13

33K 885 190
                                    


CHAPTER THIRTEEN

Blossom

PAGSAPIT ng Biyernes, ramdam na ramdam ko na ang kaba dahil mamaya na ang botohan. Lumabas na ako ng bahay at nagulat ako nang makita ko si Asul sa tapat ng bahay namin dala ang motor niya.

"Sinusundo ko lang po ang nililigawan ko," nakangiting sabi niya kaya natawa ako. Sumakay naman na ako sa motor niya at kumapit nang mabuti sa kanya.

"Sino'ng superhero ang naka-motor lagi?" banat ko.

"Sino?"

"Eh 'di si Thor. Mo-Thor."

Humalakhak siya. "Kahit kailan ka talaga, Blossom."

Pinaandar niya na ang motor niya at nag-drive siya hanggang sa makarating kami sa campus namin. Naghanda na kami para sa campaign na gagawin namin.

Nakita namin ang Black Heads Partylist na pursigidong-pursigido manalo tuwing nadadaanan namin ang mga classroom kung saan sila nangangampanya.Pero kinabahan agad ako nang makita kong rumampa ang muse nila. Ang ganda niya.

"Guys, sa tingin n'yo ba, mananalo tayo? Mukhang mahihirapan tayong talunin ang Black Heads," nag-aalalang sabi ni Sofia.

"'Ay nako, Sofia! Huwag ka kasing nega, okay?" singit ni Jessan.

"Kaya nga. Ang nega-nega ni Sofia. Hoy, Sofia, don't you trust us? Or don't you trust yourself? Huwag tayong mag-isip na matatalo nila tayo. Ang isipin natin, kailangan nating manalo," nakangiting sabi ni Ulan.

"Aba, humuhugot si Ulan," pang-aasar ko.

"Shut up, Bloss." Napahinto kami sa pagtatawanan dahil biglang dumating si Black sa mesa namin. Agad na kumunot ang noo ni Ziehl.

"Ziehl, may gagawin ka ba bukas ng gabi? Baka puwede kang manood bukas sa night club, may gig kasi ang banda naming bukas," pursigidong sabi ni Black. Hindi nagsalita si Ziehl at matalim niyang tiningnan nang masama si Black.

"Ano'ng mapapala ko kung panonoorin ko ang banda n'yo?"

"Mai-inspire ako at lalo akong gagaling sa pagpi-piano!"tumatawang sabi ni Black.

"Wala akong pakialam sa 'yo."

"Hoy, Black, won't you invite me?" nakasimangot na singit ni Ulan. Nako po, nagseselos na naman 'yan! Tiningnan nang masama ni Black si Ulan.

"Bakit kita iimbitahin? Kilala ba kita?" Ex feels. Napasimangot tuloy si Ulan.

"Ziehl, basta manood ka bukas, ah! Aasahan ko ang presensya mo bukas! Salamat in advance kung darating ka!" sabi ni Black noong makalayo na siya sa mesa namin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa classroom namin.

"Kapagod," reklamo ni Triangle.Inayos na namin ang mga tarpaulin at banner namin saka pumunta sa iba't ibang classroom para mag-campaign.

Paulit-ulitlang ang ginagawa namin. Ipakikilala ang partido mula president hanggang muse at escort. 'Tapos may mga short commercials kami para malibang sila. Nasanay na kami ni Tulog sa ginagawa naming rampa as muse and escort. Si Asul naman, todo-bigay sa pagiging campaign manager.

"Hoy, Bloss, ngayon ka bumanat. Banatan mo para manaloka," bulong sa akin ni Ulan. Oo nga, 'no? Kanina pa kami nagka-campaign pero hindi sila nakatitikim ng banat ko! Okay sige, simulan natin ngayon.

"Hi! I'm Blossom Prim Sasaki, running as muse under the banner of White Heads! Ang platform ko ay mamaya ko na i-e-explain dahil may kasama ako sa platform ko," energetic kong sabi sa kanila.

Wake Up Or SleepOù les histoires vivent. Découvrez maintenant