KABANATA 35

11.4K 512 129
                                    

KABANATA 35:

Ilaria POV

          GABI na naman pero hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Habang nasa sasakyan ako kanina ay nakita ko sa labas ng bintana na nasa ibang lugar nga talaga ako. Narito na talaga ako sa bansang Pilipinas dahil ibang-iba ang mga nakikita ko lalo na sa mga lansangan at nakatayong mga gusali.

First time kong makarating dito sa bansa kaya talagang naninibago ako. Ganito pala ang hitsura ng Pilipinas. Maraming mga sasakyan, mga nagbebenta sa bangketa at mga taong palakad-lakad sa lansangan kahit na gabi na. Mapababae man, o bata. Nakita ko pa nga kanina ang mga kalalakihan na naglalaro ng basketball.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghinto nitong kotse na aking sinasakyan. Tumingin ako sa labas, huminto ang sasakyan sa isang tapat ng gusali na hindi ko naman alam kung ano ito. Pero nakita ko ang mga taong nasa labas ng gusaling 'yon, mga humihithit ng yosi habang ang iba ay naglalampungan sa tabing gilid.

May malalanding naghaharutan, mayroon namang naghahalikan. Napataas pa nga ang kilay ko nang mapansin ko ang suot ng mga babae, sobrang ikli! Kahit babae ay naninigarilyo habang nakatayo sila sa isang gilid at tila may hinihintay. Hindi nga rin nakaligtas sa'kin ang isang babae na nakasuot ng maikling dress na nakatayo sa labas ng sasakyan at parang may kinakausap siya sa loob ng kotseng iyon.

"Baba," utos nitong Vince sa akin kaya nawala ang atensyon ko sa mga babaeng iyon.

Ngayon ko lang din narealize na nakababa na silang lahat sa sasakyan kaya naman bumaba na ako bago pa ako marahas na hatakin nitong Vince na 'to na masamang nakatingin sa akin. For sure ay mainit ang ulo nito sa'kin dahil sa ginawa kong paghampas ng vase sa ulo niya. He should be glad that he is still alive. Dahil kung may lahing demonyo lang ako, baka hindi lang siguro vase ang inihampas ko sa kanya.

"Let's go," rinig kong salita ni Rosales.

Inirapan ko lang ang babae niya dahil nakangisi ang lintek na babaeng 'to sa akin habang para siyang tuko na nakalingkis kay Rosales. May nginunguya pa nga siyang bubblegum, as if naman na maiinggit ako sa kanya.

Nagsilakad na sila kaya nagpatangay na lang ako nang hatakin na ako ni Vince papasok sa building na pinaghintuan namin. Ang mga taong nasa labas ay agad na napatingin sa'min, halatang nagtataka sila kung sino kami. Inangat ko ang tingin ko para tignan ang gusaling ito. May umiilaw na letra sa itaas 'non, pangalan yata ito ng building na 'to.

Spice Strip? What does this mean?

Mayroon namang lalaki na may malaking katawan at may mga tattoo pa ang nagbabantay sa labas nitong gusali. Mukhang kilala niya si Rosales dahil tumango ang lalaking 'yon at pinapasok sila.

Sumunod naman kami at pagpasok namin sa loob ay bumungad sa akin ang medyo may kadiliman na pasilyo. May kaonting liwanag pa naman, subalit mahinang liwanag naman ang binibigay nito sa paligid.

Sa pasilyo na nilalakaran namin ngayon ay may mga tao rin, kapwa mga naghahalikan. Napangiwi pa ako nang makita ko na may gumagawa na ng milagro rito! The fuck?!

Kitang-kita mismo ng dalawa kong mata 'yon! Nakatayo sila, nakasandal naman ang likod ng babae sa pader at tila sarap na sarap pa. The man pounded himself on that girl who was moaning loudly. They are having sex, my ghad! Mabuti na lamang ay nakasuot pa sila ng damit kaya hindi ko 'yon nakita.

Jusko! Ano ba itong building na ito? Ano 'tong nakikita ko?! Naririnig ko rin na may mahinang tumutugtog. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon pero medyo nakakaindak ang naririnig kong tugtog at habang naglalakad kami ay palakas ng palakas ang naririnig kong tugtog.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora