Chapter 45

3.7K 112 2
                                    

Tumayo ako para kumuha ng mas makapal na kumot para idagdag sa manipis na nakabalot sa hubad niyang katawan. Malamig na ang paligid at mas malapig pa pala kapag madaling araw kung kailan nagsisimulang kumapal ang hamog sa labas.

Inayos ko ang kumot niya at dinagdagan pa ng isa. Sinubukan kong muling bumalik sa pagtulog pero wala... hindi ko magawa kaya tumayo muli ako at lumapit sa bintana, ng aking kwarto. Sumilip ako.
Nakatawag pansin kasi ang mga ilaw na tumatama sa salamin... mga ilaw na nagmumula sa labas... mga ilaw ng mga christmas lights sa labas, ng ibang bahay.

Malabo ang salamin ng bintana dahil sa hamog pero makikita mo parin ang labas. Marami akong naiisip at naalala. Ilang saglit lang pala ay tama na para makabalik ako sa estado ko kanina... tulog. Nagsimula na akong antukin.

Bumalik na ako sa kama at tinabihan ulit siya. Maingat ko siya hinalikan at niyakap para hindi magising.


---------------------------------------------------------------


Mababaw naman na ang tulog ko, kanina pa. Nahihirapan lang talaga ako bumangon lalo pa't malamig ang panahon. Ilang araw nalang pala pasko na... pasko nanaman.

"Hon gising kana. Aalis nako maya-maya."

Binitawan ko ang yakap kong unan at nagsimula ng bumangon, nag-inat, naghikab... ang hirap talaga bumangon.

Hindi ko alam ang itsura ko ng humarap ako sa kanya. Hinalikan naman niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Tamad ka parin pala Lopez. Sabi mo ikaw ang gigising sakin at magluluto."

"Sorry. Napuyat kasi ako kagabi."

"Lulusot ka na naman. Yan ang namiss ko sayo, sobra."

Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin habang ako naman ay kinukuskos ang mga mata at pupungas-pungas pa.

"Anong oras kaba aalis, ha?"

"Ngayon na, sana."

"Ha? Ka-aga."

"Paalam ko kasi kila papa maaga akong uuwi eh."

"Ihahatid pa ba kita?"

"Hindi. Hindi na. Baka kung ano sabihin nila sa atin pag nakita tayo magkasama ng ganito kaaga."

"Ah."

"Kain kana. Nakahanda na sa baba."

"Sige. Mauna kana. Sunod nalang ako."

Pumunta muna ako sa banyo at nag-ayos ng sarili.

Mag-isa lang ako kaya sinamahan ako ni Mariel sa bahay. Umuwi kasi si yaya sa Probinsiya nila. After Christmas na yun darating. Ako naman, mas pinili kong manatili sa bahay kahit mag-isa kaysa umuwi kila lola sa Manila kasama ng mga pinsan ko para dun mag Christmas break.

"Tara, sabayan mo na ako kumain?"

"Hindi na Mark. Next time nalang, ha."

Tumango ako, ngumiti sa kanya.

"Kelan ba natin pupuntahan si Kevin? Kelan ba tayo magkikita-kita? Tatlong araw nako dito sa Pilipinas pero hindi ko pa kayo nakikitang magkasama. May problema ba?"

Napailing nalang ako sa kanya. Isusunod ko sana ang sagot ko sa mga tanong niya pero hindi na niya yun nahintay pa. Nagmamadali talaga siya.

"Oh siya sige hon. Text nalang mamaya. Kumain ka mabuti ha. Love you. Bye."

"Bye."

Lumabas na siya ng bahay. Ako naman ay umupo na, sa hapag kainan.

"Love you too." Sambit ko, pabulong kahit wala na siya, kahit ako nalang ang nakarinig non. Pagkatapos ay nagsimula na akong kumain mag-isa.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora