Chapter 4

10.6K 223 11
                                    

Nakatalon ako bago pa man sumadasad ang motor kaya puro galos lang ang nakuha ko sa kanang binti at sa siko. Hindi naman grabe, puro first degree friction rub lang. Yung drama ko kanina na hindi ako makatayo at hindi ko maigalaw ang kamay? Arte lang yun. Pero seriously ganon pala ang feeling kapag naaksidente at wala kang idea kung anong damage ang nakuha mo, hindi mo talaga maigagalaw ang body parts mo for few seconds dahil ata sa subconcious part ng brain. Parang ganon daw yun.

Damohong dump truck yun hindi man lang ako hinintuan. Hahabulin ko sana pero nag-decide na ako na wag nalang. Inisip ko na maswerte narin ako dahil walang serious injury na nangyari sakin.

Biglang dumami ang tao sa paligid, nasa gilid lang kasi ako ng national hi-way kaya maraming bahay. Maraming tumulong sakin. Karamihan kilala ako, tinatawag nila ako sa family name. Siguro dahil sa madalas nila akong nakikitang naglalaro ng basketball. Nakatayo na ang motor ko nung puntahan ko, maliban sa side mirror sa kaliwa na nabasag saka gasgas sa left body wala naman major parts ang nasira. Buti nalang at medyo nakapag-menor ako kanina.

Nagpasalamat ako sa mga taong tumulong at naki-simpatya bago ako umalis. This time sobrang mabagal na patakbo ko. Nagsimula ko narin maramdaman ang hapdi ng mga gasgas na natamo sa aksidenteng yun. Bigla ko naisip na muntik na pala ako nun. Biglang pumasok sa isip ko ang mga mahal ko sa buhay, sila Mama, Papa at dalawa kong nakababatang kapatid na nasa Canada, si Lola, mga kaibigan ko at syempre si Mariel. Bigla akong nalungkot at napag-isip.

________________________________________________

Dumaan parin ako sa isang fast food restaurant para kumain at mag-take-out for Mariel. Dinaan ko sa kanya yun at gaya ng inaasahan ko galit sya dahil sa hindi ko pagtupad sa sinabi ko. Buti nalang at napansin nya mga gasgas ko kahit wala naman talaga ako balak pang ikwento sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan habang bakas sa kanya ang pag-aalala. Umiyak sya habang kinukwento ko ang aksidente na nangyari sakin few minutes ago. Hindi rin sya pumayag na hindi ako magamot. Dinala nya ako sa ER ng ospital para linisin ang sugat ko at ang pagbibigay sakin ng kinakatakutan kong injection. Mga 2 injections yun, magkabilang shoulder ko, para daw sa tetanus. Binigyan din ako ng gamot para sa kirot. In other words, naging pasyente ako.

"Teka anong oras na ba?" 6:30 PM na pala takte. Nagpaalam na ako agad.

"Hon I need to go na ha, 7 PM ang awarding namin" paalam ko kay Mariel.

Ang dami pa nyang sinabi bago pa nya ako payagang umalis. She kissed me, she hugged me. Ka-sweet nya. Wala syang pakiaalam sa mga tao na nakapaligid samin. Hanep sa PDA nung mga oras nayun.

________________________________________________

Hindi na ako naligo kasi may wound dressing ako sa siko at binti saka late na late narin. Naka-tsinelas lang ako suot ang green jersy namin sa school intrams last year at dinala ko narin ang lucky charm ko na green headband with NBA logo, bigay ni Mariel last Christmas.

Nakarating ako sa venue ng awarding by 8 PM, isang oras na late. Buti nalang Filipino time kaya sakto parin.
Napansin ng team ang mga wound dressings ko kaya ayun isang umaatikabong kwentuhan ang nangyari habang nagbibigay ng mensahe si Governor na nag-organize ng tournament. Ilang personalidad pa ang ang nagpa-pogi este nagsalita at sa wakas announcement na ng mga nanalong team at individual awards.

This is it! Kabado ako, hindi sa Championship award kasi alam ko naman na sa amin nayun mapupunta. Kabado ako dahil sa individual awards, ang Mythical five o ang Limang pinaka-magagaling na manlalaro sa buong liga at ang inaasam-asam ng lahat ng mga basketball player na MVP award.

Hindi ko pala nasabi sa inyo na ang inter-commercial basketball tournament na ito ay para lamang sa mga junior basketball players na may edad 17-21 years old.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now