Chapter 51

3.8K 118 6
                                    

Habang bumabyahe papuntang Mines View Park.

"Oy Mark."

Inaantok na naman ako. Hindi ko namalayan, unti-unti na pala bumabagsak ang mga mata ko.

"Inaantok ka na naman?"

"Kakakain lang kasi saka ang lamig." Hihikab-hikab. "Nakakaantok." dagdag ko.

"Iba ka talaga Mark. Lupet mo."

"Kevin  naman... Sino ba naman ang makakatiis na wag aantukin kung ang mga  kanta na naririnig mo ay mga sinaunang awitin. Yang mga favorite mong  kanta, mas matanda pa satin yan eh." sabi ko.

Iniject niya yung CD sa stereo at pagkatapos ay inilagay niya sa radio. Humanap ng FM station.

"Oh ayan boss." sabi niya pagkatapos.

Hindi ko na siya sinagot. Napapikit nako sa antok.

Ilang sandali pa.

Biglang may nag ring. Cellphone ko. Nagising ako. Si Mariel tumatawag.

Oh.

May pinuntahan lang ako.

Si Kevin.

Mamaya uwi narin ako.

Ha?

Okey.

Sige. Bye.

Call ended.

"Mariel?" tanong agad ni Kevin.

Tumango ako habang binabalik ang cellphone sa bulsa ko.

"Hinahanap kana ata?"

"Hindi naman."

"Ah."

Babalik na sana ako sa pag-idlip ng bigla siya ulit nagtanong.

"Mark anong regalo ibinigay mo kay Mariel?"

"Roses." sagot ko. Bagsak na ang ulo at nakapikit na ulit ako.

"Roses?"

"Yep." pahina na ng pahina ang boses ko.

"Bakit?"

"Favorite niya yun."

"Bakit sa akin jersey?"

"Diba nga maka Kobe ka? Favorite mo rin yun."

"Kahit na mahal? Kahit kapusin ka pa sa pera? Bibilin mo parin?"

"O-o..."

"Bakit?"

Napadilat ako. Napakunot nuo.

"Ang dami mo naman tanong Kevin. Anong bakit?"

"Bakit mo ginagawa to?"

"Ang alin ba?"

"To"

"Kaibigan kita."

"Ginagawa mo ba yun sa iba mong kaibigan?"

"Hindi."

"Eh bakit ako?"

Napabuntong  hininga ako. Napakunot ulit ng nuo. Napakamot ng ulo. Natigilan ako ng  ilang segundo. Ano ba to, para akong may kausap na toddler. Lahat nalang  tinanong.

"Iba ka eh." matipid kong sagot.

"Panong iba?"

Hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita. Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

Napansin niya yun. Nagmenor siya. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan. Hindi niya ako nililingon. Ang lamig pero parang ibig niyang pagpawisan.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now