KABANATA 45

13.5K 483 120
                                    

KABANATA 45:

Ilaria POV

          PANANAKIT ng katawan, iyon agad ang una kong naramdaman. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, feeling ako ay para akong binugbog ng sampung katao.

Ayoko rin na gumalaw at umalis sa pagkakahiga ko dahil bukod sa tinatamad akong bumangon ay parang iba yata ang timpla ng pakiramdam ko ngayon. Parang gusto kong humilata magdamag sa higaan at matulog.

Subalit may mainit at mabangong hininga akong nararamdaman na tumatama sa aking mukha. Ramdam ko rin na may matang nakatitig sa akin habang nakayapos naman ang malaki nitong braso sa beywang ko, pati na rin ang paghaplos niya sa aking buhok. At iyon ang dahilan para tuluyang magising ang aking diwa.

Inaantok ko namang idinilat ang aking mata para alamin kung sino itong umistorbo sa masarap kong tulog at ang una kong nabungaran ay ang gwapong nilalang na si Samael.

It looks like he's been staring at me and watching me sleep. Masuyo lang din niyang sinusuklay ang mahaba kong buhok gamit ang mga daliri niya sa kamay. Agad naman siyang napangiti nang mapansin niyang nagising ako.

Teka, anong oras na ba?

"Hey, gorgeous. You're awake." nakangiti niyang saad, "Kamusta ang pakiramdam ng aking magandang kuting?" he asked.

I just chuckled softly.

"Mhm.. I'm not feeling well. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Para akong nakipag-bugbugan.." mahina kong sagot sa kaniya na ikinatawa lang niya ng mahina.

Hindi talaga ako nagbibiro, masakit talaga ang katawan ko lalong-lalo na ang maselan na bahagi ng aking katawan. Ikaw ba naman ang diligan ng tatlong beses, hindi ka ba manghihina at malalantay na parang gulay?

I looked at his wristwatch that he was wearing because I wasn't wearing mine, I checked what time it was. Nakabukas kasi ang bintana rito sa kuwarto at pansin ko na madilim na sa labas. Pasado alas-siyete na pala ng gabi. Jusko! Napahaba-haba pala ang tulog ko!

Matapos kasi naming maligo ni Samael kanina, at syempre 'yung nangyaring mainit naming pagsasalo sa loob ng banyo ay agad akong dumiretso sa kuwarto para sana magpahinga.

Pero hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako matapos kong magbihis at makapagpatuyo ng buhok.

"Sorry.. I just can't help myself. I really want to make love with you over and over and tirelessly." sagot niya at matamis na ngumiti, "Ang tagal kong nagtiis, kaya sinulit ko na para makasiguro ako na wala kang kawala sa 'kin.." dagdag niya pa kaya nahampas ko ng mahina ang kaniyang malaking braso.

"Gabi na pala.. napasarap yata ang tulog ko.." sambit ko para maiba naman ang topic namin at baka kung saan na naman mapunta ang pag-uusap naming dalawa.

"And you also have a high fever.." he said.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Ako? May lagnat? Mabilis kong kinapa ang noo at leeg ko para i-check ang aking body temperature. Mainit nga ako at nilalagnat. Kaya pala paggising ko kanina ay iba na ang pakiramdam ko, 'yun pala ay lalagnatin ako ngayon.

Nahagip pa ng dalawa kong mata 'yung itim na planggana at puting towel na nakapatong sa lamesita. Siguro ay ginamit iyon ni Samael para punasan ang aking katawan, para sa gayun ay bumaba ang aking lagnat.

"Pinag-alala mo ako, akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. You even skipped your breakfast. Kaya ginigising kita kanina para makakain ka pero masyadong malalim ang tulog mo at ayaw mong magpagising. Pati si Nanay Dolores ay nag-alala sa 'yo, inakala niyang may pilay ang paa't balakang mo dahil ang sabi mo sa kaniya kanina ay nadulas ka sa banyo kaya paika-ika ka maglakad.." mahaba niyang sabi.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon