KABANATA 12

11.4K 474 143
                                    

KABANATA 12:

Ilaria POV

          NAGSIMULA na ang pagtu-tutor ni Rosales sa'kin, ang aking boyfriend na wala man lang sinabi sa akin na siya pala ang bago kong private tutor. Binigay na rin niya sa akin ang mga libro na pag-aaralan ko at ituturo niya loob ng isang taon.

Sinabi na rin niya ang mga subject ko na ituturo niya, ang schedule kung kailan lang siya magtuturo sa akin dito sa bahay. Tuwing sabado at linggo lang din ako walang pasok habang Monday to Friday ang pasok ko subalit magkakaiba naman ng oras ang pagtu-tutor niya sa'kin.

He discussed another important matter, after that he started tutoring me. Nakatingin lang ako sa boyfriend ko slash my private tutor. Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang lecture at sinusundan ko rin ng tingin yung mga sinusulat niya sa glass whiteboard. Syempre, sinusulat ko lang din 'yon sa notebook ko para hindi ko ito makalimutan.

Hindi ko na lang din pinansin pa si Kuya Samael na walang kahit na anong imik dahil narito rin siya sa office library niya. Naroon nga lang siya sa office desk niya, nakaupo sa kanyang swivel chair at seryoso siyang nagtitipa sa laptop niya at alam ko na busy siya sa trabaho niya.

Pero kahit na hindi ako tumitingin dito sa Kuya ko ay ramdam ko naman na paminsan-minsan siyang napapatingin sa gawi namin lalo na sa'kin. Napapansin ko rin na nakikinig din siya sa kung ano ang tinuturo ni Rosales sa akin.

Ganito talaga si Kuya Samael lalo na kapag first day no'ng nagtu-tutor sa akin. Tahimik lang siyang nakikinig at nakamasid. At kapag maganda ang naging performance ng private tutor ko sa pagtuturo niya sa'kin ay hahayaan na lang ako ni Kuya na maiwanan na mag-isa kasama ang tutor ko at tiyak din na pu-pwede rin niyang taasan ang pagpapasahod niya sa private tutor ko.

Magaling din naman magturo si Rosales kaya agad kong naiintindihan ang mga tinuturo at mga sinusulat niya sa glass whiteboard. Hindi na ako magtataka dahil matalino si Rosales at naka-graduate siyang summa cum laude.

Kaya nga natanggap siya sa Bolzano University bilang bagong guro pero wala talaga akong kaalam-alam na siya itong magiging private tutor ko.

Medyo nakakaramdam din ako ng awkwardness dahil una, narito si Kuya Samael. Pangalawa, ang tutor ko ay ang boyfriend kong si Rosales. Kuya Samael doesn't know anything about me and Rosales. He didn't know that me and my tutor knew each other.

Mabuti na lang talaga ay nagawa ko pa na makapag-focus sa tinuturo sa akin nitong boyfriend ko kahit na may oras na lumilipad ang isipan ko papunta sa kung paano ko sasabihin kay Kuya ang tungkol sa amin ni Rosales.

Namomroblema talaga ako.

Naging komplikado rin ito sa akin lalo na't naging private tutor ko pa si Rosales, pero buo na ang desisyon ko na ipakilala ko ang boyfriend ko kay Kuya Samael. I will tell him everything on my birthday. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang totoong sekreto ko.

The secret that I kept from him for almost six months. Dahil una, hindi ko na rin kaya na itago sa kanya ang sekreto ko at pangalawa ay alam ko sa sarili ko na hindi habambuhay ay maitatago ko sa kanya ang totoo. Malalaman at malalaman pa rin niya kung ano ang totoo.

Sana mapatawad ako ni Kuya Samael..

It was 5 PM when Rosales finally finished tutoring me. First day palang ng pakikinig ko sa mga tinuro niya ay sumasakit na ang ulo ko. Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa aking desk. Ito ang desk na ginagamit ko sa loob ng halos ilang taon kong pagho-homeschool dito sa bahay.

"Let's meet tomorrow morning. You already have your class schedule, right?" Ani Rosales.

"Yes, sir. Eight o'clock ng umaga ang start ng pag-tutor mo sa'kin bukas," sagot ko habang tinitignan ko ang aking class schedule na binigay niya sa'kin kanina bago ko siya sunod na tinignan.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now