39

15K 599 80
                                    


CHAPTER THIRTY-NINE


UMALIS ako ng gymnasium kung saan nagpa-practice ng cheerdance at pumunta ako sa 4th floor sa pool area.

Bakit ba pinagseselosan ko si Sofia? Eh, kaibigan ko 'yon! Aish!

Eh, kasi naman kanina, 'yong ngiti niya kay Tulog, kakaiba. 'Tapos 'yong way ng pagtawa ni Sleep kanina, nakaseselos talaga kasi dapat sa akin lang siya tumatawa nang gano'n, eh.

Natigilan ako nang makita ko si Tulog na umakyat din dito sa pool area.

"Bakit ka nag-quit?"

"Ayoko na, eh. Boring saka nakakatakot mahulog, baka walang sumalo ulit sa akin."

"Eh 'di sasaluhin kita."

Napangiti na lang ako nang pilit. "Iyon na nga, eh. Iba na 'yong sinasalo mo ngayon," mapakla na sabi ko kaya natigilan naman siya.

"What?" naguguluhang tanong niya.

"Wala. Sige na, balik ka na doon. Nagpa-practice pa kayo."

"No. Hindi ako babalik hangga't hindi ka kasama."

"Huwag ka makulit, Sleep."

"Balik na kasi tayo, babe."

"Ayaw ko nga sabi! Bakit ba ang kulit mo?! Nakakairita kana!"

Nagulat siya nang sigawan ko siya. "Fine. Sige, mag-quit ka na. Wala akong pakialam," walang gana niyang sabi at saka siya umalis sa pool area. Ginulo ko ang buhok ko at saka ako nagdabog.

"P*cha naman," reklamo ko.

***

HINDI kami nagsabay sa pag-uwi ni Sleep. Ni hindi nga kami nag-uusap o nagpapansinan.

Parehong mainit ang ulo namin sa isa'tisa.

Ang manhid niya, ah. Hindi ba niya ramdam na nagseselos ako? P*cha.

Irita akong umuwi sa bahay. Desidido na 'ko, ayoko na sa cheerdance na 'yan. Ayokong makita araw-araw 'yong ginagawang pagsalo ni Sleep kay Sofia. Mas lalong ayokong mapanood 'yong pagtatawanan nila at pagngingitian. Nakakairita talaga.

Lumipas ang ilang araw at wala na akong balita kay Sleep. Busy ako sa klase at hindi ko na rin gaanong nakakasama angmga kaibigan ko dahil kasali sila sa cheerdance at busy sila sa practice.

Ako, busy ako sa academics. Nakakainis lang kasi ang boring-boring.

Lumabas na ako ng classroom dahil class dismissal na. Nakasalubong ko si Sleep kasama sina Asul. Inaasahan kong papansinin na ako ni Sleep pero hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong lagpasan at hindi pansinin.

Wow.Sakit. P*cha.

'Yong gusto ko na lang maiyak dahil hindi ko matanggap na hindi niya talaga ako pinapansin.

Paano niya akonagagawang tiisin?

Matamlay akong naglakad mag-isa pauwi. Ilang araw na akong naglalakad mag-isa palagi. Nami-miss ko na si Tulog pero hindi niya talaga ako kinakausap.

Hindi man lang ba niya ako kukulitin kung bakit ako nagquit sa cheerdance? Ine-expect kong kukulitin niya ako perono'ng nagalit ako sa kanya, nagalit na rin siya.

'Yan ang problema sa mga lalaki, eh. 'Pag nagalit ka, magagalit na rin sila. Ni hindi man lang nila tayo susuyuin. 'Tapos sa huli,tayo pa ang may kasalanan. Nakakainis.

Habang naglalakad ako pauwi, inis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko.

Mali naman yata kasi ako. Nagseselos ako nang walang dahilan at nagseselos ako sa maling tao. Nagseselos ako sa kaibigan ko. Maling-mali.

Natigilan ako sa paglalakad nang may humintong fortuner na sasakyan sa harapan ko. Pakulo na naman ba 'to ni Tulog?

May lumabas na walong lalaki mula sa van. Pero this time, hindi sila nakasuot ng bonnet. Nakikita kong mabuti ang mgamukha nila at nasisigurado kong hindi ko sila kilala. Napaatras ako nang mapansin ko ang mga tattoo nila sakatawan.

Sh*t.Hindi lang sila walo, mahigit pa.

Tatakbo sana ako palayo pero may dalawang lamborghini na humarang sa likuran ko.May lumabas na tig-limang lalaki mula sa dalawang lamborghini at naramdaman ko ang takot at kaba.

"S-Sino kayo?" takot na tanong ko at ngumisi sila sa akin.

"Oras na para makita mo ang kapatid mo," nakangising sabi no'ng isang lalaki na may malaking katawan.

Hinawakan ako ng lima sa likuran ko at naiyak na lang ako sa sobrang takot.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may hawak nakadena ang dalawang lalaki.

Lumapit sila sa akin at napapikit na lang ako nang paulit-ulit nilang ipalo sa akin ang kadena. Hinahampas nila ako sa bawat parte ng katawan ko at napapahiyaw na lang ako sa sakit.

"B-Bitiwan n'yo ako," nanghihinang sabi ko.


Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now