KABANATA 21

12.4K 497 167
                                    

KABANATA 21:

Third Person's POV

          SAMAEL'S jaw clenched tightly. Mariin din na napayukom ang kamao niya sa sobrang inis at galit, subalit hindi niya iyon ipinahalata sa dalaga. Ayaw niya na matakot si Ilaria sa kanya kaya hangga't maaari ay pakakalmahin niya muna ang kanyang sarili at hindi magpapadala sa kanyang nararamdaman.

Wala rin naman kasi siyang karapatan na magalit. Wala rin namang mangyayari kung pangungunahan siya ng galit. But he couldn't deny the fact that he felt jealous and annoyed.

Wala siyang kahit na anong imik nang sundan niya ng tingin si Ilaria nang tumalikod na ito. Bakas din sa dalaga ang kalungkutan bago ito nagtungo sa kanyang office library kasama ang Tita Maribel nila habang ang Tito Avenido naman nila ay umalis para asikasuhin ang mga bisita.

Samael sighed and irritatedly removed his masquerade mask. Hindi na lang din niya pinagtuonan ng pansin ang mga kababaihan na napapatingin sa kanyang gawi at kinikilig pa. He doesn't care about anyone, he only cares about Ilaria.

"Wow, this is unbelievable. Hindi ko akalain na may boyfriend na pala si Ilaria.." rinig niyang bulalas ni Palermo.

Napa-tsk na lamang si Samael bago niya matalim na tinignan ang lalaking 'yon. Walang iba kundi ang nobyo ni Ilaria --- si Rosales Marcello. Ang private tutor ni Ilaria. And yes, he knows everything. Kung nakakamatay nga lang siguro ang masamang tingin ay baka nakabulagta na ang lalaking 'yon.

Mabuti na lang nasabihan na niya agad ang mga tauhan niya na huwag papalapitin si Rosales sa dalaga. At hindi rin naman siya makakapayag na magpatuloy ang pakikipag-relasyon ni Ilaria sa damuhong lalaking 'yon. Hindi lang dahil sa tumututol siya sa relasyon ng dalawa, kundi dahil na rin sa wala siyang tiwala kay Rosales.

Simula nang makita niya ito ay masama na ang kutob niya sa lalaking iyon. Iba rin ang paraan ng tingin at ngitian ni Rosales kay Ilaria na kanyang napansin agad. Hindi naman siya manhid para hindi siya makaramdam o makapansin.

Sadya lang talaga na wala siyang ibang choice kundi tanggapin si Rosales na maging private tutor ni Ilaria at that time ay wala pa siyang ideya o kaalam-alam na magkakilala pala ang dalawa at worst ay mag-boyfriend girlfriend na pala sila.

Hindi niya akalain na makakapasok sa pamamahay niya ang lalaking 'yon na karibal niya pa. Pero ngayong alam na niya ang totoo, pwes hindi siya basta uupo lang sa isang tabi at hahayaan na magpatuloy ang relasyon nila.

Ang hindi lang niya matanggap ay tinago ng dalaga sa kanya ang totoo. Nagsinungaling si Ilaria sa kanya. She hid from him that she had a boyfriend. Fuck! May usapan pa naman silang dalawa, pero hindi sumunod si Ilaria.

"Teka nga lang, alam mo ba ang tungkol dito? Bakit hindi ka man lang nagulat nang sabihin ni Ilaria na may boyfriend na siya?" pagtatanong ni Palermo sa kanya.

Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. Bakit naman siya magugulat kung alam na niya ang totoo bago pa man sabihin ni Ilaria sa kanya na may nobyo na siya?

"Yes, alam ko na may boyfriend si Ilaria." seryoso niyang sagot sa kanyang pinsan.

"What the? Alam mo?! Paano? At saka sino naman ang boyfriend niya? Nakita mo na ba? Kakilala mo?" bakas sa boses ni Palermo ang hindi makapaniwalaa.

"That guy," tipid niyang sambit habang malamig siyang nakatingin sa direksyon ni Rosales na ngayon ay nagpupumilit na kumawala dahil hawak na siya ng mga tauhan niya.

Hindi niya hahayaan na makalapit siya kay Ilaria. He couldn't trust him. Iba talaga ang kutob niya sa lalaking 'to. Sinundan naman ng tingin ni Palermo kung saan siya nakatingin at nakita niya ang lalaking hawak-hawak ng mga tauhan niya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora