KABANATA 42

13.6K 545 143
                                    

Warning: SPG! Read at your own risk.

KABANATA 42:

Ilaria POV

          HINDI na ako nagpaligoy-ligoy pa, lakas-loob kong nilapit ang mukha ko sa kaniyang gwapong mukha at masuyong kinantilan ng halik ang kaniyang malambot at namumulang labi.

Pansin ko na medyo nagulat si Samael sa ginawa ko, hindi niya siguro inaasahan na ako ang unang hahalik sa kaniya. Sabagay, madalas kasi na siya ang nauunang humahalik sa akin, siya itong madalas talaga na humahalik sa labi ko o kahit sa noo at pisngi ko.

Minsan nga ay basta na lang niya akong ninanakawan ng halik. Pero this time, ako ang unang humalik sa kaniya dahil iyon ang gusto kong ibigay na gantimpala sa kaniya.

"That's your reward dahil hindi ka tumigil sa paghahanap sa 'kin.." nakangiti kong sabi sa kaniya nang maghiwalay ang aming labi.

Unti-unti namang gumuhit ang matamis niyang ngiti. Malawak na ngayon ang pagkakangiti niya na animo'y nanalo siya sa lotto. Nakakahawa ang ngitian niya kaya pati ako ay lumapad din ang aking pagkakangiti. Mas lalo siyang nagiging gwapong tignan kapag nakangiti siya ng ganyan.

"Iyon lang? Halik lang?" tanong niya na para bang nanghihingi pa siya ng iba bukod sa iginawad kong halik sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng isa kong kilay, "Eh ano ba ang gusto mo? Hindi pa ba sapat 'yung kiss ko?" natatawa kong katanungan sa kaniya.

Mahina lang ang boses naming dalawa dahil iniiwasan namin na huwag maistorbo sina Nanay Dolores na natutulog lang sa kabilang kuwarto.

Ayoko rin naman na magising namin ang mga bata kaya hangga't maaari ay hinihinaan lang naming dalawa ang aming mga boses. Halos pabulong na nga lang kami kung mag-usap.

"Your kiss is enough, but I want something more from you, my little kitty. More than your kiss.." nakangisi niyang sabi kaya lalong napataas ang isa kong kilay.

He wants something more from me?

Ano naman kaya 'yun? Bumuka ang bibig ko at magtatanong na sana ako kung ano ang tinutukoy niya pero hindi ko na natuloy dahil mabilis niyang nilapat ang kanyang labi sa labi ko at siniil ako ng halik.

Isang halik na halos magpatunaw sa akin. Isang halik na gustong-gusto kong tikman palagi, halik niya na nagbibigay sa akin ng mga paru-paro rito sa aking puson.

Magaan lang ang kanyang halik, sapat na para tugunin ko iyon at gantihan ang masarap niyang halik. Parehas din kaming dalawa na wagas kung makangiti habang naghahalikan.

My ghad! Sobrang lambot talaga ng labi niya, ang galing pa niyang humalik. Talagang nadadala niya ako. Nakakawala pa sa sarili.

Wala akong ibang nararamdaman sa puso ko kundi ang labis na kasiyahan. Sobrang saya ko sa mga sandaling ito. Hindi ko rin talaga kayang tiisin ang gwapong nilalang na ito lalo na ang kanyang masarap na halik.

Subalit habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang aming halikan. Nagiging mapusok na ito kahit banayad lang naman ang binibigay niyang halik sa akin.

His kiss is full of hunger.

I could feel it in his kiss and how his lips moved on mine. Ginagaya ko lang naman kung paano gumalaw ang labi niya. Until he bit my lower lip and his one hand started to travel on my body causing me to gasp.

Sinamantala niya ang pagkakataon, mabilis niyang pinasok ang dila niya sa loob ng aking bibig. I didn't even notice that he was already on top of me and my hands were wrapped around his neck to deepen our kiss. His tongue moved inside my mouth, as if he was looking for something until his tongue found my tongue.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now