KABANATA 53

11.7K 494 135
                                    

KABANATA 53:

Ilaria POV

          NAKINIG kami sa lahat ng paliwanag ng aking ama. Pinakinggan namin siya at hinayaan na makapagpaliwanag para na rin malinawagan kami at masagot lahat ng mga katanungan namin lalo na ang mga katanungan na naglalaro sa isipan ko.

I want to know everything, kaya heto wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang nagkukwento si Salvatore Cardinal --- ang aking ama.

Lahat-lahat ay sinabi niya, mula sa gusto niyang pabagsakin ang mga Lazarus at sirain sila. Inamin naman niya sa 'min na plano nga niyang mapatumba ang pamilyang Lazarus lalong-lalo na si Daddy Maximo.

Dahil si Daddy naman talaga ang orihinal na CEO at owner ng Lazarus Paragon Organization na ipinamana sa kaniya ng mga lolo't lola namin hanggang sa si Samael na ang pumalit sa puwesto niya after niyang mamatay dahil sa car accident kasama si Mommy Larisa.

Oo, nagkaroon sila ng inggit sa mga Lazarus. Tinuturing nila na higit na kalaban at kakumpitensya ang mga Lazarus pagdating sa mga negosyo kaya noon pa lang ay itinatak na nila na karibal nila ang mga Lazarus.

My real father tried to destroy them, lalo na ang pabagsakin si Daddy Maximo. Inamin din niya na ginamit niya nga ang aking ina para sa mga plano niya, para sa pansarili niyang interes. Tama nga lahat ng narinig ni Nanay Dolores noon nang hindi niya sinasadyang marinig noong araw na may kausap si Salvatore sa phone niya.

It was just an accident, she didn't mean to hear that, but my mother is thankful that she found out the truth. Siguro ay gumawa ng paraan ang tadhana para malaman niya ang mga plano ng aking ama. Kaya nga naisip niyang sabihin 'yon kina Daddy Maximo at Mommy Larisa, 'di ba?

Kaya hindi niya pinaalam sa tunay kong ama na nagkaroon sila ng anak at ako 'yon. Ginamit niya si Nanay Dolores at inakala ng aking ina na hindi siya totoong minahal ng totoo kong ama. That's why she hid the truth, pinaampon niya ako sa mga Lazarus para sa kaligtasan ko.

She thought my father was an asshole. Nasaktan siya ng sobra dahil minahal ni Nanay Dolores ang aking ama. But Salvatore admitted that he really loved my mother. Minahal niya ang aking ina at totoo 'yon. Walang halong biro o kasinungalingan.

Habang sinasabi niya lahat ng 'yon ay panay naman ang pagluha ni Nanay. Hindi na niya napigilan na maging emosyonal habang pinapakinggan niya ang mga paliwanag ng aking ama.

Wala siyang kaalam-alam na tinigil pala ng aking ama lahat ng mga plano niya para kay Nanay. Sinarado kasi ni Nanay ang tainga niya para hindi na niya muling marinig lahat ng mga sasabihin ng aking ama.

Inakala niya na baka magsinungaling na naman si Salvatore at bilugin ang kaniyang ulo kaya hindi na siya muling nakipagkita sa ama ko. Pinutol din niya agad ang pakikipag-komunikasyon sa kaniya.

But we didn't know that he stopped all his plans because of my mother. He was greedy at first, but he chose my mother than his greed for money and power because he fell in love with my mother. Napamahal na siya kay Nanay Dolores.

Kaya niya tinangka na ipakidnap si Nanay pero masyadong malakas ang mga Lazarus. They protected my mother because of her loyalty to the Lazarus family. Mula kasi noong tinangkang kidnapin si Nanay Dolores ay hindi na siya muling nagtangkang lumabas ng Mansyon.

Nasa loob lang siya ng bahay, hindi umaalis dahil natatakot si nanay na baka malaman ng aking ama na buntis siya. She really didn't want to let my father know that she was carrying his child. Kay Salvatore Cardinal lang naman daw niya isinuko ang kaniyang sarili kaya nakakatiyak si Nanay Dolores na isa talaga akong Cardinal.

Kaya naman hindi na nagawang makapagpaliwanag ang ama ko sa nanay ko. Hindi na niya nagawang linisin ang kaniyang pangalan at kinamuhian siya ng aking ina. Hindi na sa kaniya kailanman nagpakita si Nanay Dolores.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now