Chapter 52

3.7K 114 1
                                    

Hindi halatain ang tatoo. Halos isang sentimetro lang ang laki at hindi  mo agad mapapansin kapag nilapitan ng tingin. Ewan ko, dahil siguro  sariwa pa yun. Pero kahit na, hindi ko parin sukat akalain na magagawa  niya yun para sa akin.

Nagsisimula ng umihip ang mas malamig na  hangin. Kumakapal narin ang mga ulap na unti-unti tumatakip sa manipis  na liwanag ng araw. Pasado alas dos palang ng hapon pero parang sabik na  sabik ng pumasok ang gabi. Ganito pala kapag Desyembre sa Baguio.

"Tara na?" aya niya.

"Five more minutes." sabi ko.

Pinagmasdan  kong mabuti ang paligid. Ninamnam ko ang bawat segundong nalalabi ko sa  Baguio. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

***

Halos  mag aalas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Pampanga. Hinatid muna  niya ako sa bahay at pagkatapos ay sibat na agad siya pauwi sa kanila.  Hindi na niya nakuhang bumaba pa ng sasakyan.

Sa loob ng halos isang linggo, isang beses lang ulit kami nagkasama. Saglit lang at sa basketball pa.

Si Mariel naman, halos araw-araw nasa bahay.

-----------------------------------------------------------------

Sinindihan  ko ang pla pla na hawak ko gamit ang isang sigarilyo. Nagliyab agad ang  pabilo nun kaya agad kong ibinato. Hindi pa man nakakalayo, sumabog na  agad ng todo. Ang lakas. Nakakabingaw sa lakas. Parang sumabog ang ear  drums ko.

Happy new year! bati ko sa sarili ko.

Dalawa  lang kami ni yaya sa bahay. Buti nga anjan na siya kundi wala na naman  sana ako kasama. Nagpasabi sila lola na uuwi dito, kasama ko, sama-sama  naming sasalubungin ang Bagong taon pero walang ni-isang dumating. Ganon  talaga. Hindi naman kasi ako ang paborito nung apo. Pasaway daw kasi  ako.

Beep. Beep.

Text galing kay Mariel.

Hon, dumaan ka dito ha. Hintayin kita. Happy new year. Love you.

Beep. Beep. Another text.

Galing naman kay Kevin.

Para kang isang ligaw na bala!

"Bakit?" reply ko.

Sa iba nakalaan, ako ang tinamaan... Happy new year. Hohoho.

Patay don! Natawa ako sa banat niya. Hindi ko na siya ni-reply-an. Baka kung saan pa kami mapunta.

Pumasok  na ako sa loob para tikman ang mga niluto ni yaya Rosie. Ang daming  nakahain. Sabay kami ni yaya na kumain. Isa-isa kong nilantakan ang mga  paborito ko. Lahat paborito ko. Hahaha.

"Yah mga ala una alis ako ha?"

"Saan ka pupunta?"

"Kila Mariel... at Kevin."

"Ingat ka. Delikado sa daan."

"Ingat sila sakin yah."

"Ikaw talaga bata ka. Yung mga paputok mo, nasa ref. Akala ko kanina kung ano. Nakabalot pa sa dyaryo."

"Hahaha. Yah para malakas pumutok."

"Ganon ba yun? Bakit ang dami mong binili?"

"Wala lang."

"Kunin mo na dun. Baka mamaya-maya basa na yun."

"Opo."

"Mark. Dun ka sa labas ng bakuran magpaputok ha. Ang sakit sa tenga."

"Yah  ano kaba. Mas malapit sa bahay, mas maganda. Balak ko nga magpasabog ng  kahit isang de bawang dito sa loob ng bahay eh para lumabas ang  masasamang ispirito. Para swertehin tayo. Hahaha."

"Jusko Mark. Kaawaan ka."

"Joke lang yun yah."

Nagdala  ako ng konting pagkain kila Mariel. Pag dating sa kanila pinakain ulit  ako. Nakipag kwentuhan ng konti at pagkatapos ay humayo na agad ako. Ang  dami kasing nag-iinom sa gawi nila, baka mapa toma na naman ako.  Mahirap na.

Nasa labas si Kevin nang dumating ako sa kanila. Ang  daming tao sa bahay nila. Nanduon pala ang buong pamilya at ibang  kamag-anak nila.

Huminto ako sa harap niya.

"Kevin..." bati ko habang bumababa sa motor.

"Musta?" tanong niya.

"Okey naman. Bakit nasa labas ka?"

"Hinihintay ka."

"Ah. Hindi mo ba ako pakakainin sa inyo? Ano ba handa niyo?"

"Hanep Mark. Mas nauna mo pang kumustahin yung handa kesa sakin."

"Hahaha. Sorry. Kumusta ka pala? Happy new year."

"Badtrip."

"Bakit?"

"Ewan ko ba kung bakit ako nabadtrip."

"Sorry."

"Sanay nako dun. Tara na sa loob."

"Sus."

Inakbayan niya ako. Magka-akbay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakakahiya.

Nakita ko agad sila tita... ang buong pamilya. Lumapit ako sa kanila. Ang init ng pagtanggap nila sa akin.

Ipinakilala ako ni Kevin sa ibang kamag-anak na naroon pagkatapos ay sinabayan niya ako kumain.

"Hindi ka pa kumakain?"

"Hindi pa."

"Bakit?"

"Hinihintay nga kita."

"Ah."

"Ikaw ba?"

"Pangatlo na."

"Lupet."

"Hahaha."

"Oy Mark."

"Bakit?"

"Makikitulog ako sa inyo."

"Ayoko."

"Matitiis mo ba ako dito?"

"Oh bakit? Ano problema dito?"

"Tignan mo nga. Ang daming tao. Saan matutulog yung iba jan. Edi sa kwarto ko."

"Ah."

"Oh ano?"

"Pag-isipan ko."

"Sige wag na."

"Joke lang. Tsssk. Sige na. Payag nako."

***

Pagkatapos  namin kumain ay lumabas na kami. Maraming pinagbasyuhan ng mga  fountain, lusis at iba pang pailaw sa labas... sa loob ng bakuran nila.

"Kevin tara dun sa labas. Sa gilid ng daan. Magpahangin tayo."

"Magpahangin? Eh puro usok ng paputok lang ang malalanghap natin dun."

"Basta tara dun. May sorpresa ako."

"Ano?"

"Sorpresa nga eh. Edi hindi na yun sorpresa kapag sinabi ko."

"O hige. Sige. Bahala ka."

Pinauna  ko siyang maglakad. Paglabas namin ng gate nila, maingat kong  sinindihan ang isang pla *** gamit ang lighter at pasimple kong ihagis  yun sa isang gilid.

Kaboooom! Sobrang lakas dahil ang lapit nun sa amin.

Nabigla si Kevin. Gulat na gulat. Nanlaki ang mga mata. Hinahabol ang hininga. Nakakatawa pero nakakaawa.

"Sorry."

Hindi siya nagsalita. Nagalit ata.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin