KABANATA 50

12.2K 553 133
                                    

KABANATA 50:

Ilaria POV

          MATIWASAY naming natapos na asikasuhin ni Samael ang preparasyon para sa nalalapit din naming kasal. Lahat ay ready na. Pati ang wedding gown ko ay nakahanda na rin. Hinatid lang niya ako sa meeting place namin ni Tita Maribel bago siya umalis.

Syempre hindi siya aalis na wala akong bantay kaya nag-iwan siya ng mga bodyguards ko para masigurong ligtas ako. Saglit lang naman siya at babalik din siya agad para sunduin ako. At para na rin makausap na namin sina Tita Maribel at Tito Avenido para masabi na namin ang nalalapit din naming kasal.

Si Tita Maribel kasi, gusto raw niya akong makita kaya pumayag ako na makipagkita sa kaniya. Chineck ko ang suot kong wristwatch, maaga pa naman. May isang oras pa ako bago kami magkita ni Tita Maribel kaya pagkakataon ko na ito para magpunta sa OB-GYN.

Inutusan ko lang ang mga kasama kong bodyguards na ihatid ako sa malapit lang na Maternity Clinic. Pinakiusapan ko rin sila na huwag nila itong babanggitin kay Samael dahil gusto ko na ako ang magsasabi sa kaniya kung bakit ako nagtungo sa clinic.

Tumango naman sa akin ang mga tauhan niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Alam ko kasi na sasabihin nila kay Samael kung ano ang ginagawa ko o kung saan ako nagpupunta. Ganoon sila ka-loyal sa Boss nila.

Inabot ng ilang minuto bago nila ako maihatid sa Maternity Clinic na malapit lang naman sa meeting place namin ni Tita Maribel. Nakatanggap kasi ako ng text sa kaniya na male-late lang siya ng dating dahil sinamahan pa niya ang asawa ni Kuya Palermo para i-check daw ang wedding gown nito.

Nakakatuwa lang dahil ikakasal na kami. Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay ang dudungis pa namin habang naglalaro ng habol-habulan. Ngayon ay ikakasal na kami. Pinili na namin na lumugar sa tahimik at magkaroon na ng pamilya.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng Maternity Clinic. Sinalubong naman ako agad ng isang babaeng nurse kaya sinabi ko agad sa kaniya na narito ako para magpa-check up. Inasikaso rin naman nila ako agad, sinunod ko ang mga sinabi nila lalo na kung ano ang dapat gawin.

Mabilis lang naman ang proseso nila rito dahil wala silang masyadong inaasikasong pasyente kaya nakapagpa-check up ako agad. Sinabi ko rin sa obstetrician na umasikaso sa 'kin na delay ang menstruation ko at nakakaranas din ako ng ilang senyales na baka nagdadalang-tao nga ako.

Lalo na parang nauseated ako or nasusuka na wala naman akong maisuka. Mabilis din akong mapagod at mabilis magbago ang aking mood. Mabuti na lang daw ay naisipan kong magpa-check up kaya sumailalim ako sa ilang test at ipapa-ultrasound na rin ako to check if I'm really pregnant.

It's better to do an ultrasound early to check if the baby is alive. Kung single ba ito or kambal. At syempre para na rin daw ay mabilang na rin ang weeks ng pagbubuntis para sa gayon ay malaman din agad kung kailan ang due date ng isang buntis.

Kaya heto, buti ay naisipan ko raw na magpa-konsulta na para makasiguro ako. Mabuti na lang din na kahit clinic lang itong pinuntahan ko ay kumpleto naman sila sa mga kagamitan kaya nakapag-ultrasound ako.

Kinakabahan na tuloy ako lalo.

Pero kung ano man ang lumabas na resulta ay buong puso ko itong tatanggapin. Hihintayin ko lang ang resulta, hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko. Maya-maya lang ay tinawag na ako ng obstetrician na umasikaso sa akin.

Huminga pa muna ako ng malalim bago ako pumasok sa ultrasonography room nila para ma-ultrasound na ako at masabi sa akin kung ano ang resulta. Halos rinig ko na nga rin ang malakas na kabog ng puso ko.

Naabutan ko naman si Dok na inaayos ang mga gamit kaya inassist naman ako ng kasama niyang nurse at pinahiga ako sa isang stretcher para maisagawa na ang pagpapa-ultrasound ko. Nanlalamig ang palad ko sa kaba.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now