KABANATA 52

13.1K 500 118
                                    

KABANATA 52:

Ilaria POV

          MASAYA kong tinignan si Samael, hindi mawala-wala ang matamis niyang ngiti mula nang malaman niyang nagdadalang-tao na ako. Sa takot niya na baka lumayo ako sa kaniya kasama ang anak namin ay pinagbantaan na niya si Marisse na huwag na itong lalapit o magpapakita sa kaniya, or else.

Talagang may kalalagyan siya once na haliparutin na naman niya ang asawa ko. Syempre, dinala rin naman ang Marisse na 'yun sa hospital para magamot siya at matanggal din ang bala na nasa hita niya.

Ngayon ay nakatikim na siya sa akin. Kahit na kaya kong magtimpi ay nauubos din naman ang pasensya ko lalo na kapag ginalit ako. Inubos niya ang pasensya ko kaya ayon ang napapala ng mga haliparot na kagaya niya.

Hindi rin naman niya ako maidedemanda dahil kay Samael. Alam niya kung sino ang makakalaban niya once na gantihan niya ako. They will definitely lose everything they have if they do something bad to me.

Bumuntong-hininga ako bago ko muling tinignan si Samael. Kasalukuyan kaming narito ngayon sa kusina, nakaupo ako sa countertop kitchen habang nagluluto si Samael. I couldn't stop looking at him, my eyes were full of admiration and love. He looks really attractive and sexy when he wears an apron and cooks for me.

Kitang-kita ko pa ang pag-flex ng biceps niya, halos pumutok na rin ang suot niyang damit dahil sa laki ng kaniyang seksi at maskuladong katawan. Ghad, ang swerte ko naman sa lalaking ito. Hindi lang siya basta gwapo at seksi, matalino pa, mayaman at marunong sa gawaing bahay.

At higit sa lahat, mahal ako.

Ang saya sa pakiramdam, masaya ako na nasa tabi ko si Samael. Kahit hindi ko naman sabihin ay talagang pinagsisilbihan niya ako na parang isang reyna. Todo alaga siya sa akin.

Walang nagbago, gano'n pa rin siya tulad ng dati. Ang pinagkaibahan nga lang, he treats me as his wife whom he loves so much. Mas naging maalaga at maalalahanin siya sa akin ngayon, mas minahal pa niya ako.

"Matatapos na ba 'yan?" tanong ko sabay nguso sa niluluto niya. Natatakam na ako dahil sa amoy nito.

"Yes, malapit na." sagot niya, "Gutom na ba ang misis ko?" he asked.

Napabungisngis ako, "Hindi lang ako ang gutom 'no, kundi pati na rin ang baby natin." nakangiti kong sagot sa kaniya.

Ngumiti siya at tumigil sa paghalo ng niluluto niya. Pinatay na niya ang gas stove bago siya lumapit sa akin. His big, muscular arms quickly wrapped around my waist before he fondly kissed my lips.

"I love you and our baby, I love you both." he said softly.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ko. Para akong matutunaw nang sabihin niya 'yon. Bahagya pa siyang yumuko para pumantay sa aking tiyan bago niya rin iyon masuyong kinantilan ng halik.

"Alam ko na hindi mo pa ako naririnig baby, hindi ka pa masyadong nabubuo riyan sa loob ng tummy pero gusto ko lang malaman mo na mahal ko kayong dalawa ng maganda mong Mommy." aniya habang nangingislap ang kaniyang mga mata.

Bakas ko rin sa gwapo niyang mukha ang labis na kasiyahan habang nakatapat siya sa tiyan ko at kinakausap ang baby namin. Hindi pa naman lumalaki ang tummy ko pero alam ko na kagaya ko ay excited na rin siya na lumabas ang baby namin.

Alam ko na siyam na buwan pa ang hihintayin namin bago siya lumabas, pero hindi na ako makapaghintay na makita ang baby namin. Mahawakan siya, mahalikan at mayakap.

"Mahal ko kayo. I will do everything to give you everything you want and to protect you both." turan pa ni Samael bago siya tumingin ng diretso sa aking mga mata.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now