Chapter 49

3.8K 118 3
                                    

Naguguluhan ako... bakit naguguluhan nanaman ako? Isang daang libong  beses ko ng pinag-isipan ang dapat kong gawin, pero bakit ganon, bigo  parin ako na kalimutan siya.

Hay.

Tumayo ako.  Nagsinop-sinop. Nilinis ang kwarto kong nawalan ng bihis, na nahubaran  ng nagdaang gabi. Bugtong hininga. Napa-isip nanaman ako. Putek! Siya  nanaman ang naalala ko!

Kung napag-aaralan lang sana ang pinaka  mabilis na paraan upang kalimutan ang tulad niya, kahit saang eskwelahan  pa mage-enrol ako, kahit marami pang seatwork at homework papasukan ko,  maturuan lang ang bobo kong puso.

Binitiwan ko na kung ano man ang ginagawa ko nuong mga oras na 'yun.

Naligo  ako at nagbihis. Nagpabango ako ng sampung beses. Nagtooth brush, nag  mouth wash at nag-ahit ng balbas. Kahit para na akong tanga, makaalis  lang ako pansamantala sa mundo kung saan ko siya naaalala.

Dumaan din ako kay manong barbero hindi para kumuha ng kwento kundi para magpatabas ng buhok... para magpa semi-kalbo.

****

"Manong gwapo na po ba 'ko?" tanong ko, nakaharap ako sa malapad na salamin habang siya ay abala sa pag-alis sa aking patilya.

"Syempre naman." napapangiti pa si manong.

"Aakyat po kasi ako ng ligaw manong. Papasa na kaya ako? Ano, sa tingin mo?"

"Pasadong pasado ka bata. Kung ako ang liligawan mo, u-oo agad ako sayo."

Ganon sana. Lakas ni manong.

"Manong basketbolista karin ba?"

"Hindi. Bakit?"

"Basketbolita po kasi ako pero hindi ako ganyan kalakas mambola."

"Hindi bola yun bata."

"Sige sige sige po. Naniniwala napo ako sa inyo. May isang tanong pa ako manong."

"Ang dami-dami mo naman tanong bata."

"Last napo."

"Sige. Ano ba yun?"

"Kunwari  close tayong dalawa. Kunwari lang naman. Tapos bibigyan kita ng regalo,  anong regalo ang gusto mo? Nakuha mo ba manong? Basta parang tipong  ganon."

"Nako. Hmm. Pwedeng bagay na gusto ko makuha, makita o  kaya favorite ko. Dapat ikaw ang umisip nun. Hindi naman mahalaga kung  ano, ang importante nakaalala ka."

"Wow."

Napakunot nuo tuloy ako.

Pagkatapos  sa barber shop ni mamong, tuloy ako sa flower shop ni manang Ising sa  kanto. Bumili ako ng paboritong bulaklak ni Mariel, pulang rosas.  Tatlong piraso.

Pagkatapos ay sumaglit ako sa mall para bumili ng isa pang regalo.

Pasado alas kwarto na ng hapon ng dumating ako sa bahay nila Mariel. Agad ko binigay ang binili kong bulaklak sa kanya.

"Pacenxa  kana, ha. Medyo malungkot yung mga bulaklak. Hindi ko kasi nasamahan ng  chocolates. Ayoko kasi tumaba ka." palusot ko. Sa totoo lang kinulang  talaga ako ng pera para makabili pa ng tsokolate para sa kanya. May  ibang pagkakataon pa naman.

"Ikaw talaga. Oh teka bakit nagbago itsura mo?"

"Wala lang. Maiba lang. Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman. At bakit may bag kapang dala?"

"Trip trip lang."

"Kaloko mo."

"Hehe. Merry Christmas."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora