KABANATA 34

11.2K 470 120
                                    

KABANATA 34:

Ilaria POV

          PANANAKIT ng ulo, iyon agad ang una kong naramdaman nang maidilat ko ang dalawa kong mata. Napaigik ako sa sakit habang sapo ko ang aking ulo. Hinilot ko rin ang sentido ko habang humahagod ang tingin ko sa buong paligid ko.

Shit! Nasaan ba ako?

Hindi sa'kin pamilyar itong kwartong kinaroroonan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama at narito sa isang kwarto na malinis at maganda namang tingnan. This is not my room, at sigurado ako roon. Ngunit naalala ko naman bigla ang mga nangyari kaya mabilis akong napabalikwas ng bangon sa kama.

Oh ghad! Where am I?! Saan nila ako dinala?! Naalala ko nga pala na kinidnap ako nila Rosales at pinalabas nila kay Samael na nakipagtanan ako sa kanya! Sumagi rin sa alaala ko 'yung ginawa nila sa'kin, ang pagturok nila sa akin ng injection hanggang sa makadama ako ng hilo at bigla na lang akong nawalan ng malay.

Dali-dali akong umalis sa kama at nilapitan ang bintana na may grills. Wala akong ibang nakita sa labas kundi ang mga nagtataasang mga puno at mga mahahabang talahib ng mga damo. Jusko! Saan ba nila ako dinala?! Ano bang lugar ito?!

Umalis ako sa bintana at nagtungo naman ako sa pintuan na nakasarado. I tried to open it but it won't open. Hindi naman naka-lock ang doorknob pero ayaw pa rin nitong bumukas kahit na itulak ko pa ang pinto. Sa tingin ko ay nilock nila ang labas para hindi ako makalabas.

"Shit! Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko bago ko malalakas na pinaghahampas ang pintuan dahil sa hysterical.

Kinalampag ko ito ng malakas, baka sakaling may makarinig sa akin sa labas. Muli akong lumapit sa bintana at doon ako nagsisigaw para humingi ng saklolo. I hope someone will hear me and help me get out of here.

Hindi ko alam kung anong oras na ba at kung ilang oras din akong walang malay. Maliwanag pa naman sa labas, pero mukhang napahaba-haba ang pagkakatulog ko dahil napansin ko na papalubog na naman ang araw. Magtatakip-silim na naman.

Pero natigilan ako sa pagsisigaw ng saklolo nang may maalala na naman ako. Oh shit! Dinala ba nila ako rito sa Pilipinas?! Nandito na ba ako sa bansang Pilipinas at wala na ako sa bansang Sicily na kinalakihan ko?! Iyon ang huling naaalala ko bago nila ako turukan ng injection para siguro patulugin ako. Kaya pala naninibago ako sa atmosphere at sa klima rito.

Okay rin naman ako. Wala akong nararamdaman na kahit na anong sakit sa katawan. Gano'n pa rin naman ang suot kong damit, walang nagbago o nagkulang. Kaya sigurado ako na wala silang ginawang masama sa akin habang wala akong malay.

I was about to scream again for help when I heard heavy footsteps outside the door. Tinikom ko ang bibig ko at tumingin sa pintuan nang marinig kong huminto mismo ang yabag 'non sa tapat ng pinto.

Sunod ko na lang na narinig na tila may sinususian na padlock ang taong 'yon hanggang sa narinig ko ang kalansing ng kadena sa labas na animo'y tinatanggal.

Hindi ko alam kung sino ang taong 'yon, basta naghanap agad ako ng pu-pwede kong gamitin na armas laban sa kanya. Wala akong ibang nakita kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang babasagin na vase na nakapatong sa bedside table. Lumapit naman ako sa gilid ng pinto para maghanda sa pagpasok ng taong 'yun.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa vase, humugot din ako ng malalim na buntong-hininga nang bumukas na ang pintuan at humakbang papasok ang taong 'yon. Bago pa man siya makalingon sa akin ay hinampas ko na agad ang vase sa uluhan niya.

I have to get out of here! Walang mangyayari kung tutunganga lang ako rito at walang gagawin. Bahala na si Batman kung ano man ang mangyari!

Rinig ko ang pag-igik ng lalaking ito pati na rin ang malakas at malutong niyang pagmumura. Hindi ko siya kilala, isa siguro siya sa mga kasamahan ni Rosales.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now