KABANATA 32

12.4K 503 150
                                    

KABANATA 32:

Third Person's POV

          TAKOT at matinding galit, iyon ang bumabalot sa mga sandaling ito sa dibdib ni Samael. Nang malaman niya ang nangyari kay Ilaria ay mabilis niyang iniwan ang kanyang trabaho, umalis agad siya sa meeting niya kahit na hindi pa ito tapos. Fuck! Mas importante sa kanya ang dalaga kaya naman agad siyang nagtungo sa pinangyarihan ng pananambang.

"Fuck! Where is she?!" agad niyang itinanong nang makababa siya sa sasakyan.

Naabutan niyang naroon na ang ilan sa mga tauhan niya. Nabalitaan na lang niya na may isa sa mga tauhan niya na kasamang nag-escort sa dalaga pauwi ang tumawag kay Miano para humingi ng back-up dahil may mga grupo ng mga armadong lalaki ang tumambang daw sa kanila sa gitna ng kalsada. Kaya nagpadala agad si Miano ng mga back-up para i-rescue si Ilaria bago nito sabihin sa kanya ang totoong nangyari.

Hindi rin niya mapigilan na paulit-ulit na mapamura ng malulutong. Damn it! Lulan pa naman ng sasakyan na 'to si Ilaria! At kung sinuman ang mga grupo ng kalalakihan na 'yon ang may kagagawan nito ay sisiguraduhin niyang may kalalagyan sila. He will kill them!

"Don, wala po rito sa sasakyan si Signorina Ilaria.." sambit ni Miano sa kanya.

"Fuck! Then where is she?!" galit niyang singhal bago niya sinilip ang loob ng kotseng pinagsakyan ng dalaga.

Subalit wala siyang nakitang Ilaria roon. Tanging nakita na lang niya sa loob ay ang mga duguan niyang mga tauhan at pare-parehas na walang buhay. Ang driver nilang matagal ng nagtatrabaho sa kanila at palaging naghahatid-sundo sa dalaga sa tuwing aalis si Ilaria ay hindi na humihinga, nakasubsob na lang ang mukha nito sa manibela.

Pansin din ni Samael agad ang mga tama ng mga baril sa katawan nila, pati na rin ang mga bintanang nagkabasag-basag at mahahalata niya agad na pinaulanan sila ng mga bala. Nakakatiyak siya na pinagplanuhan ang pananambang. Pero bakit wala ang katawan ni Ilaria?!

"Shit! Wala rin siya dito sa kabilang sasakyan!" sigaw ng pinsan niyang si Palermo na siyang nag-check sa dalawang sasakyan na naka-convoy sa kotseng sinakyan ni Ilaria.

Samael cursed sharply. Hindi talaga niya mapigilan na mag-alala ng sobra kay Ilaria. Nasaan siya?! Did they take her?! Fucking shit! Hindi na tuloy alam ni Samael ang gagawin niya. Napasabunot na lang siya sa sarili niyang buhok dahil sa galit.

"Have you checked everything?! Try to check the whole area! S..She might run away p..para hindi siya makuha! Also check if any of our men are still alive, para malaman natin kung saan nagpunta si Ilaria o kung kinuha ba siya!" seryoso niyang utos sa mga tauhan niya.

Sinusubukan din niya na huwag mataranta sa mga nangyayari. Ang tanging nasa isip lang niya ngayon ay ang makitang ligtas at buhay ang dalaga, na sana walang masamang nangyari sa kanya.

Umaasa rin siya na sana hindi ito kinuha ng mga armadong mga lalaki, hinihiling niya na sana nakatakas si Ilaria at tumakbo lang ito para iligtas ang sarili.

The heck! He couldn't help but blame himself, it was his fault fuck! Kung sana siya na lang ang naghatid pauwi sa dalaga, edi sana ay payapa itong nakauwi sa Mansyon nila.

"What are you waiting for?!" galit niyang sigaw sa mga tauhan niya nang mapansin niyang hindi sila agad kumilos para gawin ang pinag-uutos niya.

"Check the fucking whole area! She might just be around! Check if any of our men are still alive para makakuha tayo ng impormasyon kung sino ang nanambang sa kanila at kung nasaan ang asawa ko!" dumagundong ang malaki at nakakatakot niyang boses kaya nagulat at tila natauhan ang mga kasama niya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang