KABANATA 22

13K 540 186
                                    

KABANATA 22:

Ilaria POV

          TAHIMIK ko lang na sinulyapan si Kuya Samael. He was also silent as he took off his rolex and placed it on the bedside table before unbuttoning his clothes and going straight into his walk-in closet. Siguro ay magpapalit na muna siya ng damit bago kami mag-usap.

I am here in his room and I will sleep here for the time being. Ipapalinis pa kasi ni Kuya Samael ang kwarto ko para sa gayun ay makasiguro si Kuya na safe na akong makakatulog doon sa kwarto ko at para na rin makasiguro rin siya na wala ng spy camera ang nakatago sa kwarto ko.

Ayoko rin namang matulog doon sa kwarto ko, ngayong nalaman ko na may nanonood sa bawat galaw ko ay sobrang nagdulot sa akin 'yon ng trauma, matinding takot at kilabot.

I also felt uncomfortable when I found out that there was a spy camera in my room and that Luca who is my crazy stalker is watching me. I was unaware that somebody was watching me. That asshole! He put a hidden camera in my room to monitor what I was doing and it gave me a creepy, anxious and horrifying feeling.

I really felt a surge of anxiety, my goodness! Akala ko talaga ay napa-paranoid lang ako, 'yon pala ay tama nga ang pakiramdam ko na parang may palaging nakamasid sa'kin kahit na nasa loob lang naman ako ng kwarto ko.

I'm glad na hindi na niya ako ginugulo. Naka-block na ulit ang number niya pero buti na lang ay hindi na siya nagte-text sa'kin gamit ang ibang number. Marahil ay natakot siya kay Kuya Samael at kapag nalaman ni Kuya kung sino ang Luca na 'yon, tiyak na may kalalagyan ang walanghiyang lalaking 'yon!

I checked Kuya Samael's digital clock on his bedside table, it was past one o'clock in the morning but we are still awake. Hindi pa naman ako inaantok sa kadahilanan na may kailangan pa kaming pag-usapan ni Kuya Samael.

Mag-uusap pa kami ng masinsinan tungkol sa'min ni Rosales. Pasalamat na lang ay linggo at wala akong pasok kaya okay lang kahit na late na akong makakatulog nito.

Kasalukuyan ko lang din siyang hinihintay habang walang imik akong nakaupo sa dulo ng kama niya at nakasandal naman ang likod ko sa headboard. Ngayon palang ay iniisip ko na kung paano ko maayos na mae-explain kay Kuya ang lahat-lahat. Hindi naman siya galit sa'kin kaya kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nadarama rito sa dibdib ko.

But I know that I should still explain and apologize to him. Hindi kasi ako sumunod sa kung ano ang usapan naming dalawa. Hindi ako nakinig at sinuway ko siya.

"Why don't you drink your milk?"

I was startled a little when I heard Kuya Samael's deep voice. I raised my head to look at him, he wasn't wearing anything except his pajamas so I could clearly see his big muscular body, especially his tattoos. Talagang malinaw kong nakikita 'yon kahit pa na tanging nakasinding ilaw lang dito sa kwarto niya ay ang kanyang bedside lamp.

Napalunok pa muna ako bago ako nag-iwas ng tingin dahil baka mapatulala pa ako sa angking kagandahan ng kanyang pangangatawan at baka mapatitig din ako sa kanyang nagtitigasan na abs.

Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang isang basong gatas na talagang tinimpla pa niya para sa'kin. Tahimik ko lang itong ininom at nang maubos ko na 'to ay saka ko lang itong maingat na nilapag sa bedside table.

"When did you start dating him?" rinig kong mahinahon na pagtatanong ni Kuya sa'kin.

"Last year lang, Kuya. 'Nong second year college na ako at two months akong nag-aral sa school bago mo ako ulit pinag-homeschool.." sagot ko sa kanya.

"Really? Paano mo naman siya nakilala? How did he court you?" he asked again.

Nakatalikod siya sa akin pero napansin ko na nagsasalin siya ng alak sa baso niya. Agad naman niyang nilagok 'yon bago siya ulit nagsalin ng alak sa kanyang baso at humarap sa akin.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now