Chapter 24

4.3K 135 13
                                    

Wala ako sa sarili nung mga sandaling yun. Siguradong hindi si Mark ang taong bitbit-bitbit ko. Mahirap man ipaliwanag pero hindi ko talaga makilala ang sariling ako.

"Akala ko ba ayaw mo sa Jollibee?"

"Basta."

"May problema ka?"

Hindi ako makasagot sa tanong nya. Magulo ang isip ko. Napansin sigurado nya ang hilatsa ng mukha ko.

"Mark okey ka lang?" nagsimula na syang magalala.

"Mags mahal mo ko?"

"Ha?" nagulat sya sa tanong ko. Hindi sya makasagot, halatang nagtataka.

"Kasi ako mahal kita." dagdag ko.

"Mark ano ba nangyayari sayo?" tumaas ang kanyang boses. Nagulat sya marahil sa sinabi ko.

"Gusto ko sana tayo na." seryoso kong tugon.

"May girlfriend ka."

"Wala na yun. Ano sex tayo?"

Sinampal nya ako, malakas at sigurado akong narinig yun ng mga tao sa paligid.. Nagtinginan ang iba at ang ilan ay patay malisya. Tinitigan nya ako ng masama, nanggigilid ang kanyang luha. Bigla akong natauhan sa aking mga ginawa. Nagsimula na akong makaramdam ng matinding pagkahiya.

"Sorry Maggie." nakayuko ako, hiyang hiya. Wala akong mukang maiharap sa kanya.

Bigla syang umiyak. "Mark babae ako na dapat ding igalang. Akala ko iba ka, iba sa mga bastos na lalaki jan. Akala ko hindi ka tulad nila na kung tratuhin ako ay isang laruan." pinagpipyestahan kami ng mga matang nasa paligid pero hindi ko yun pinansin.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." nanginginig ang boses ko.

Tumayo sya at biglang lumabas. Sinundan ko naman sya pero yun nga lang hindi ko alam ang gagawin ko. Naglakad sya, naglakad palayo. Sinundan ko lang sya.

"Sorry Maggie. Magulo lang kasi isip ko kanina." kinakausap ko sya habang naglalakad kami. Nasa harapan sya, nauuna habang ako ay nasa likuran lang nya.

"Hindi ko inaasahan na sayo manggagaling yun Mark." alam ko umiiyak parin sya.

Binilisan ko ang paglalakad at naabutan ko sya sa tapat ng isang walang taong eskenita, sa ilalim ng isang poste ng ilaw. Hinawakan ko sya sa kamay, nagpupumiglas sya. Niyakap ko sya, kumakawala parin sya.

"Patawarin mo ko Maggie. Magulong-magulo lang talaga ang isip ko kanina. Ikaw ang unang pinuntahan ko dahil iniisip ko na ikaw lang ang makakaintindi sa akin, sa pinagdadaanan ko. Hindi ko talaga sinasadya na bastusin ka pero tinatanggap ko ang pagkakamali ko. Sinaktan kita at hindi man lang inisip ang mararamdaman mo, puro sarili ko lang ang inintindi ko. Nagmamakaawa ako sayo Maggie, patawarin mo ako."

Tumigil na sya sa pagkawala sa pagkakayakap ko. Mas lalo pa syang umiyak kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

"Gusto kita Mark, gustong gusto pero hindi dahilan yun para ibaba ko ang level ng pagkababae ko. Hindi ko alam yang pinagdadaanan mo pero iintindihin nalang kita. Nagagawa mo lang siguro ang lahat ng ito dahil may mabigat kang dahilan."

Ilang saglit pa ay umupo kami sa isang tabi, hindi kalayuan sa poste ng ilaw. Nung una medyo naiilang pa kaming magsalita pero sya na ang bumasag ng katahimikan ng panimulang "Sige ilabas mo yan, makikinig ako." Nabubulol pa ako sa kaba nung simula pero nagawa ko naman ikwento ang lahat ng nangyari at pagkatapos ay niyakap nya ako, tinapik sa balikat.

"Hindi parin sapat yan Mark para gawin mo yun pero pinapatawad na kita."

"Salamat Maggie. Sorry ulit."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon