."

"Labyu too, Mang August! Sige po, pasok na po ako." Ito ang pinakaayaw kong parte ng buhay ko tuwing pumapasok ako ng school. Napakataas at napakaraming hagdan ng BMPS kaya araw-araw ay may exercise na ang mga estudyante pagpasok at pauwi. Pagdating ko sa may lobby ay nakita kong nakaupo doon ang mga kaibigan ko.

"Hello, mga brad!" bati ko sa kanila.

"Hindi mo kasabay si Ziehl? Ang tagal naman yata niya? Baka late na naman 'yon, ah," sambit ni Jessan.

"Hindi pa kayo nasanay, lagi naman siyang late," tumatawang sabi ni Sofia. Sige na, Sofia. Pati pagtawa mo, may mahinhin effect.

"Ano'ng tawag sa magandang umaga?" banat ko.

"What?" maarteng sabi ni Ulan.

"Eh 'di good morning! Bopols ka talaga, Ulan."

"Ugh. Shut up, Bloss!"Pinakamasarap awayin 'yang si Ulan dahil nga siya ang pinakamaarteng nilalang na kilala ko.

Naglakad kami papunta sa classroom. At siyempre, dahil sikat kami dito sa BMPS, tinitingnan kami ng bawat student na madadaanan namin. Jusko. Kami na pala ang pinakamatandang batch dito. Grade 10 na kami.

Pumasok na kami sa classroom namin at—"'Andiyan na si Blossom!" sigaw n'ong nerd kong kaklase.

"OMG! Nandiyan na si banat queen!"

"Ang ganda niya lalo!" Nginitian ko lang sila at tumayo ako sa harapan.

"Ano'ng ibon ang matamis?"

"Ano?" excited na tanong nila.

"Eh 'di tobheron," sabi ko at hagalpak sila sa tawa. Toblerone at heron 'yon, gets?

"Walang kupas si Blossom!"

"Mga brad, alam n'yo na, ah! Boto n'yo akong class president,ah!" pangongontrata ko sa kanila kaya nagtawanan ang mgakaibigan ko.

"Oo naman, Blossom! Ikaw pa! Malakas ka sa amin, eh!" sabi ni Triangle. Tsk, tsk. Babaero talaga 'yan kahit kailan.

Cool akong umupo sa bakanteng puwesto sa harapan. Oo, gusto ko rito sa harapan. Ayaw kong katabi sina Jessan pagdating sa klase. Walang kaibi-kaibigan 'pag ganoon. Nabanggit ko na basa inyong top 1 ako since birth? Kahit 'di ako mag-review, panis, ako pa rin ang highest. Sige na, hambog na ako kung hambog, totoo naman kasi. Kaso may isang subject na nakabubuwisit dahil kahit ano'ng talino ko, 'di ko pa rin talaga kaya. At 'yon ay ang Math. Letse.

Bigla namang may kumuha ng upuan sa tabi ko at inilipat 'yon sa harapan ko saka siya doon umupo. Psh. Si Blue na naman.

"Hi, Blossom," nakangiting bati niya sa 'kin. Tae. Guwapo niya talaga. Pero nakakainis dahil ilang beses ko na siyang binasted, ayaw pa rin niya akong tigilan. Ganda ko talaga, eh.

"'Oy, Asul, popormahan mo na naman ako?"

"Grabe, first day na first day, sinasaktan mo ang feelings ko," sambit niya at saka siya tumawa.

Bigla namang dumating ang mga alagad niyang papansin din. "Naks, first day na first day, dumada-moves si Blue kayBlossom," sabi ni Black. Tch. See?

"Four years mo na yatang nililigawan si Blossom, ah. 'Di kapa rin sinasagot?" pang-aasar sa kanya ni Red. Letse 'tong mga 'to. First day na first day! Talaga nga naman.

Anyway, sila ang grupong tinatawag dito sa campus na The Pastel. Oo, The Pastel ang tawag sa grupo nila. Sikat sila dito sa BMPS at lalo na sa iba pang lugar dahil magaling silang banda. Vocalist nila si Triangle, bass guitarist/bassist si Blue, pianist/organist si Black at drummer naman si Red. 'Yong lead guitarist nila ay nag-quit na last year kaya siguro maghahanap sila ngayon ng bago nilang lead guitarist. Nag-transfer na kasi ng school si Yellow, 'yong lead guitarist nila.

Kaya tinawag na The Pastel ang boy band nila dahil ang mga pangalan nila ay puro kulay. Si Triangle lang ang naibang pangalan dahil shape 'yong kanya. Weird. Maliban sa kanilang pagiging sikat sa larangan ng banda, sikat rin sila bilang pinakaguwapo sa campus namin.

Nabanggit ko na ba sa inyong marami akong haters at bashers dito sa campus namin dahil ako ang nililigawan ni Asul? Jusko. Naiinggit ang mga palaka dahil ako ang nililigawan ni Asul. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ayaw kong nai-stress sa mga wala namang ganap sa buhay ko.

"Rice ka ba?" tanong ni Asul.

"Bakit?" pagsakay ko sa banat niya.

"Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka," banat niyahabang tumatawa.

Natawa rin ako sa banat niya kaya napangisi ako.Alam n'yo bang si Asul ang boy version ko? Parehong-pareho kami ng ugali ni Asul. Kung gaano ako ka-corny ay ganoon din siya. Mahilig siyang magpatawa. Mas lalo siyang gumaguwapo 'pag nagpapatawa siya. 'Di ko nga alam kung bakit paulit-ulit ko siyang binabasted. Siguro dahil wala talaga akong balak mag-boyfriend. Pero kung magkakaroon man ako ng boyfriend, sa tingin ko ay si Asul 'yon.

Sa totoo lang, gusto ko si Asul. Mutual ang feelings naming dalawa pero tulad nga ng sinabi ko sa inyo, wala pa sa plano ko ang magkaroon ng boyfriend dahil mas gusto ko ang single life.

"OMG, Sino siya?!"

"OMG! May transferee tayong kaklase!"

"ANG GUWAPO NIYA!"

"Mukhang may mas guwapo na kay Blue!"

"Mas guwapo siya sa The Pastel!" Nagtaka naman ako sa mga usapan ng mga kaklase kong babae kaya sabay-sabay kaming napatingin nina Asul doon sa pinagkakaguluhan nila. Ay putspa, si Tulog lang pala. Oo, si Tulog pala ang pinagkakaguluhan nila doon. Kapapasok niya lang ng classroom kasabay si Ziehl.

Poker face lang si Tulog habang nakaupo doon sa likod. Katabi niya si Jessan at ito namang si Jessan, kilig na kilig, pati na si Ulan. Sabi na, eh. Kikiligin ang mga 'yan kapag nakakita ng guwapo.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now