Epilogue

17.1K 570 215
                                    

Epilogue

Ilaria POV

          WHAT is the best and most beautiful thing that happened in your life in this world? For me, meeting him and having a child was the best thing that happened in my life that I will never forget. Lalo na ang makasama siya na bumuo ng isang masayang pamilya at siya ang kasama kong humarap sa altar.

Humarap para mangakong mamahalin at hindi namin iiwanan ang isa't-isa. Sa hirap at ginhawa --- si Samael Lazarus.

Ang aking Mafia husband.

A Mafia that is ruthless and cruel to others, but a very softhearted person, compassionate, affectionate, unselfish and modest man when it comes to his family. A Mafia that loves me and is willing to protect me even if it costs his life.

Hindi lang naman 'yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, marami pa. Pero ang pinaka-best sa lahat ay 'yung marami rin akong natutunan at dahil iyon sa lalaking minahal ako ng buo.

I became more confident, who works hard for my dreams especially for my family. Masasabi kong maswerte ako kay Samael dahil hindi lang niya ako minahal, prinotektahan at inalagaan. He also thinks about our future and he also prioritizes me. Never nagbago si Samael kaya iyon ang ipinagpapasalamat ko. Walang nagbago sa kaniya. Kung paano ko siya nakilala noon ay gano'n pa rin siya.

Sa totoo nga lang ay mas minahal pa niya ako, mas naging sweet siya at mas lalo rin niya akong inalagaan, pinagsilbihan at iningatan na parang isang mamahalin at babasagin na gamit. He never tried to hurt me, emotionally or physically.

Kung mayroon man kami na hindi napagkaka-unawaan o hindi napagkaka-sunduan ay pinag-uusapan namin ito agad. Hindi na namin ito pinapatagal 'pag may araw na nagtatalo kami. Agad kaming nagkakabati.

Ganoon naman siguro kapag mag-asawa, nagkatampuhan man ay dapat nag-uusap agad kapag may problema sa isa't-isa. Pero 'pag kami ni Samael? Bihira lang kaming magtalo. At ang madalas naming pagtalunan ay kapag masyado siyang busy sa trabaho.

Minsan ay hinahanap-hanap ko pa ang presensya niya lalo na no'ng panahon na nagdadalang-tao ako. Naging abala kasi siya that time at dahil buntis ako, inaakala ko na babae ang tinatrabaho niya which is hindi naman.

Dinadahilan ko lang talaga 'yon na kesyo may babae siya kaya anong oras na siyang nakakauwi sa bahay at 'pag masyado na siyang busy sa trabaho niya kaya nawawalan na siya ng time sa 'kin.

Loka-loka kasi ako, kaya ayon! Umuuwi siya agad para hindi ako mag-overthink. Minsan kapag hindi pa tapos ang trabaho niya ay umuuwi na siya at tinatapos na lang niya ang trabaho niya sa bahay.

Mas lalo rin kasing lumago ang negosyo niya kaya napapadalas na rin ang pagkakaroon niya ng business trip. As a pregnant wife, I really want to get his time, especially his presence. Gusto ko talaga na nasa tabi ko lang siya, nayayakap at nalalanghap ang kaniyang mabangong amoy.

Siguro nga ay siya ang pinaglilihian ko, siya talaga ang hinahanap-hanap ko. Madalas ay siya pa itong umuubos ng kinakain ko. Hindi ko naman alam na may pamahiin pala sila Nanay kaya 'pag si Samael ang umuubos ng natitira kong pagkain ay palagi siyang antok.

Bawal pala 'yon dahil may paniniwala sila na aantukin daw ang isang tao kapag kinain niya 'yung pagkain ng buntis.

Maselan nga talaga ako magbuntis tapos sensitibo pa dahil one time ay nagluto ako at hindi kinain ni Samael 'yung niluto ko sa kadahilanan na busog pa siya at pagod dahil galing siya sa trabaho kaya umiyak ako.

Syempre, nataranta naman siya at kinain niya ang pagkaing niluto ko kahit na busog pa siya. Pero dahil may sapak yata ako sa utak kaya halos magdamag akong umiyak at hindi ko siya kinakausap.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now