KABANATA 30

15.7K 553 124
                                    

KABANATA 30:

Ilaria POV

          PAGMULAT ko ng mata ay nabungaran ko na agad na wala na ako sa secret dark room ni Samael. Nandito na ako sa kwarto niya at mag-isang nakahiga sa kama. Chineck ko naman agad ang wall clock para alamin kung anong oras na ba, pasado alas-nwebe na pala ng umaga. Napahaba-haba yata ang tulog ko ngayon. Pero nasaan naman kaya si Samael? Ako lang kasi ang narito sa kwarto at wala akong katabi.

Hindi na muna ako bumangon. Napatitig muna ako puting kisame at inalala ko ang mga mainit na nangyari kahapon. Grabe, sobrang intense ng mga nangyari sa loob ng kanyang secret dark room. Sariwa pa rin sa alaala ko kung paano niya paligayahin ang aking taksil na katawan.

How he touches me, kisses me and gives me pleasure. Tandang-tanda ko rin kung paano niya baliwin ang katawan ko lalo na kung paano niya tikman at kainin ang aking.. hiyas. Hanggang sa marating ko ang masarap na sukdulan at mawalan ng lakas. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.

Shit! I feel like I'm getting wet just thinking about how he licked my pearl. Parang hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin kung paano maglaro ang expert niyang dila sa aking hiyas. Para bang gusto kong maranasan ulit iyon. Anak ng tokwa! Ano ba 'tong kabaliwan ang iniisip ko?

Siguro sa sobrang pagod ko kahapon ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nakakapanghina naman kasi talaga. Para akong nalantay na gulay. Mabuti na lang ay hanggang doon lang ang ginawa ni Samael sa'kin. Tinignan ko ang sarili ko, wala pa pala akong suot na damit. I'm glad na nakabalot sa hubad kong katawan ang makapal na kumot.

Napabangon naman ako nang bumukas bigla ang pinto. Niluwa 'non si Samael na may bitbit na isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang makita niya ako. Mukhang good mood siya ngayon ah? Nakikita ko kasi sa gwapo niyang mukha ang labis na kasiyahan. Umaabot din ang ngiti niya sa kanyang mga mata.

"Good morning, my gorgeous kitty. Breakfast in bed!" masaya niyang bati sa'kin kaya napangiti ako ng matamis.

"Good morning," bati ko rin sa masiglang boses kahit na medyo paos ang boses ko ngayon.

Dahil siguro sa lakas ko humalinghing kahapon kaya ganito ang boses ko. Lumapit siya at maingat na nilapag sa lamesa 'yong tray bago siya humalik sa aking labi. Umayos naman ako ng upo at natatakam kong tiningnan ang pagkain.

May bacon, hotdog, garlic fried rice with sunny side up egg. May gatas din itong kasama at nagwala na agad ang alaga ko sa tiyan nang maamoy ko ang mabango nitong aroma. Sigurado rin ako na si Samael ang nagluto nito.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Nabawi mo na ba 'yong lakas mo?" nakangisi niyang katanungan kaya mahina ko siyang nahampas sa kanyang malaking braso.

"Oh please, stop." inis kong sabi.

Aba, sinong hindi manghihina kung first time kong maranasan 'yon?! Tapos ang galing niya pa, ang expert niya at parang alam na alam niya kung ano ang gagawin niya lalo na kung paano niya ako paliligayahin. Idagdag pa na namamalat ang boses ko ngayon.

He chuckled and gently squeezed my left cheeks, "Binibiro lang kita. Kumain ka na, ako ang nagluto niyan. Ihahanda ko lang 'yong pampaligo mo." turan niya.

Nakangiti lang akong tumango sa kanya. Pumasok na siya sa loob ng banyo para ihanda ang pampaligo ko habang ako ay agad kong nilantakan na kainin ang pagkain na niluto niya para sa akin. Paubos ko na ang breakfast ko nang lumabas na si Samael sa banyo.

"Are you done? The bathtub is ready," aniya at naupo sa tabi ko.

"Wait lang, ubusin ko lang 'to." sagot ko kahit na punong-puno ng pagkain ang bibig ko.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now