KABANATA 25

13.6K 491 142
                                    

KABANATA 25:

Ilaria POV

          HINDI ko alam kung tama ba na pumayag ako na makipag-deal kay Kuya--- este kay Samael. Gusto niya kasi na huwag ko na siyang tawagin na Kuya at tanging Samael na lang daw ang itawag ko sa kanya.

Panigurado kasi na hahalikan na naman ako 'non kapag narinig niyang tinawag ko siyang Kuya kaya hangga't maaari ay sasanayin ko na ang sarili ko na huwag ko siyang tawaging Kuya kahit na mahirap at hindi ako sanay.

Pero wala namang mawawala sa'kin kung makipag-deal ako sa kanya. At saka nakapag-promise na rin ako sa kanya kaya hindi ko na 'yon mababawi pa. Ang dapat ko lang isipin ngayon ay ang magtiwala sa boyfriend ko at mali ang mga kutob ni Samael sa kanya.

I sighed. Sobrang daming nangyari. Ang dami rin nagbago mula nang malaman kong hindi kami tunay na magkapatid ni Samael at isa lang pala akong ampon. Para bang nananaginip lang ako ng gising dahil hindi kapani-paniwala na hindi ako isang Lazarus.

Wala akong kaalam-alam at ang tangi ko lang alam ay anak ako ng mga kinilala kong magulang pero hindi pala. They hid the truth from me. Ngayon ay nasasaktan tuloy ako at nahihirapan din akong tanggapin ang katotohanan na hindi ako isang Lazarus.

Kahapon ay dumating sila Tita Maribel dito at nakausap ko na sila. Nabalitaan kasi nila na alam ko na ang totoo lalo na sa tunay kong pagkatao. Humingi sila sa'kin ng tawad dahil kahit sila ay may alam na isa akong ampon ngunit hindi nila 'yon nagawang aminin sa akin.

Kahit nga si Manang Aming ay may alam din pala pero mas pinili niyang huwag magsalita. Nangako raw kasi siya kina Mommy na huwag na huwag daw niyang babanggitin sa'min na hindi kami totoong magkapatid ni Samael dahil nga isa akong ampon.

I have no other choice but to accept the fact that I am an adopted child even though it is difficult for me to accept it. Wala na rin naman akong magagawa kahit pa na magwala ako, magalit o umiyak. Ito ang katotohanan at kailangan kong tanggapin 'yon.

Maswerte pa nga ako kung tutuusin dahil minahal at inalagaan pa rin ako ng mga tinuring kong magulang. Hindi sila nagkulang lalong-lalo na si Samael na kahit ampon ako at hindi kami totoong magkapatid ay inalagaan at pinorotektahan pa rin niya ako.

Si Tita Maribel na rin ang nagsabi sa'kin na walang magbabago at mananatili pa rin daw niya akong pamangkin. Isa pa rin daw akong Lazarus kahit na ano pa ang mangyari.

Ngayon ay pala-isipan sa akin kung bakit ako pina-ampon ng tunay kong ina. Kahit si Samael ay walang ideya kung bakit nga ba ako pina-ampon pero nagpapa-imbestiga na siya.

Inamin na rin niya sa'kin na pinahanap niya ang totoo kong ina at ngayon ay natagpuan na raw niya ito. Kasalukuyang nasa Pilipinas ang nanay ko. Malaki nga ang pasasalamat ko kay Samael dahil talagang pinahanap niya ang nanay ko para sa akin. Subalit nagtataka ako at palaisipan din sa'kin kung sino ang aking ama.

Kahit si Samael ay palaisipan din sa kanya kung sino nga ba ang tunay kong ama dahil wala siyang kahit na anong nahanap na impormasyon tungkol sa kung sino ba ang papa ko. Aba syempre, paano nga ba ako mabubuo at mailuluwal sa mundong ito kung wala akong ama.

Kumbaga paano magkakaroon ng bunga kung hindi madidiligan. Ay ewan! Basta ang importante sa'kin ngayon ay alam ko na ang totoo at gusto kong makilala ang tunay kong ina. Mabuti na lang ay sinabi ni Samael sa akin kahapon kung saan matatagpuan ang nanay ko. Ang kaso nga lang ay narito ako sa Sicily at malayo rin ang Pilipinas.

"Bakit hindi ka pa bumabangon?"

Agad akong tumingin sa nagsalita, si Samael lang pala na kakatapos lang maligo. Nag-init ang buo kong mukha nang masilayan ko ang ganda ng kanyang katawan. Ghad, he's really big! I mean, his body. Malaki talaga ang katawan niya at dahil topless siya at tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa beywang niya kaya malaya kong nakikita ang kanyang mga abs.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now