Chapter 1

28.2K 421 13
                                    

Twelve seconds left, last quarter... Score 89-91 in favor to Sta. Rosa... Inbound by jersy number 3 of Batang Shell... Quick cut made by Lopez... Bounce pass from jersy number 3 to number 19, Lopez... Double team by Sy and Dela Cruz of team Sta. Rosa... "Mukang walang mapasahan si Lopez..."

"Will he pass the ball or drive and make a desperation shot partner? This is very difficult time for Lopez because two of the most defensive player of team Sta. Rosa are guarding him right now. What can you say partner? Good tactic of coach Larry huh". Yan ang naririnig ko na usapan ng dalawang Commentator habang nakaipit ako sa dalawang player. Sheeet kailangan ko makaalis kundi tatawagan ako ng 5 seconds violation.

Very critical ang mga sandaling ito sapagkat ito na marahil ang huling opensa namin para maka-tie or mailamang ang laban.. Last quarter na kasi ito at less than twenty seconds nalang ang natitira sa oras.

Shot clock: Last 12, 11, 10, 9 seconds. "Mukang humahanap ng papasahan si Lopez" sabi ng Announcer/Commentator.

Umikot ako para i-pass ang bola sa tagiliran at sakto! Sumunod ang dalawang naka double team sakin. Naiwan ko sila nang halos isang metro at pagkakataon ko na ito para makagawa ng play. Nag-crossover dribble ako papuntang 19 foot three-point line para mas makita ko kung saan ang pwesto ang apat ko pang natitirang team mates... Si Cruz na sentro ng team ay nasa bandang ilalim ng backboard. Almost impossible na makarating ang bola sa kanya unless mas lalapit pa ako sa loob. Pero. pero wala na akong time para gawin yon. Si Fronda na forwad/guard ng team ay guarded naman sa bandang kaliwa. Delikado kung ipapasa ko sa kanya.
Yung dalawang natitira sa team nakapasok sa loob ng court ay. never mind nalang. "Props lang naman sila sa loob..."

Shot clock: Last 9, 8, 7, 6 seconds...

Wala na akong magawa kundi i-shoot ang bola kahit na halos isang metro pa ang layo ko sa labas ng 19-foot line... Napansin ko na hinabol ako ng forward ng kalabang team galing sa loob ng front court. Alam nya marahil na ibabato ko ang bola from three-point line. No choice.

I jumped into the air using all of my power and nang matanaw ko ang butas ng ring I released the ball quikly with finely tuned hand-eye coordination. Sa mga oras na ito feeling ko nasa akin ang spirito ng idol kong si Michael Jordan. haha lakas!

Shot clock: Last 6, 5, 4, 3 seconds... Priiiiit. Foul ang tawag ni ref.

Kapooook! Sheeeet tinamaan ako sa left shoulder. Aray. Nahagip pala ako ng defense.

**** bumaliktad ata ang mundo. Nakahiga na pala ako at may nakadagan pang bakulaw.

"Pre ano ba yun? Wala naman sakitan... Laro lang to..." Malakas ang aking tono habang sinasabi ko ang mga linyang yon.

Hinawi ko sya at tumayo. nakita ko na dali-daling nagsilapitan ang mga team mates ko na nasa bench.

"Ref it was an intentional foul!" Complain ko. Takot lang kasi ako na ma-hard foul at magkaroon ng serious injury at baka yun pa ang maging dahilan ng pagtigil ko sa basketball. Natatakot ako na mangyari yun. Basketball is my life.

Hindi ako sinagot ng referee... Medyo badtrip talaga ako pero okey narin kesa walang foul... Kapag intentional foul kasi, may bonus throws ka plus sa inyo pa ang bola.

"Mark Mark..." Tawag ni coach..

"Tama na yan, baka i-technical pa tayo.Yari tayo pang nagkataon. Teka okey ka lang ba?" Dagdag pa nya.

"Okey lang coach... " Sambit ko.

Mark kahit dalawang puntos lang ang ipasok mo, ayos lang. Para maka-extension tayo.

"Foul jersy number 27, Bautista..." sabi ni announcer/commentator.

Nakita ko na sumenyas na si ref kaya lumabas na sila coach sa loob ng court.

Inahale. Exhale. Sinusubukan kong ikondisyon ang sarili ko.

"Sheeeet nasa kamay ko ang panalo ng team..." Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Kabado ako sheeet..." Nag-umpisa na ako maglakad papuntang free-throw line. This time nasa akin ang attention ng lahat. Para akong nasa isang malaking spotlight.

Binigay na ni ref ang bola. Umapir muna sakin ang dalawa kong team mates na nasa opposite sides. Naka-pwesto na para sa screen and rebound in case hindi pumasok ang bola. Pumito na si ref senyales na dapat ko nang i-shoot ang bola sa loob ng limang segundo kundi. Mabibigyan ako ng violation.

Commentator: "First free-throw by Lopez...."

Yumuko na ako at nag-dribble... Unti-unting sumunod ang aking katawan pataas habang ang kaliwa kong kamay ang nagdala ng bola habang ang kanan  naman ay nakasuporta.

Plaaaaak... Hanep ringless men!

Biglang umingay ang audience... Nakakabingi... May mga humihiyaw ng pangalan ko. Lopez... Lopez... Lopez..

"First free-throw... good! Score 90-91" lamang parin ng isa puntos ang team Sta. Rosa sabi ni announcer/commentator.

Lumapit ulet *** dalawa kong team mates para umapir.

"Secod free-throw.... good! Dead-lock na po ang score!" Grabe ang taas ngg energy sa buong gym.

At this point medyo nabawasan na ang kaba ko kasi kahit na pumaltos ang huli kong free-throw eh sigurado parin na makaka-Overtime kame... OT or Overtime pala ang tawag sa 5 minute extension na binibigay sa dalawang team na may tie na score sa basketball.

Habang nagdi-dribble ako, napansin ko na lalong lumalakas ang sigawan sa side ng court kung saan ako nagpi-free throw. BOOOOOOH! Sigaw ng mga supporters ng kabilang team.

Bago ko ibato sa huling tira ko, sumagot naman ako sa kanila. Yun nga lang hindi BOOOOH kundi isang KINDAT. isang nang-iinis na KINDAT tapos isang nakakagagong NGITI. Pang-asar ko yun para naman kwits. Buti nalang at hindi nila ako kinuyog. hehe.

________________________________________________

2 hours after the game... Mr. Cheng's residence...

Sheeet lasshing na ata ako!

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang