Chapter 31

4.3K 131 4
                                    

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan.

Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa amin ni yaya. Parehas kaming napatayo mula sa pagkakaupo, tumingin sa isa't-isa.

"Mark silipin mo nga yun kung sino." utos nya.

"Yah naman ikaw na. Birthday ko po ngayon."

"Nako ikaw talagang bata ka."

Agad naman naglakad si yaya papuntang pintuan para tignan kung sino yung nasa labas. Ako naman ay bumalik ulit sa pagkain.

"Mark may bisita ka." natigilan ako sa pagsubo.

Kinabahan talaga ako ng marinig ko ang boses nayun ni yaya.

"Sino naman yun?" sabi ko sa isi-isip ko.

Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong papasok si Maggie kasama ni yaya. Naka fitted jeans at pink shirt, simple pero sobrang sexy. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin, naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. May dala syang baloons, iba't-ibang kulay.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Nagsimula na akong mag-isip ng kung ano-ano sa utak ko.

"Happy Birthday Mark." mahinhin nyang sambit pagkatapos ay inabot nya ang kanyang dala-dala.

Hindi ko man lang nakuhang tumayo at parang napipi bigla. Kinuha ko naman ang kayang binibigay. Nilapitan nya ako at tinapik sa balikat.

"Mark. Uy."

"Napadalaw ka." nabubulol na naman ako sa kaba.

"Birthday mo diba."

"Ah."

Kinuha nya ang silya sa tabi ko at umupo, nakaharap sa akin.

Nakahalata naman agad si yaya kaya saglit nyang pinutol ang aming usapan upang magpaalam. Iniwan nya kaming dalawa para makapag-usap ng masinsinan.

"May pasok ka ngayon diba?" tanong ko.

"Pumasok ako kaninang umaga. Wala ka kaya umabsent ako para puntahan ka dito."

"Salamat."

"May regalo pa ako sayo."

"Ano?"

"Baby." sabay ngiti.

Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain.

"Ha?" gulat na gulat kong sambit.

"Ayaw mo ba?" nakangiti naman sya.

Napalunok nalang ako sa sobrang kaba.

"Mark ang cute mo." pinisil nya ang aking pisngi, napapikit naman ako.

"Maggie."

"Joke lang yun."

"Ha?"

"Matagal ko ng alam Mark pero mas pinili ko na hindi agad sabihin sayo."

"Bakit?"

Dinasog nya ang kanyang upuan at mas lumapit pa sa akin.

"Gusto ko kasi na ikaw mismo gagawa ng moves para alamin yun. Pero hindi ganon ang nangyari, hindi mo man lang ako dinamayan, sinamahan or kahit itext man lang. Alam kong maahirap para sayo yun pero sana inisip mo na mahirap din yun para sa akin. Ikaw ang lalaki pero hindi mo pinangatawan yun Mark."

"Sorry." napayuko ako. Sapul na sapul ako sa sinabi nya.

"Haaaay Mark. Kung hindi ka lang kita ano eh kanina pa kita sinapak."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें