Chapter 14

5.8K 165 10
                                    

Teka si Kevin nga ba yun? Bakit parang nagiba ang itsura nya? Nagpa-semi kalbo si loko pero mas bumagay pa sa kanya. Mas lalong naging malinis ang mukha nya. Mas lalong napansin ang magandang facial features nya. Sobrang daming tao pero lutang na lutang ang isang Kevin Huget. Isang tingin mo palang talagang makikita mo sya agad.

"Mark ano ba ginagawa mo jan?! Anong petsa na?!" galit na ata si coach. Hindi ako sumagot at Napako lang ang tingin ko sa kanya.

Sumenyas ang nakatitig na Kevin sa akin. Parang sinasabi nya na pumasok na ako sa loob ng court at wag sya alalahanin. Wala akong masabi kaya isang ngiti nalang din ang binalik ko sa kanya. Tumalikod ako at nagsimula na akong dalhin ng aking mga paa sa loob ng court. Bakas sa aking mukha ang kasiyahan na hindi ko talaga maexplain sa mga oras nayun.

Mainit na ang laban sa simula palang ng laro pero nanatili ako kalmado sa lahat ng pagkakataon. Focused ako sa game dahil alam kong may nagmamasid sa akin. Gusto kong magpakitang gilas sa kanya ngunit mukang hindi umeepekto ang game plan namin sa kalaban. Sobrang lakas nila at hindi man lang kami makalapit sa score. Alam ko sila ang nakaharap ng dati kong team sa quarter finals. "Hayaan mo Kevin igaganti ko kayo" sabi ko sa sarili ko.

Natapos ang first quarter ng hindi man lang kami nakadikit sa kalaban. 19 points vs 6 points ang score sa unang bugso ng game. Sa anim na puntos ng team apat dun sa akin. "Sheeeet ano ba to' wala akong magawa." Hindi pwedeng walang kahinaan ang team nato. Kanina pa palaisipan sakin kung paano tatalunin ang kalaban. Sa totoo lang no match talaga ang first five namin kung ikukumpara sa first five nila kaya hindi mailabas ni coach ang kahit isa man lang sa amin. "Mark ano na!"

Fifteen minutes break before mag-start ang second quarter. Nakaupo kami pabilog habang si coach ay nasa gitna dala-dala ang maliit ng white board para gumawa ng play. Nagulat ako ng biglang lumapit si Kevin sa bench. Takaw eksena si Kevin kaya pati mga tao sa paligid ay sinusundan sya ng tingin. Para syang celebrity na kahit anong gawin ay pagtitinginan at paguusapan. Agad naman sya nakilala ng mga kasama ko sa team habang papalapit kaya agad syang binati pero ang nakakagulat ay patay malisya lang ang loko.

Habang si coach ay abala sa pagsasalita, "Coach pwede bang hiramin si Mark saglit?" tanong ni Kevin. Nagulat ang lahat kahit ako nabigla.

"Ha?"

"Saglit lang, isosoli ko din." ang lakas ng dating nya.

Halata sa mukha ni coach ang pagtataka. Tinitigan ako ni coach, alam ko nagtatanong sya sakin kahit na hindi nagsasalita. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Sige ibalik mo din. Naghahabol kami." sagot ni coach.

Sabi nga ni TWZ na isa sa mga favorite lines nya, awkward. Naunang lumabas si Kevin sa court at agad naman akong sumunod. Walang kibuan habang naglalakad palayo sa crowd. Nang medyo malayo na kami sa ingay ng laban naramdaman kong unti unti syang bumagal sa paglalakad. Hindi ko na hinayaan na makalapit sa kanya at tumigil na agad ako. Kinakabahan ako sa mangyayari kasi seryoso ang tagpong yun. Marahil ay hindi ako sanay sa mga kinikilos ni Kevin. Humarap sya sakin at tinitigan ako ng seryoso sa mukha. Mas lalo pa akong kinabahan sa ginawa nya. Nagsimulang manlamig ang buo kong katawan. Feeling ko ay nasa mundo kami na dalawa lang ang tao. Wala ako marinig kundi ang pagkabog ng dibdib ko.

"Mark galingan mo."

Matagal bago ako nagsalita dahil hindi ko alam ang tamang isasagot sa kanya.

"Salamat Kevin."

"May kasalanan ka sakin." seryoso ang mukha nya.

"Sorry."

"Ilibre mo ako sa Jolibee mamaya. May mahalaga akong sasabihin ako sayo."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now