Chapter 34

4.4K 129 9
                                    

Bumalik ulit ako sa higaan. Gusto ko pa sana matulog pero naputol yun dahil sa isang malakas na katok. Tumayo naman agad ako para buksan ang pinto. Si Cris pala.

"Breakfast na."

"Gisingin ko lang si Kevin. Sunod na kami agad."

Isang matipid na ngiti lang ang sagot niya. Agad din siyang umalis para bumaba.

After breakfast, nagsimula na kaming gumayak para sa aming kanya-kanyang lakad. Sila tita, diretso sa work. Sila kuya Alex sa Laguna naman ang byahe para umuwi. Si Cris may lakad daw, hindi nga lang namin alam kung saan. Kami naman ni Kevin, gagala sa Metro maghapon.

Ilang hindi ko pa napupuntahang lugar sa Manila ang aming pinuntahan. Para akong turista na namamasyal sa sariling bayan. Buti nalang may kasama akong tour guide, si Kevin.

Sa MOA na kami nagkita-kita nila tita, dun na kami kumain at pagkatapos ay tuloy na kami sa CCP para sa isang pagtatanghal. First time kong manunuod ng musical, hindi ko man hilig ang ganung palabas, excited parin ako. Wala lang. Maiba lang.

---------------------------------------------------------------

Ginising ako ng isang kalabit, mula yun kay Huget.

"Naman. Mark wag ka matulog."

Tumingin ako sa paligid. Gumala ang aking paningin 360 degrees.

Dumiretso ako ng upo, tumingin sa entablado... "Bravo... Bravo..." pumalakpak ako ng malakas, sunod-sunod.

Biglang nagtingan sa akin ang mga tao sa paligid, nabigla, mukang nagtataka lahat.

Inakbayan ako ni Kevin. Pasimple nya akong sinipa ng mahina sa paa. Nakalog ata ang utak ko. Nagising ata ang diwa ko. Sheet naalimpungatan lang pala ako!

Tumingin sa akin si Kevin, natatawa, hindi alam ang gagawin sa pagpipigil.

Umupo ako ng tuwid. Kinuskos ko ang aking mga mata. Inayos ko ang aking kwelyo. Takte nakakahiya!

"Mark pilitin mo. Wag ka mag-alala malapit natong matapos." hindi parin mawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Sabi ko na nga ba eh. Gagawa at gagawa ako ng eksena. Buset!

Malalim na ang gabi ng matapaos ang palabas. Sa wakas!

"Nagustuhan mo ba Mark?"

"Yes tita. Sobrang ganda po. Wala akong masabi."

Patago akong kinalabit ni Kevin. Minulagatan ng mata. "Loko ka Mark. Pano mo naman nasabi na nagustuhan mo eh ilang beses kang nakatulog." bulong nya sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin.

Umiling siya. "Iba ka talaga Mark. Wala akong masabi sayo." bulong ulit nya sabay ngisi ni loko.

---------------------------------------------------------------

"Mark samahan mo nalang si Cris sa bahay ha?"

Tumango ako. "Oo sige."

"Mark baka bukas na ako makabalik. Baka kasi umagahin na kami sa daan."

"No prob. Ingat nalang kayo sa byahe."

Nasira kasi yung sasakyan nila tita kaya iniwan nalang nila yun sa isang shop para ipagawa. Ihahatid ni Kevin ang parents nya sa Pampanga, kinakailangan kasi nilang sumagsag para umuwi dahil may hinahabol ang mga ito na mga ilang mahahalagang bagay sa Probinsya kinabukasan.

Hindi na kami nagpahatid kay Kevin. Sumakay nalang kami ng taxi para tuloy-tuloy na sila sa kanilang mahabang byahe. Dumaan muna kami ni Cris sa isang coffee shop malapit sa bahay. Hindi parin sya masyadong makwento. Kung ano ang dinaldal at kulit ni Kevin siya namang tahimik ng kanyang nakababatang kapatid. Ako lagi ang bumabangka ng kwento. After almost an hour ng puro ako, sa wakas nag-effort narin si loko.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن