Chapter 30

4.5K 129 2
                                    

Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko. Mas pipiliin kong hindi ko nalang makilala ang isang Kevin Huget sa buhay ko. Nagbago ang buhay ko, mas nagbago ang buhay nya. Nasasaktan ako ng sobra dahil nasasaktan ko sya.

Kung alam nyo lang kung gaano kabigat sa pakiramdam tuwing ako ay papasok na hindi sya kasama. Ang bagal ng pagdaan ng mga oras ko nung nawala sya sa buhay ko.

Nung mga unang araw, madalas kaming magkasalubong sa mga pasilyo ng eskwelahan. Lagi syang may kasama at ganon din naman ako. Kilala na ako ng mga kaibigan nya at ganon din naman sa akin kaya hindi maiiwasang magkabatian at konting kwentuhan kapag nagkakasalubong sa mga daan. Nagkaka-ngitian parin naman kami ni Kevin pero hanggang dun nalang. Madalas magtanong ang mga kaibigan namin kung bakit hindi na kami laging magkasama, nagtataka silang lahat pero hindi na namin yun pinapansin pa.

Dumaan ang mga araw. Akala ko magiging madali lang ang lahat pero hindi pala, nagkamali ako. Ang hirap pala magkunwaring kaya mo na. Ginawa ko ang mga dati kong gawi tulad ng pagsama-sama sa mga dating mga kaibigan, paminsan-minsang labas at inuman, pagpunta sa mga dating tambayan, bla bla bla...

Lumipas ang mga araw. Patuloy ko parin tinatahak ang napili kong landas, mahirap, mabagal pero pilit kong hinahakbang ang aking mga paa pasulong, hindi lumilingon sa kahapon.

*************************************************

Wa-epek ang ingay ng alarm clock sa akin. Hindi ako nagising sa paulit-ulit na pag-iyak ng alarm. Marahil ay dahil narin sa sobrang puyat na dulot ng nagdaang gabi. Hindi na naman kasi ako nakatulog agad dahil sa kakaisip ng kung ano-ano.

Maaga naman ako nakarating sa school... maaga para sa next subject. Absent na naman ako sa first subject, may quiz pa naman kami dun. Kakausapin ko nalang siguro professor ko. Kailangan ko nga lang mag-isip ng magandang dahilan para makalusot.

Hihikab-hikab pa ako habang naglalakad pagpasok ng school. Marami akong nakitang mga kaibigan na nakatambay sa gilid gilid pero hindi ko sila nilapitan. Patay malisya lang ako kasi pag nagkataon matatambay lang ako kasama nila.

Nagpatuloy lang ako maglakad, mabagal, parang pagong sa kupad. Para akong naglalakad sa ilalim ng buwan.

"Psssssst."

Hindi ko nilingon. Ayokong tumambay.

"Psssssst."

Buset. Gusto kong pumasok! Hindi ko ulit nilingon.

"Hindi ka na namamansin."

Nasa likod ko na ang boses, malapit na sa akin. Hindi ko parin pinansin.

"Absent ka sa first subject mo."

Mas malapit na boses kaya mas nakilala ko ang kanyang tinig, pamilyar.

Huminto ako at agad nilingon ang likuran.

"Uy."

"Oh bakit para kang nakakita ng multo?"

"Uy Kevin."

"Tignan mo itsura mo. Haggard na haggard ka."

"May mga requirements lang akong tinapos kagabi." paliwanag ko.

"Hindi ako naniniwala." ngumiti sya, ang kanyang ngiting nakakagago.

"Loko good boy nato."

"Tamad nga lang."

"Loko hindi ah." napakamot tuloy ako ng ulo. "Bakit ka nga pala naglalakad?" dagdag ko.

"Madalang nako magdala ng kotse eh."

"Ha? Bakit?"

"Eh wala kana eh. Wala nakong kasama."

"Oh sige na alis nako. May gagawin pa ako."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now