18

21.2K 743 97
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

Sleep

SHE'S really acting weird.

Bakit biglang naging ganoon 'yon? Inaano ko ba siya? Bahala siya.

"Saan ako matutulog?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa 'kin.

"Doon ka muna sa kwarto ni Kuya Kian. Tara," akmang aalalayan ko siya sa pagtayo kasi mukhang hindi siya okay, pero tinabig niya ako at tinakpan niya ang mukha niya.

"Huwag mo akong hawakan! Mahuhulog ako!"

"Saan ka naman mahuhulog?" kunot-noong tanong ko pero hindi siya sumagot. Wala namang hagdan sa tapat namin. Wala rin naman siya sa kama para mahulog. Ang weird niya talaga.

Sinundan ko siya at doon siya pumasok sa katabi niyang kwarto kaya pumasok na rin ako sa loob.

Bumungad sa akin ang mga picture frame na nakasabit, atang batang lalaki doon sa picture na si Rade. Nakita ko kung paano biglang nawala sa mood si Prim. Pero ngumiti rin agad siya para maitago ang pagkalungkot niya.

Lumabas na siya ng kwarto at naiwan ako mag-isa rito. Humiga na lang ako sa kama at napatingin sa kisame.

If you only knew, Prim. Nasa paligid mo lang ang kuya mo.

I sighed. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero wala ako sa posisyon para gawin 'yon.

Balak ko na sana matulog pero hindi ako makatulog. Napatingin tuloy ako roon sa bintana, hinahangin pati 'yong kurtina dahil sa lakas ng hangin sa labas. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-online sa Facebook, buti na lang bumalik na rin 'yong internet. Ang tagal kasing nawalan dahil sa bagyo. Nakita ko naman sa naka-online si Prim kaya nag-chat ako sa kanya. Bored ako, eh. Bakit ba?

Oy.

Agad na napakunot ang noo ko nang makita kong i-seen niya lang 'yong chat ko.

Ayos ah. Seen pa. Ge.

Ano na naman bang kailangan mo ha? Nakakainis ka na!

What the? Inaano ko na naman ba siya? Bakit ba ang init ng ulo niya sa 'kin mula kanina pa?

Did I do something wrong? Ang init ng ulo mo.

Bahala ka. Matulog ka na d'yan. Huwag mo na akong i-chat please lang. Maawa ka sa puso ko.

Ano raw? Ano'ng connect no'ng puso niya sa pag-cha-chat ko sa kanya?

Ge.

Tinamad na ako mag-chat, eh. Madali lang naman kasi akong kausap. Kung ayaw no'ng tao, bakit ko pipilitin?

Matutulog na sana ako pero biglang nag-vibrate ang phone ko. May chat si Prim.

Yelo ka ba?

'Yan na naman siya sa pick up lines niya. Nasobrahan sa mais.

Oy 'wag mo kong i-seen! Sagutin mo muna! Yelo ka ba?

Hindi.

Naknang. Pilosopo ka, brad? Sabihin mo BAKIT! Game, ulit. Yelo ka ba?

Bakit?

Kasi crush kita.

Problema niya? Sa dami ng puwede niyang pag-trip-an sagabi, ako pa talaga.

***

UMUPO ako sa sofa na katapat niya at inis siyang tumingin sa akin. 'Ayan na naman siya. Ano na naman ba'ng problema niya?

"Seen. Pagkatapos mag-confess, na-seen ako. Grabe. Grabe talaga," nakangusong sabi niya.

Gusto ko na lang matawa no'ng nakita ko kung gaano kahaba ang nguso niya.

"Gutom lang 'yan. Luto muna 'ko," sabi ko na lang at tumayo ulit ako para pumunta sa kusina. Naghalungkat ako ng mgapagkain sa ref nila na puwedeng lutuin, pero dahil tinatamad ako magluto, doon na lang ako sa cabinet nagtingin at nakita ko naman 'yong noodles. 'Yon na lang 'yong niluto ko. 'Yong gamot niya, siya na ang bahala doon. Hindi niya naman ako nurse para ako pa ang magpainom sa kanya.

Nauna na akong kumain, ayaw kong kasabay si Prim. Meron yata siyang mens kaya masungit siya sa akin kagabi pa. Ako na nga tumutulong, ako pa sinungitan. Grabe.

Maya-maya lang ay kusa siyang umupo sa harapan ko saka siya kumain ng noodles.

Kumunot ang noo ko nang mapansinkong ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. Inis kong nilapag 'yong kutsara sa mesa.

"Ano ba'ng problema mo? Kagabi ka pa, ah," inis na sabi ko.Seryoso, naiinis na 'ko.

"Wala akong problema. Bad trip talaga. Magkaka-crush nanga lang, bakit sa tulog pa? P*cha."

"Gusto mo 'ko?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Baka. Ewan. Hindi. Siguro. Malay. Pero, oo."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Iniisip mo lang na gusto mo ako, pero maniwala ka sa akin, wala ka talagang gusto sa akin. Maybe you're just desperate to forget Blue kaya naisip mong may gusto ka sa akin," simpleng sagot ko sa kanya at saka ako tumayo.


Blossom

AFTER confessing that I have a crush on him, 'yon lang pala mapapala ko.

Iniisip niyang panakip-butas ko siya para kayBlue? Woah. Sige, isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin.

Tatanga-tanga rin kasi ako, eh. Kababae kong tao, ako pa'tong nagsasabi na crush ko siya. Pero ano naman kung babae ako at ako ang unang umamin? It's not like I committed a crime for confessing first. May karapatan akong i-voice out kung ano ang gusto kong sabihin. Ugh. Pero nadismaya pa rin talaga ko sasinagot niya sa 'kin.

Hindi bale, itatago ko na lang. Tutal naman iba ang iniisip niya, sige. Baka nga naguluhan lang ako kaya ko naisip na gusto ko siya. Baka nga masyado lang akong na-paranoid kaya kung ano-ano ang naisip ko.

Siguro nga hindi ko talaga siya gusto.

Pagkalabas ko ng bahay, buti na lang wala pa si Sleep. Baka naliligo pa 'yon. Buti na lang.

Naglakad na ako papasok sa campus habang nakapayong dahil medyo umuulan pa rin. Nagtaka naman ako nang makita kong iba 'yong guard doon sa guard house. Nasaan kaya si Mang August?

Pagpasok ko sa klase, nakipagkuwentuhan muna ako sa mgakaibigan ko dahil wala pa namang instructor. Natigilan naman ako sa pagtawa nang biglang sumulpot si Tulog sa harap ko.

"Bakit nauna kang pumasok?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Ah, kailangan ba sabay tayo?" painosente kong tanong at narinig ko naman ang reaction ng mga kaibigan ko sa likod. Mygosh.

"Sinabi ko naman sa 'yo na kailangan mong sumabay sa 'kin lagi," kunot-noong sabi ni Tulog. Ano na naman ba'ng problema niya? Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon kaninang umaga, ganyan siya aasta ngayon? Wow lang. Naiirita ako sa kanya.

"Alam mo, brad, hindi ko naman kailangan ng kasabay sapagpasok," nakangiting sabi ko at saka pumasok ang instructor namin kaya umalis na sa harap ko si Tulog at umupo na siya sa likuran.

Wake Up Or SleepΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα