Chapter 28

4.5K 143 10
                                    

Hindi naman ako galit sa kanya, sa ginawa nyang pagsapak sa akin dahil nararapat lang naman yun para pagbayaran ang aking mga kasalanan pero hindi ko talaga maalis ang tampo ko sa kanya. Ang dahilan? Hindi ko alam...

"Naririnig mo ba ako?" "Umalis ka na kako dito." "Hindi na kita kailangan."

Tumayo sya at lumapit sa akin. "Galit ka sakin ha?" "Sapakin mo ko." nilapit nya ang kanyang mukha. "Sige sapakin mo ko. Tutal yan naman ang gusto mo diba? Nagaglit ka sakin dahil sinaktan kita? Pagkakataon mo na, eto gumanti ka, sapakin mo rin ako."

Hindi ako kumibo. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi nya.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan?" "Mas masakit ang ginawa mo Mark."

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling iiyak. Sapat na ang mga luha na bumuhos nung mga nakaraang araw. Masyado ko nang binaba ang pagkalalaki ko. Nawala na ang astig image ng isang Mark Lopez III.

Kahit anong pilit ko, pumatak parin ang aking luha nang hindi ko namamalayan. Sinubukan kong itago pero nabigo ako. Tumalikod ako pero hinawakan nya ako. Kinuha nya ang aking ulo at nilagay sa kanyang balikat, hinaplos ang aking buhok, niyakap nya ako ng mahigpit, hinagod ang aking likod.

I was standing
All alone against the world outside
You were searching
For a place to hide

Lost and lonely
Now you've given me the will to survive
When we're hungry...love will keep us alive

Don't you worry
Sometimes you've just gotta let it ride
The world is changing
Right before your eyes
Now I've found you
There's no more emptiness inside
When we're hungry...love will keep us alive

I would die for you
Climb the highest mountain
Baby, there's nothing I wouldn't do

I was standing
All alone against the world outside
You were searching
For a place to hide
Lost and lonely
Now you've given me the will to survive
When we're hungry...love will keep us alive
...

Parang ayoko nang matapos ang sandaling yun. Feeling ko nabuo akong muli.

"Ayos ba?" tanong nya.

"Hanep Kevin ang lakas ng loob mo kumanta."

"Hanep Mark ang lakas ng loob mong manglait, ikaw na nga itong.. Badtrip..."

"Hayaan mo na. Ganon talaga. Hindi lahat ibinigay sayo. Gwapo ka naman kaya tanggapin mo na pangit talaga boses mo."

"Mark."

"Bakit?"

"Wag mo naman pagpunasan ng sipon yung shirt ko. Giordano yan. Tsssk. Kahilig..."

Loko to ah. Biglaan eentra ng ganon. Naging katatawanan tuloy ang sana'y seryosong usapan.

"Mark maligo kana. Amoy paksiw kana."

Patay don! Ayaw tumigil ni loko.

"Maligo kana bilis. Jollibee tayo." ngumiti sya.

"Libre mo?"

"Oo na."

Ngumiti ako.

"Diretso kana sa banyo bilis. Ako na maggagayak ng bihisan mo."

Kahit naliligo, hindi parin maalis ang ngiti ko sa labi, ang saya ko. Hindi ko na naisarado ang pintuan ng banyo sa sobrang saya.

"Mark yung towel at brief mo nakasabit sa doorknob. Hindi mo sinara yung pintuan akala mo naman papasukin kita." sigaw nya.

"Bugok nakalimutan ko lang yun." nahiya naman ako.

************************************************

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now