KABANATA 7

11.6K 500 133
                                    

KABANATA 7:

Ilaria POV

          NAKANGITI ko lang na pinagmasdan saglit si Lorenzo na ngayon ay kasalukuyan na nakahilata sa tabi ko at nakatuon lang ang kanyang buong atensyon sa pinapanood niyang cartoons sa TV. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Rosales at nakahiga sa kama.

Ang bahay nila ay malapit lang rin naman sa flower shop nila at walking distance lang naman iyon. Medyo napatagal-tagal pa ang pakikipag-kwentuhan ko kina Mrs. Marcello bago kami dumiretso dito ni Rosales sa bahay nila para tumambay dito.

Hindi naman kasi kami pu-pwedeng gumala-gala ni Rosales sa labas o magpakampanteng kumain sa mga restaurant dahil baka may makakilala sa akin o 'di kaya'y may tauhan si Kuya Samael na nasa labas rin at makita pa ako.

Mahirap na kaya mas mabuti na rin yung nag-iingat kami. Marami pa namang tauhan sila Kuya Samael. Malaki ang organisasyon nila kaya tiyak na may marami-rami rin silang mga tauhan na nasa tabi-tabi lang.

Nawala ang atensyon ko kay Lorenzo at mabilis na bumaling ang tingin ko kay Rosales nang lumabas siya sa banyo na bagong ligo. Halatang fresh na fresh siya subalit mabilis naman akong napaiwas ng tingin nang marealize kong trunk shorts lang ang tanging suot niya at wala pa siyang damit pang-itaas kaya nakita ko ang kanyang mga abs.

Hindi ko tuloy mapigilan na pag-initan ng mukha dahil kahit na halos anim na buwan na kaming may relasyon ay ngayon ko lang nasilayan ang kanyang magandang katawan lalo na ang mga nagtitigasan niyang abs.

My ghad! Hindi ko akalain na seksi rin pala itong boyfriend ko! Oo nga't alam kong may matikas siyang pangangatawan dahil kitang-kita naman iyon sa kanya pero hindi ko akalain na ganito pala siya kaseksi at ka-hot.

Hindi na ako magtataka, former varsity player kasi siya sa school nila noon at mahilig siya sa sports kaya ganito na lang kalaki ang kanyang katawan. Paniguradong alagang-alaga rin niya ang sarili niya sa gym. Gwapo na nga, matalino at hot pa. Aba'y ang swerte ko naman yata dahil ako ang nakasungkit sa kanya!

"Nagugutom ka ba, my princess?" rinig kong katanungan niya bago siya lumapit at nahiga rin sa tabi ko.

Tumingin naman ako kay Rosales.

Nakahinga ako ng maluwag dahil may suot na siyang damit pang-itaas. Nakakahiya naman kung makita na lang niya bigla ang pagtulo ng laway ko dito kapag binalandara pa niya sa harapan ko ang maganda niyang katawan. Nginitian ko lang rin siya nang humalik pa siya sa pisngi ko bago mabilis na pumulupot ang malaki niyang braso sa beywang ko at siniksik ang kanyang sariling katawan sa akin.

"Hindi pa naman," nakangiti kong sagot sa katanungan niya.

"Maya-maya ipagluluto kita ng pagkain okay? But give me time to hug you first, sobrang namiss ko kasi ang maganda kong girlfriend eh.." aniya at sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko dahilan para matawa ako ng mahina.

Ramdam ko rin sa higpit ng yakap niya na namiss nga niya ako. Kahit ako rin naman ay sobra ko siyang namiss. Madalang lang kasi talaga kaming dalawa na magkita kaya naman ganito na lang kahigpit ang pagkakayapos niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng kiliti nang amoy-amuyin pa nitong gwapo kong boyfriend ang leeg ko.

Damang-dama ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko na naging sanhi rin para makaramdam rin ako ng kakaibang kiliti sa puson ko. Feeling ko ay parang may mga paru-paro ang nagliliparan sa puson ko, animo'y nagdiriwang.

"Stop, nakikiliti ako." saway ko sa lalaking 'to at mahina ko pa siyang hinampas sa maskulado niyang braso.

"But I can't help it, my princess. It's really addictive to smell your scent. I miss your hug, your smell as well as your kiss. Teka, hindi mo man lang ba ako bibigyan ng kiss?" turan niya na parang isang bata na tila nanghihingi ng candy. Ngumuso pa ang loko sa harapan ko kaya mahina akong napabungisngis.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now