KABANATA 20

12.5K 504 164
                                    

KABANATA 20:

Ilaria POV

          KAHIT na nangangalay na ako dahil sa suot kong stilettos at nananakit na rin ang pisngi ko dahil sa kakangiti ko sa tuwing ihaharap ako ni Kuya Samael sa mga bisita ay wala akong magagawa kundi magtiis na muna. Birthday party ko 'to kaya nararapat lang na humarap ako sa mga dumalong bisita.

Ipinakilala na rin ako ni Kuya Samael sa mga ka-business partner niya at lahat sila ay masaya na na-meet na raw nila ako. Masyado raw kasing ma-sekreto si Kuya at akala nila ay walang balak si Kuya Samael na ipakilala ako sa kanila. Even though they were curious about what I looked like, they were still glad to meet me.

Mababait naman sila sa totoo lang. Pero minsan hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil sa paraan ng tingin ng ibang tao sa'kin lalo na ang mga lalaki na panay ang puri sa akin na kesyo maganda raw ako kahit na may suot akong masquerade mask at bagay na bagay raw sa akin ang suot kong gown.

Naging maayos din ang daloy ng party. Malaki ang pasasalamat ko na walang masamang nangyari at mukhang secured naman ang buong Mansyon para walang ibang makakapasok na hindi naman invited.

Na-blow ko na rin ang candles sa cake ko habang kinakantahan ako ng happy birthday ng mga tao. Nakakain na rin ang mga bisita at ngayon ay nakikipag-kwentuhan na sila sa ibang mga dumalong bisita habang umiinom ng wine. Medyo out of place ako minsan dahil ang madalas nilang pinag-uusapan ay about sa business.

Nabo-bored na rin ako.

Hindi ko alam kung anong oras na ba, pero marami-rami pa rin ang mga naritong bisita. Parang gusto ko na ngang umakyat sa kwarto ko at magpahinga na pero may kailangan pa akong dapat gawin.

Ngayon ay nagpalinga-linga ako para mahanap kung nasaan ba ang boyfriend ko para masimulan ko na rin na makausap si Kuya Samael at masabi ko na sa kanya ang totoo.

Nakadalo kaya si Rosales?

"Are you okay? Sino ba hinahanap mo?"

I heard the masculine baritone voice that suddenly spoke near my ear. Nilingon ko naman agad si Kuya Samael na may hawak-hawak na isang kopita na naglalaman ng red wine. While one of his hands was on my waist.

Kakatapos lang din namin makausap ang isa sa mga business partner niya na dumalo rin ngayong gabi. Hindi siya umalis sa tabi ko at talagang sinamahan niya ako na humarap sa mga bisita namin.

Kaya naman walang nagtatangkang lumapit sa akin na mga lalaki para solohin akong makausap dahil dito kay Kuya Samael na parang tuko na nakalingkis sa aking beywang. Para siyang personal bodyguard ko na kahit saan ako magpunta ay nakasunod siya.

Eh takot pa naman sa kanya ang mga tao. Kanina nga ay may nagtangkang humingi ng cellphone number ko, pero hindi na niya natuloy hingiin dahil biglang sumulpot na parang kabute si Kuya Samael.

Ghad, they were really afraid of him. Para bang ingat na ingat sila sa bawat kilos o bibitawan nilang salita dahil kapag nagkamali lang sila na hindi magustuhan ni Kuya ay tiyak na may kalalagyan sila.

Aba, sino ba naman kasi ang hindi matatakot kay Kuya Samael? Bukod sa alam nilang lahat na isa siyang delikadong Mafia Boss, ay matangkad pa siya at mayroong malaking pangangatawan. He really looks like a beast and his aura screams how powerful he is.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now