KABANATA 15

12.7K 473 184
                                    

KABANATA 15:

Ilaria POV

          DAHIL sa black rose na 'yan kaya hindi ako agad nakabalik sa tulog. Palaisipan talaga sa'kin kung kanino galing ang bulaklak na 'yon at kung paano 'yon napunta sa kwarto ko. Natatakot ako at syempre kinikilabutan kaya naman naisipan kong doon na lang ako sa kwarto ni Kuya Samael nakitulog muna.

Iniisip ko pa nga lang na may nakapasok sa kwarto ko ay nagtataasan na ang mga balahibo ko sa sobrang kaba at takot. Dalawang oras nga lang ang naitulog ko at pagkagising ko ay agad kong sinabi kay Kuya kung bakit sa room niya ako natulog at syempre nabanggit ko na rin sa kanya ang tungkol sa black rose na nakita ko sa aking bedside table.

Kaya naman nagpa-imbestiga na agad si Kuya Samael. Inutusan na niya ang mga tauhan niya at pina-check na rin niya sa mga kuhang CCTV footage kung mayroon ba'ng nakapasok sa kwarto ko, o kung ang magnanakaw na lalaki kagabi ang pumasok sa kwarto ko. Nagpapasalamat nga ako dahil maraming mga CCTV camera rito sa buong Mansyon.

And that's him. Sapul sa kuhang CCTV footage na ang lalaking magnanakaw na 'yon ang pumasok sa kwarto ko. Naka-lock ang pinto ng kwarto ko at wala rin siyang susi.

But dang! He managed to unlock the doorknob with just a small object and inserted it into the keyhole. Pumasok siya habang tulog ako at siya lang din ang pumasok sa loob ng kwarto ko --- wala ng iba pa.

Kaya naman wala kaming ibang sinisisi kung sino ang nag-iwan ng black rose na 'yon sa bedside table ko kundi ang lalaking magnanakaw lang na iyon. Wala rin naman nakita sa CCTV footage kung meron ba'ng umakyat sa balkonahe ng kwarto ko.

At mas lalong wala akong ideya kung ano ba talaga ang pakay 'nong lalaking 'yon. Kung sinadya niya ba talagang magnakaw o may iba pa siyang dahilan dahil after niyang pumasok sa kwarto ko ay saka siya dumiretso sa room ng magulang namin.

Doon niya isinagawa ang pagnanakaw ng mga nakatagong alahas ni Mommy hanggang sa mahuli siya sa akto at hindi na nakalabas dahil sa tauhan ni Kuya Samael na nakakita sa kanya.

"Kumain ka na muna, hija."

Napabaling ang atensyon ko kay Manang Aming. Nilapag lang niya sa lamesa ang mga niluto niyang breakfast. Kasalukuyan din akong narito sa pool pavilion dahil si Kuya Samael ay kasalukuyan siyang naroon sa office library niya at may nagaganap na meeting.

Dumating din si Kuya Palermo at tiyak na pinag-uusapan nila ang nangyari kaninang madaling araw. Hindi ko pa nga nakakausap si Kuya dahil gusto ko siyang tanungin tungkol sa lalaking magnanakaw na 'yon.

"Salamat po, manang. Nag-abala ka pa. Hindi mo naman po kailangan na ipagluto ako ng almusal. Bisita ka kaya namin ni Kuya Samael," sambit ko at ngumiti.

Mahina siyang tumawa, "Naku, hija. Hayaan mo na lang ako na pagsilbihan kayo ng Kuya Samael mo. Malakas pa naman ako kahit may edad na ako," aniya kaya natawa lang din ako.

"Pasensya na po kayo, manang. Hindi po namin kayo masyadong naaasikaso ni Kuya Samael." hingi kong paumanhin sa kanya.

Nandito siya para sa birthday party ko at para na rin makapag-bakasyon siya rito kahit mga ilang araw lang. Pero hindi namin siya magawang maasikaso ni Kuya dahil una, busy ako para sa pagho-homeschool ko.

Tapos si Kuya naman ay abala sa trabaho niya. Idagdag pa na may nangyayari rito sa Mansyon. Iniisip pa nila Kuya Samael na baka hindi lang basta pagnanakaw ang sadya 'nong lalaking naglakas-loob na magnakaw.

"Huwag niyo akong isipin, hija. Ayos lang naman ako rito at gusto ko na pagsilbihan ko kayo, na tulungan kayong magkapatid. Hindi naman ako nagrereklamo, gusto ko ito kaya hayaan niyo na lang ako na magkilos-kilos dito sa bahay, okay ba 'yon?" mahabang saad ni Manang.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now