45

18.3K 634 175
                                    


CHAPTER FORTY-FIVE

Blossom

"HOY, Bloss! Bumangon ka na d'yan! Dalawang araw ka nang absent sa klase. Ano ba talaga'ng problema, ha?"

Hindi ko pinansin si Ulan. Wala pa akong balak pumasok. Ayaw kong pumasok. Hindi ko alam kung paano ko haharapin siSleep. Hindi ko alam kung paano ako mamumuhay nang normal kapag pumasok ako.

Baka kasi 'pag nakita ko siya . . . magmakaawa lang ako sa kanya na balikan niya ako.

Sh*t lang.

"Bloss, gising ka na kasi. Dali na. Please?" Hindi pa rin ako umimik.

"Ewan ko sa 'yo kamo, Bloss! Male-late na pati ako, eh! Bahala ka kapag hindi ka bumangon d'yan, hindi na rin ako papasok!"

Hindi pa rin ako kumibo. Nakataklob pa rin ako ng kumot ko.

Dalawang araw na akong ganito. Hindi ako kumakain o kahit lumabas man lang ng kwarto ko, 'di ko magawa.

"Tss. Ako na'ng bahala sa kapatid ko. You may go now," dinig kong sabi ni Rade.

"Eh, kailangan ko hintayin si Bloss! Duh? That's what friendsare for!" maarteng sigaw ni Ulan.

"Bahay namin 'to, ako ang masusunod. Makakaalis ka na," iritang sabi sa kanya ni Rade.

"Excuse me? Bahay ko rin 'to! Because that's what friends are for!"

"You're too loud!"

"Eh, paki mo ba?! Bakit ba nangingialam ka?!"

"Just get out."

"Oo na ho, mister! Lalabas na ho ako!" rinig kong sigaw niUlan.

"Hoy, Bloss, babalikan kita mamaya, ah. Siguraduhin mong nakakain ka na at nakaligo pagbalik ko p—"

"Kahit huwag ka na bumalik. Ako na sabi'ng bahala sakapatid ko."

"Hilig mo sumabat, Rade!" malditang sabi ni Ulan at saka ko narinig ang malalakas na yabag ng mga paa niya palabas ng kwarto ko.

Narinig kong lumabas na rin si Rade ng kwarto ko. Sa totoo lang, nagugutom na talaga ako. Pero wala talagang ganang gumalaw ang katawan ko.

Lumipas ang isang oras at nakahiga pa rin ako. 9 a.m. na at wala pa rin akong ganang bumangon. Maya-maya ay may kumatok sa kwarto ko.

"Blossom, 'Nak. May bisita ka sa baba," sabi ni Manang Asseng kaya nabuhayan naman agad ako.

Sabi na nga ba, hindi niya ako matitiis.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala pero nadismaya ako nang makita ko si Asul na nakaupo sa sofa habang naghihintay sa akin.

"Pinapunta ako rito ni Rain," bungad niya sa akin.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Iniangat niya ang mukha ko at in-examine niya bawat anggulo. Napakunot ang noo niya at pinitik ang tungki ng ilong ko.

"Aray naman, Asul," reklamo ko.

"Bakit maga mata mo? Umiyak ka? Sino nagpaiyak sa 'yo? Resbakan ko na ba?"

"Nakarma ako sa pambabasted ko sa 'yo, Asul. Nakipagbreak sa akin si Sleep, eh."

"Ano? Bakit? Ano nangyari sa inyo? Kaya pala ilang araw ka nang hindi pumapasok."

"Sabi niya, mag-focus muna raw kami pareho sa pag-aaral. Ang baba kasi ng grades ko."

"Ah, concern lang naman pala sa 'yo si Sleep. Intindihin mo na lang siya, baka naman nabigla lang din siya sa desisyon niya. Try mo kaya pumasok at kausapin mo ulit siya?"

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now