KABANATA 3

16.5K 577 153
                                    

KABANATA 3:

Ilaria POV

          DAHIL sa nalaman kong may nagugustuhan na palang babae itong pogi kong Kuya ay hindi ko tuloy tinantanan si Kuya Samael sa kakatanong tungkol sa babaeng kanyang natitipuhan. Syempre, hindi naman nagdalawang-isip si Kuya Samael na magkwento sa akin tungkol sa babaeng iyon.

Inamin niya sa akin na maganda ang babaeng kanyang nagugustuhan at mabait pa. Inamin rin niyang matagal na siyang may gusto sa babaeng iyon at matagal na niya itong hinihintay. Hindi pa daw kasi siya nakakahanap ng tiyempo na manligaw sa babaeng iyon dahil masyado pa daw komplikado.

Sabagay, isang Mafia Boss si Kuya Samael. Siguro ay nababahala siya na baka hindi siya magustuhan nung babaeng yun kapag nalaman nito kung sino siya at meron pang hinahawakan na criminal organization itong Kuya ko.

But he admitted to me that his first love was that girl. Mula noon hanggang ngayon ay iyon pa rin ang kanyang babaeng minahal at nananatili sa kanyang puso. Kaya naman habang nagkukwento si Kuya Samael tungkol sa babaeng yun ay hindi ko maiwasang kiligin.

Aba! Ito kaya ang kauna-unahang beses na nakita ko si Kuya na ngumiti nang dahil sa ibang babae. Mukha ngang in love siya at malakas ang tama niya sa babaeng yun. Kung sinuman siya, pwes masasabi kong maswerte siya! Kilala ko kaya itong Kuya Samael ko na kahit isang Mafia boss ay mabait at mapagmahal naman.

Tinignan ko lang si Kuya na nagmamaneho gamit lang ang isa niyang kamay dahil yung isa ay nakahawak naman sa kamay ko. Oo, ganito siya ka-clingy sa akin na tipong magda-drive na lang siya ay kailangan nakahawak pa siya sa kamay ko. Paminsan-minsan ay hinahalikan niya pa ang likod ng palad ko.

Sa katunayan nga niyan, ilang beses na kaming napagkakamalan ng iba na mag-boyfriend girlfriend dahil sa pagiging touchy at sweet nitong si Kuya Samael sa akin. Pero okay lang naman sa akin at hindi rin ako naiilang sa kanya dahil close kami nitong Kuya ko. At noon palang ay ganito na siya sa akin kaya masasabi kong sanay na ako.

Maya-maya lang ay sa wakas nakarating na rin kami sa Mansyon kung saan kaming dalawa nakatira. Itong Mansyon na 'to ay iniwan sa amin ng magulang namin matapos nilang mamatay sa aksidente.

Marami rin kaming alaala dito kasama sila Mommy noong nabubuhay palang silang dalawa ni Dad kaya hindi namin magawa-gawang umalis ni Kuya sa Mansyon na 'to. Hindi rin namin naisipang lumipat ng ibang bahay. Mula noon hanggang ngayon ay dito pa rin kaming dalawa nakatira.

At sa tulong ng bunsong kapatid ni Dad na si Tito Avenido ay heto, hindi naging pariwara ang buhay naming dalawa ni Kuya Samael. Sila Tito Avenido at Tita Maribel na kasi ang tumayo naming magulang ni Kuya nung mamatay ang magulang namin.

Mabait sila sa totoo lang at sobrang maalaga pa kaya maswerte kami na hindi nila kami pinabayaan dahil bata palang kami noon ni Kuya Samael nung mawala sila Mommy at Daddy. Halos hindi rin namin alam ang gagawin namin noon nung mamatay sila Mom.

Sobrang close pa namin yung nag-iisa nilang anak na si Kuya Palermo which is pinsan rin namin na ngayon ay kasa-kasama ni Kuya Samael na patakbuhin ang kanilang organisasyon.

Ang Lazarus Paragon Organization.

Isang sikat, mayaman at makapangyarihan na organisasyon sa lahat ng mga Mafia families. At sila Kuya na ngayon ang namamahala doon. Kuya Samael is the CEO and owner of that organization.

Pangalawang kamay naman niya ang pinsan naming si Kuya Palermo. Hindi rin naman kasi lingid sa aking kaalaman ang tungkol sa organization ng pamilya namin ngunit wala naman akong balak na mapabilang sa organisasyon nila.

Pangarap ko rin kasing magkaroon ng simple at tahimik lang na buhay. Ayoko ring maging kriminal at makagawa ng kasalanan kahit pa na sabihin kong tumutulong sila Kuya Samael sa mga taong inosente at mga mahihirap pati na rin sa mga inaagrabyado ng ibang mga Mafia family.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now