KABANATA 47

12.4K 537 344
                                    

KABANATA 47:

Ilaria POV

          NAIKUWENTO na ni Samael sa akin ang mga nangyari kagabi. 'Yun pala ay may masamang nangyari sa asawa ni Kuya Palermo. Oo, asawa na niya dahil sa marriage contract nila pero ayon kay Samael ay may magaganap pa rin naman daw na kasal.

Excited na nga ako na makilala 'yung asawa ni Kuya Palermo, si Ysabel dahil iyon ang binanggit ni Samael na pangalan niya kanina pero mukhang matatagalan pa bago ko siya ma-meet.

Masyado rin yatang maliit ang mundo namin dahil nalaman ko rin kay Samael na taga-rito si Ysabel, dito mismo sa Batangas. Kilala nga rin ni Nanay Dolores si Ysabel dahil isa raw siya sa mga suki ni nanay.

But I'm glad she's fine.

Kamuntikan na raw kasi siyang gawan ng kahalayan doon sa hotel na pinagganapan ng gathering kagabi at ang may kagagawan ay isang Emerson. Bunsong anak ng mag-asawang Emerson at isa rin sila sa kaaway at naiinggit sa mga Lazarus.

Kaya galit na galit si Kuya Palermo at dinala ang mga lalaking nagtangkang humalay sa asawa niya para bigyan sila ng leksyon. There is also a girl who is madly in love with him and she is also the mastermind para gawan ng masama 'yung asawa ni Kuya Palermo.

And last night, na-karma sila. Dinala sila sa battle ground na hideout din nila Samael. They face the consequences of what they did and that is to cut their birdie. Iyon ang kuwento ni Samael sa 'kin. Si Kuya Palermo raw kasi mismo ang nag-utos na putulin ang kanilang pagkalalaki. Iba talaga magalit si Kuya Palermo, parang si Samael lang.

Nagkaroon din ng gulo sa pagitan ng Emerson at Lazarus. Sumugod ang ilan sa mga tauhan nina Kuya Palermo sa teritoryo ng mga Emerson para ipabalita ang nangyari. Pero wala silang laban sa mga Lazarus family. They are afraid of losing everything. Masyadong matalino ang mga Lazarus lalong-lalo na sina Kuya Palermo at Samael. Mautak sila sa totoo lang.

Because in the blink of an eye, the Emerson family lost everything. Their wealth is gone, their money, fame, business. In short, pinabagsak na sila at walang kahirap-hirap iyon na nagawa nina Samael at Kuya Palermo. It was the fault of the youngest son of the Emerson family, he tried to rape Kuya Palermo's wife.

Kaya ayon, pinutol ang dapat putulin.

“Huwag mo na kasing lagyan ng maraming panggatong! Kaya lumalakas ‘yung apoy eh!"

Tila nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Perseus na nasa kusina kasama ang mga kaibigan ni Samael. Oo nga pala, narito pala sila para magpalipas ng gabi rito.

Iniisip ko lang talaga kung saan sila matutulog mamayang dahil hindi pa naman tapos ayusin itong bahay ni Nanay Dolores. Bahala sila, sa lapag na lang sila matulog mamaya.

Mayroon namang banig na pu-pwede nilang magamit. Okay naman daw kay Nanay kung dito sila matutulog, uuwi rin naman sila agad bukas ng umaga.

“Eh para mabilis maluto itong niluluto natin! Ikaw talaga, walang utak!” rinig ko namang banat ni Zeev sa kaibigan niya.

“Parehas lang kayong walang utak ‘no,” salita ni Wyatt kaya napabuntong-hininga ako sa kakulitan nila.

Nasa kusina sila at nagluluto. Nag-insist kasi sila na sila na lang daw ang magluto ng tanghalian namin ngayon. Sabi nila masarap daw sila magluto kaya hinayaan na lang sila ni Nanay sa kusina. Sana lang talaga ay may makain kami nito.

“Tumigil na kayong dalawa sa pagtatalo! Parehas lang din kayong dalawa na may mali! Ikaw Perseus! Kumukulo na nga ‘yung sinaing, hindi mo pa buksan ‘yung takip. Ikaw naman Zeev, kitang-kita mo na ngang marami ng kahoy, lagay ka pa rin ng lagay! Plano mo ba na sunugin ang bahay na ito? Can’t you see na malakas na ‘yung apoy?! We’re here para magluto, hindi para mag-bonfire.” mahabang sambit ni Samael sa mga kaibigan niya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now