Chapter 41

3.7K 117 7
                                    

Natalo kami pero dalawang puntos lang naman ang lamang. Hindi na nakapaglaro si Kevin sa natitirang oras ng laban. Hindi naman grabe ang injury niya. Natapilok siya at medyo nabugbog ang paa pero mukang okey naman na. Nagawa pa nga niyang tumayo mula sa pagkakahiga at nakapaglakad pa kahit na walang umaalalay na iba, yun nga lang ika-ika.

Yari na ang game ng bumaba ako para lapitan siya. Galing ako sa likod, sa gawing itaas niya. Hinawakan ko siya sa balikat, hindi niya ako agad nakita.

"Okey ka lang?"

Napalingon siya. Umupo naman ako sa tabi niya. Natagalan siya bago makasagot.

"Wala to."

"Sigurado ka?"

"Wag ka mag-alala. Okey lang talaga ako." medyo napapangiti na siya.

"Ayos laro natin kanina ah."

"Hindi naman."

"Ang dami mo na agad fans."

"Oo nga eh. Ikaw ang number 1. Hahaha."

"Patay don!"

"Bakit ayaw mo ba? Hehe."

"Tara na nga. Iuuwi na kita."


-----------------------------------------------------


Maaga pa nang dumating ako ng bahay. Hinatid ko muna si Kevin sa kanila at pagkatapos ay nag commute nalang ako pauwi.

Inabutan ko nang nakagayak ang hapagkainan kaya minabuti ko nang samahan si yaya para kumain tutal minsan lang naman kami magkasama sa hapunan. Nakailang subo naman ako at agad na umakyat sa kwarto, para makapagpahinga ang paalam ko kay yaya.

Habang pumapanik ng hagdan, bigla akong napaisip, napatigil, napatulala. 'May problema kaba?" yan ang huling linya ni Kevin kanina bago kami maghiwalay. Simpleng tanong pero tanging iling at ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

Beep. Beep.

Humakbang na ulit ako patungo sa aking kwarto.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Binuksan ko. Text galing kay Kevin.

"Mark kilala mo ba yung April?"

Sumagot naman ako.

"Yes."

Ang bilis niyang magreply.

"Crush daw ako neto. Pacenxa na wala akong time sa mga hindi ko kilala. Hehe."

Mukang masaya si loko pero wala talaga akong gana makipagkulitan sa kanya ngayon.

"Sige na Kevin. Good night na sayo. Matutulog nako. Pahinga ka narin."

Inilapag ko ang cellphone ko sa kama. Mabilis kong hinanda ang mga bihisan ko at diretso agad sa banyo para maligo. Gusto ko kasing maging presko para mas madali akong dalawin ng antok mamaya.

Pag balik ko, agad kong kinuha ang cellphone na nasa kama. Tinignan ko ang reply ni Kevin sa huling text ko pero wala.

Maaga pa, hindi pa oras ng karaniwang tulog ko. Walang pa naman pasok kinabukasan pero nahiga na ako, nagbabaka-sakali.

Bumiling. Tumagilid. Tumihaya. Dumapa. Buset hindi talaga ako makatulog. Pilit parin na sumisiksik sa isip ko ang pangalan ni Mariel. Okey nako dati pero bakit eto na naman ako ngayon.

Tumayo ulit ako. Naglakad-lakad sa loob ng kwarto. Umupo sa harap ng computer.

Binuksan ko ang computer. Nag log in sa Yahoo Messanger.

May ilang naka online pero offline naman ang gusto kong kausapin. Baka busy. Baka nasa duty. Baka...

MarklopezIII: kumusta?

Sinend ko narin sa kanya kahit late na niya mabasa.

Buzz. Buzz.

MarielSantos: uy lopez > nakaalala ka.

Ano ba to. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

MarklopezIII: offline kunwari? > kumusta ka?

MarielSantos: hayaan mo na. > marami kasing nagme-message sakin. > eto miss kana.

Pano ba to? Ano ba isasagot ko dito?

MarklopezIII: kumusta boyfriend mo?

MarielSantos: ano ba sinasabi mo? baka pinalitan mo na agad ako.

MarklopezIII: sabi ng pinsan mo malapit kana daw umuwi.

MarielSantos: binabago mo naman ang usapan Lopez eh.

MarklopezIII: ang tagal mo kasing nawala.

MarielSantos: so meron na?

MarklopezIII: masaya ako. > kasama siya.

Matagal siya nakasagot. May limang minuto ata akong naka-abang sa reply niya.

MarielSantos: ang bilis naman. > nakalimot ka na agad sa pangako.

Napabuntong hininga ako. Mas lalo pang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko.

MarklopezIII: hindi ko naman yun nakalimutan. > hindi ko lang napanindigan. > sorry.

MarielSantos: excited pa naman ako umuwi jan para sayo. > tapos eto.

MarklopezIII: hihintayin naman kita dito. > lagi lang naman ako naghihintay sayo. > magkaibigan parin tayo.

MarielSantos: joke lang ba to o ano?

MarkLopezIII: diba ikaw ang unang umalis sa relasyon natin?

MarielSantos: hindi ako umalis. > nagpaalam lang ako saglit. > nangako ka na maghihintay ka.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon