KABANATA 48

12.1K 522 120
                                    

Warning: This chapter contains scenes of violence, sexual assault and etc. which may be triggering for some readers. Please be warned.

KABANATA 48:

Ilaria POV

          KAKATAPOS ko lang maglinis ng katawan nang maabutan ko sina Samael at ang mga kaibigan niya na nasa labas ng bahay at nag-iinuman sila ng alak para pampa-antok lang. Malalim na rin ang gabi at tulog na rin ang mga bata sa kuwarto nila, pati na rin sina Nanay at Tatay Amado.

Hindi naman maingay sina Samael kaya ayos lang kung mag-inuman sila. Wala rin naman silang balak magpakalasing dahil maaga ang alis nina Thorn bukas.

“So, plano niyo na rin pala magpakasal ni Ilaria?” rinig kong tanong ni Thorn habang sinusuklayan ko ang aking buhok.

“Yup, malapit na. Pinapamadali ko na lang sa designer ‘yung pinapagawa kong dream wedding gown ni Ilaria, pati na rin 'yung susuotin ko at ng pamilya niya. Lahat ay nakahanda na," sagot naman ni Samael.

Ngumiti ako. Oo, nakahanda na talaga ang lahat at mismong si Samael ang naghanda ng kasal namin. Mula sa pagkuha ng wedding organizer, sa theme, sa style. Hindi naman magarbo ang magiging kasal namin, pero hindi rin ako kinalimutan ni Samael lalo na kung ano ang gusto ko sa araw ng kasal namin.

No'ng nakaraang araw kasi ay may dumating na gown designer dito sa bahay para sukatan ako pati na rin sina Nanay at ang mga bata. Ako rin ang pinapili ni Samael ng desinyo ng magiging cake namin para sa aming kasal lalo na kung anong klaseng gown ang susuotin ko.

Sa katunayan nga niyan ay nakahanda na rin ang venue ng reception, 'yung simbahan at ang invited lang naman sa kasal namin ay ang pamilya namin ni Samael at ang malalapit niyang mga kaibigan.

Hindi naman kasi kailangan na engrande ang kasal namin, ang mahalaga ay ikakasal kami at sabay kaming mangangako sa harap ng altar na mamahalin at aalagaan namin ang isa't-isa hanggang sa aming pagtanda.

Iyon nga lang, hindi pa namin ito nababanggit kina Tita Maribel. Wala pa silang alam na magpapakasal na kami ni Samael. Hindi ko nga alam kung papaano namin sisimulan na sabihin sa kanila ang tungkol sa 'min ni Samael.

Tanging si Kuya Palermo pa lang ang nakakaalam tungkol sa aming dalawa ni Samael, na ikakasal na kaming dalawa. Wala pa kasi kaming free time, gusto rin kasi namin na personal namin ni Samael na sabihin sa kanila ang tungkol sa amin --- 'yung kaming dalawa ang magsasabi.

"Sigurado ka na ba talaga sa kaniya? Walang atrasan na 'yan," tanong naman ni Wyatt.

"Yes, of course. Papakasalan ko ba siya kung hindi ako sigurado sa kaniya? Mahal ko si Ilaria, siya lang ang higit na mahalaga sa buhay ko. Hinding-hindi ko siya iiwanan sa ere. Siya lang ang babaeng pagsisilbihan ko," sagot ni Samael.

"Noon pa man ay matagal na akong may pagtingin sa kaniya. I tried to stop it but I couldn't. Siya lang talaga, siya lang ang gusto kong makasama at pakasalan. Ang babaeng mamahalin ko higit pa sa kung sinuman.." mahabang dagdag ni Samael dahilan para mahinto ako sa pagsuklay sa aking buhok.

Wala naman talaga akong balak na mag-eavesdrop sa pinag-uusapan nila pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko, ramdam ko ang pagiging sinsero ni Samael sa mga binitawan niyang salita. Talagang mahal niya ako.

"Sabagay, halata namang baliw na baliw ka sa kaniya. The way you look at Ilaria, it's full of love and admiration. Kilala ka namin, Samael. Kaibigan, kaya alam na alam namin ang bawat galaw mo. Hindi ka rin ganyan tumingin sa ibang mga babae," rinig kong saad ni Zeev.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now