Chapter 29

4.6K 129 12
                                    

Mag-uumaga na pero dilat na dilat parin ang aking isipan, naguguluhan sa hindi maipaliwanag na ewan. Nagkukunwari ang aking mga mata na nakapikit, natutulog pero buhay na buhay parin ang diwa kakaisip sa kanya. Panay ang aking biling sa kaliwa, sa kanan, sa kaliwa, sa kanan, hindi ako mapakali.

Umibig na ako ng maraming beses pero bakit ngayon ko lang ito naramdaman.

*******************************************

Maghapon ko sya iniwasan. Hindi ako sumabay sa kanya sa pagpasok. Nagdahilan ako para hindi ko sya makasama sa lunch break at madalas wala akong reply sa mga text nya.

"Kevin mauna ka na umuwi. May gagawin pa kasi ako mamaya."

"Hintayin na kita."

"Wag na."

Hindi na sya nag-reply.

Tumambay lang ako sa harap ng building namin pagkatapos ng huling klase. Nakipag-kwentuhan sa ilang mga kaibigan. Pagpatak ng alas singko ng hapon ay nagpaalam na ako sa grupo para abangan ang paglabas ni Maggie sa klase nya. Dumaan muna ako sa banyo, naghilamos, humarap sa salamin "Mark kaya mo yan" tapos ay huminga ng malalim, palagay ko ayos na ako.

Maraming kasama si Maggie nang lumabas ng classroom kaya nagdalawang isip akong lapitan sya. Hinayaan ko muna syang maglakad kasama nila. Buti nalang habang papalayo ay unit-unting nalalagas ang ilan sa mga kasama nya. Ako naman ay naglalakad din kasunod nila, maingat para hindi niya mahalata.

Huminto sila ng ilang saglit na parang may pinag-uusapan hanggang sa maiwan nalang si Maggie mag-isa kaya agad ko na syang nilapitan.

"Maggie pwede ba tayong mag-usap?"

Tinalikuran nya ako at ambang hahakbang papalayo kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Maggie sorry na."

Wala naman akong naramdaman na resistance mula sa kanya kaya hindi ko sya binitawan. May ilan sa paligid na nagtinginan sa amin pero hindi ko yun pinansin, sya deadma lang din.

"Maggie ahhhh..." "Sana mapatawad moko..."

Napansin ko na papalapit yung dalawa nyang kaibigan sa amin, yung dalawa na kasama nya kanina. Binitawan ko sya. Dumistansya ako ng ilang hakbang sa kanya.

Tinitigan ako ng isa nyang kaibigan habang ang isa naman ay nakangiti.

"Hi Mark." bati ng isa, yung nakangiti.

"Hello." gumanti ako ng ngiti. "Pwede ko ba hiramin saglit si Maggie? May sasabihin lang ako."

"Tanungin mo sya kung gusto nya. Wag ka samin magpaalam." sagot ng isa. May pagka-mataray ang dating ng kanyang tingin kaya mas lalo akong nahiya.

Tinignan nila si Maggie at tumango naman yun sa kanila kaya agad silang nagpaalam sa amin.

"Maggie sa lobby lang kami ha. Text ka lang." paalam ng isa. Ilang sandali pa ay tumalikod na ang mga ito palayo sa amin.

"Upo tayo." anyaya ko sa kanya.

Tumango lang ulit sya kaya pinangunahan ko na ang paglalakad papunta sa di-kalayuang parke sa school, malapit sa building nila Kevin.

Nahalata nya siguro na nahihirapan akong magsalita kaya sya na ang unang nagsimula.

"Naduwag ka ata Mr. Lopez." tumaas ang kanyang kanang kilay kaya mas lalo akong kinabahan.

"Maggie sorry." nabubulol pa ako habang nagsasalita.

"Puro sorry nalang ba ang sasabihin mo?" seryoso parin ang kanyang tono.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now