12

26.2K 895 122
                                    


CHAPTER TWELVE


TULALA pa rin ako sa sinabi kanina ni Tulog sa akin kaya ito ako, hindi gaanong active sa pagpa-practice ng campaign.

Nawala ako sa katinuan, eh. Tsk.

"Hoy, Bloss! Ayusin mo naman, aba! Lambutan mo 'yong katawan mo! Rumarampa ka! Hindi ka tinanim na puno d'yan," sermon sa akin ni Ulan.

"Sorry, may iniisip lang. Game na."

Pinakita na naman ni Ulan ang pagrampa na gagawin ko sa campaign at tinuruan niya rin si Tulog. Kaming dalawa kasi ni Tulog ang muse and escort ng partido namin.

"Wait, break muna tayo ng 5 minutes. Mukhang wala sa sarili si Blossom," awat sa amin ni Asul. OMG! Buti na lang!

Nilapitan ako ni Asul at kinapa niya bigla ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat. Ano nangyayari sa 'yo?" nagaalalang tanong niya.

"Okay lang ako, baliw! Tinatamad lang talaga ko kanina," pagsisinungaling ko. Hays. Kailan ka pa natutong magsinungaling, Blossom?

Umupo ako sa upuan ko at tumabi naman sa akin si Asul. "Sigurado kang okay ka lang?"

"Oo nga, Asul, promise."

"Sige. Teka, punta ako sa cafeteria, bilhan kitang drinks at pagkain." Kinindatan niya ako bago siya lumabas ng classroom. Hanep, nababaliw na naman si Asul.

Nakita ko namang nilapitan nina Red, Black at Triangle si Tulog saka siya inakbayan ni Black. May kung ano silang pinag-usapan na dahilan ng pagtawa ko nang mahina. Naks, may mga kaibigan na pala si Tulog. Good for him.

"Hoy, bakit ka nakatingin kay Sleep? Nako, lagot ka kay Blue," pang-aasar sa akin ni Jessan.

"Alam n'yo, malisyosa kayo! Kainis!" reklamo ko.

"Huwag n'yong bigyan ng meaning, guys. Loyal si Blossom kay Blue," pagtatanggol sa akin ni Sofia.

"Weh? Loyal daw. Eh, ang dami-daming crush ni Blossom basta makakita ng guwapo," pagkontra ni Jessan.

"Puwede ba? Huwag n'yong i-link si Blossom at ang kapatid ko sa isa't isa. Wala kayong alam," singit ni Ziehl kaya natahimik kami. Wala na naman siya sa mood. Pero ano raw? Wala kaming alam? Ano'ng ibig niyang sabihin doon? Hay, bahala siya.

Masyadong misteryoso silang magkapatid. Kahit 4 years ko nang kaibigan si Ziehl, wala kaming alam masyado tungkol sa kanya. Para bang limitado lang ang pagkukuwento niya tungkol sa kanya at sa pamilya niya.

Oo, nagkukuwento siya, pero kulang palagi at hindi kumpleto.

"Hoy, Blossom. Tinitingnan ka yata ni Sleep," sabi ni Sofia kaya agad akong napalingon kay Sleep. Nagtama ang paningin namin at parang may gusto siyang sabihin pero parang wala. Ewan ko, baka paranoid lang ako. Umiwas na lang tuloy ako ng tingin.

Pagkabalik ni Asul ay kinain ko naman agad 'yong binili niya. "Ano'ng tawag 'pag tinagusan ng regla ang multo?" tanong ko kaya natawa agad si Asul.

"Ano?"

"Eh 'di ta-ghost!" Humagalpak siya sa tawa at talagang naningkit ang mga mata niya. Ang guwapo niya tumawa, my God.

"Sana naging test paper na lang ako," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Para kahit gaano ako kahirap intindihin, sa huli ay sasagutin mo pa rin," nakangiting sabi niya. Natigilan ako at hindi makaimik.

Nginitian ko na lang siya, pero sa loob-loob ko, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya sinasagot, eh. Parang may kulang. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.


Blue

TAPOS ko na gawin ang kanta at pati na rin ang tono at mga nota kaya pagpunta namin sa studio ay ipinaliwanag ko agad kay Black'yong notes na gagawin niya sa piano.

Pinaliwanag ko rin kay Redang beat na gagawin niya sa drums. Pinaliwanag ko rin kay Sleep ang chords na gagawin niya as a lead guitarist, mangingibabaw ang gitara ni Sleep dahil siya ang lead guitarist.

Pinaliwanag ko rin kay Triangle ang kakantahin niya. Mga isang oras siguro akong nagpaliwanag sa kanila kaya inabot na kami ng alas-sais.

"Bukas tayo magsisimulang mag-practice. Kaya ngayon, pagaralan muna natin ang mga nota," sabi ko at ibinigay ko sa kanila ang kanya-kanya naming kopya ng chords at notes.

Seryoso ang bawat isa at nagpo-focus talagang pag-aralan ang mga nota. Napatingin ako kay Sleep, walang pinagbago ang mukha niya. Mukha pa rin siyang seryoso at bored. Inaral ko na lang rin ang chords na ginawa ko.

Kinuha ko angelectric guitar ko at nagsimulang pag-aralan ang chords na naka-assign sa akin. Bass guitar kasi ako. Pare-pareho kaming nakaramdam ng pagod kaaaral ng bagong kanta.

8 p.m. na pala, ni hindi namin namalayan agad ang oras.

Nang makalabas na kami ng studio ay napatingin kaming lahat kay Sleep dahil humiwalay siya bigla sa direksyon napupuntahan namin.

"Saan kaya pupunta 'yon?" tanong ni Black.

"Baka may dadaanan lang siya saglit? Una na tayo. Gutom na 'ko, eh," pag-aaya ni Triangle.

Saan nga ba pupunta si Sleep?

Umakyat kasi siya sa hagdan, 'yong way na 'yon ay papunta sa pool area.

Sino naman kayang pupuntahan niya doon, eh kanina pa nakauwi si Blossom no'ng 6 p.m. pa?


Sleep

NAGLAKAD ako papunta sa kanya at agad siyang napatingin sa akin.

"Why are you here, mate? You asked me to take care of the things you can't do for your little sister, don't you? Can you enlighten me why are you here?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I'm here to protect my little sister," simpleng sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

"Mas lalo mo lang siyang ipapahamak kung nandito ka at malapit ka sa kanya. Kaya nga ako ang nagbabantay sa kanya, 'diba? Para hindi kailanganing pumunta pa rito."

Napahawak na lang siya sa sentido niya at saka huminga nang malalim. "Gusto ko na kasing mapalapit sa kanya. I really miss her."

Lalong kumunot ang noo ko. "Alam mong hindi puwede 'yan, Rade. Kapag napalapit ka sa kanya at kapag nakuha mo na ang loob niya, hindi mo ba naisip na masasaktan mo lang siya sa huli kapag dumating na 'yong araw na ikaw mismo ang tatapos sa kanya?"

"Don't worry, Sleep. Wala akong balak sabihin sa kanya na ako si Kian. Wala akong balak sabihin sa kanya na ako ang kapatid niyang matagal niya nang hinahanap. Kahit na gustong-gusto ko na talagang magpakilala sa kanya," malungkot na tonong sabi niya.

Tinapik ko na lang ang balikat niya. "Pero maraming nanonood sa bawat kilos mo, Rade. Baka hindi nila magustuhan ang ginagawa mong paglapit kay Prim."

"This is the only way I know para makasama kahit papaano ang kapatid ko."

"Siguro nga, makakabuti kay Prim na huwag malaman ang tunay mong pagkatao, pero kung ako sa 'yo, mas mabuting huwag mo siyang itrato nang mabuti, para sa huli hindi kayo mahirapan pareho," seryosong payo ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya nagsalita ako ulit.

"Kumilos ka nang naaayon sa plano. Huwag mong pairalin ang puso mo. Utak ang gamitin mo para mailigtas mo ang kapatid mo." 

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now